Dali dali akong tumatakbo paakyat sa SM North kahit pa makakabangga na ako, wala na akong pake. Mahuhuli ako sa play na papanoodin namin ng buong school dahil nga wala kaming field trip. Dahil star section ako ay iba ang oras namin sa regular students. Lagi naman kaming iba tss
4:30 pm na at 5 pm ang usapan na magsisimula daw ang play.
"Ma! Dalian niyo naman baka mahuli ako" tawag ko pa kay nila mama dahil hinatid nila ako at may kikitain din daw siyang kaibigan dito.
"Naku kasalan ba namin na ang bagal mo kumilos kanina sa bahay?" Hindi ko din kasalanan na walang tubig.
"Ma! Hindi ko makita ang pila ko!" Sa tanda kong ito naiiyak pa din ako pagnakikita ko ang kumpol ng mga tao at lalo na pagnaiirita na ako.
"Tawagan mo si Mae! Ikaw kasi kay bagal bagal mo"
Agad ko namang ginawa ito pero hindi sumasagot
"Ate! Andun sila ate Mae!" Agad akong hinila ng bunso kong kapatid.
Na tanaw ko naman si Mae na nakaupo at nakikipag usap sa iba pa naming kaklase
"Hoy puta ka bat hindi ka sumasagot sa tawag ko?" Sabi ko sabay pasimpleng singit sa pila. HAHAHAHA sorry na
"Magsisimula na ba?" Tanong ko
"Hindi pa mamayang 6 pm pa daw" Ano? Matapos kong tumakbo malalaman kong mamaya pa pala!
"Asan si bakla?" Paghahanap ko sa kaibigan namin hindi pa naglaladlad kung bakla ba siya.
"Nasa harapan si bekla" sabay turo niya kay Jasher
Dali dali akong tumakbo papunta sa harap ng pila para sunduin siya kaso napatigil ako ng may pamilyar na mukha akong nakita
"Amanda!" Natauhan ako ng tinawag ako ni Jasher
"Oh? Halika dun tayo kay nila Mae!" Sabi ko habang pinipilit na hindi masagi ang paningin sa taong iyon
"Hayss oo nga ako lang magisa dito" agad siyang tumayo at nagpaunang maglakad.
Bago umalis palihim kong pinagmasdan ang taong iyon habang masayang naglalaro ng ML kasama ang kaniyang mga kaibigan.
'Masaya ka na pala. Buti naman' sabi ko sa aking sarili at naglakad na palayo
Masaya kaming nagaasaran ng mga kaklase kong close ko at nalaman namin na mamayang 8 pm pa ang start ng play. Piste talaga HAHAHAHAHAH
Mamaya pa ay biglang nagtulakan yung mga nasa likod ko at umusog kami. Nagiba na ang katapat namin. Puro mga lalake na.
"Uy ang gwapo" dinig kong sabi ng isa kong kaklase na medyo close ko
"Oo nga eh HAHAHAHA" sagot pa ng isa kong kaklase
"Hello!" Bati nung isang lalake na medyo singkit. Halatang gago
Nagtuloy ang kanilang harutan
"Ang harot nila puta" matabang kong bulong kay Mae
"Oo nga eh" pag sangayon niya sa akin
Masyado na akong naiinis sa kanila kaya agad akong lumapit kay mama upang magpabili ng tubig
'Ang tagal naman ng play na ito! Naiinis na ako sa mga taong nasa harap ko!' Iyamot na sabi ko sa sarili ko
"Anak oh!" Sabi ni mama habang hawak niya ang tubig ngunit medyo malayo ako sa kanya at umuusad na ang pila
Pilit kong inaabot ang kamay ni mama at tumatalon pa ako
'Ano ba yan! Wag na nga lang'
Sasabihin ko na sana kay mama na wag na lang kaso laking gulat ko ng may isang lalake ang nagabot sa akin ng tubig.
Ang alam ko isa siya sa mga lalakeng mahaharot.
Pero hindi ko siya nakita dahil deretso kong ininom ang bottled water sobrang uhaw ko
Sa pagkakataong iyon nagpapasalamat ako sa lalakeng yun dahil sa kanya na buhayan ako dahil ilang oras na akong walang kain at inom ng tubig.
'Salamat' pagpapasalamat ko sa kanya sa utak ko kahit hindi ko siya nakikita dahil biglang umusad na ang pila.
~
Read well..