Conversation 1

2 0 0
                                    

Ilang araw na matapos ang play at heto pa din ako walang pinagbago.

"Ang dami na namang pinapagawa ng teacher natin sa Filipino."

Kakatapos lang ng 3rd periodical exam namin pero ang dami niya pa ding pinapagawa sa amin.

Grade 9 na ako pero parang hanggang ngayon hindi pa din ako makapaniwala na isang taon na lang tapos na ako sa high school

"Oo nga pala nakita ko siya kanina kasama si Claine" Kilala ko na ang tinutukoy niya

"Hayaan mo na sila mabait namin si Claine and besides matalino din yun kaya nga sila sa science high school eh"

Yes, si Claine at yung tinutukoy niya ay nasa ilalim ng  science high school pero iisa lang ang building namin dahil star section kami. Hindi lang kami masabi na kasama sa kanila dahil hindi naman kami nag exam o nakapasa sa entrance exam nila pero iisa lang lahat ng teachers namin. Pati schedule ay parehas. Kaming buong building ay pang umaga, hindi na yun maiiba kahit anong grade ka. Hindi katulad ng regular students ay may pangumaga at panghapon.

"Move on ka na?" Tanong niya sabay kagat ng biscuit niya

"Move on from what? Eh hindi naman naging kami."

"Oo nga pala M.U lang kayo. Teka naging mag M.U ba kayo o ikaw lang ang nagisip nun? HAHAHAHA" Bigla akong napatigil sa sinabi niya

Oo nga naging mag-M.U ba talaga kami?

"Tangna oo nga nu? Kung sakali first M.U ko dapat siya. Puta ang gulo talaga pag wala kayong label" sabi ko na lang at nagtawanan kami

Ilang sandali pa ay dumating ang aming bagong teacher sa science. 

Paiba-iba kami ng teacher sa science per grading dahil depende ito sa branch ng science.

Earth and Space ang 4th grading namin ngayon

Agad siyang nagpakilala siya amin.

"Mrs.Janine Alacazar"

Agad naman siyang nag sabi ng mga rules niya. Nagbigay agad siya ng assignments

Sa mga sumunod naming klase ay wala pading pinagbago at karamihan ng assignments namin ay about sa play na napanood namin.

"Nakakainis naman to" saad ni Jasher habang nagaayos ng gamit sa locker

"Edi sana tayo na lang yung writer ng play na yun para hindi mahirap gawin!" Dagdag pa ni Mae

"Kaya nga eh! Pag to natapos ko ipapa acting ko to sa kanila" siyempre di ako papatalo.

"So ano na ang dami pa nating assignments tapos may groupings pa. Kinakabahan na ako para sa kuhaan ng card" sabi ko

"Oo eh. Naku Amanda baka mawala na tayo sa honor at baka hindi na tayo star sa susunod na pasukan"-Mae

"Kaya yan! Kayo pang dalawa!" Sabay pilantik ng kamay niya. Ito talagang si Jasher ayaw pang umamin na bakla siya HAHAHAHAHA

"Uwi na tayo Mae" sabi ko sa kanya pagtapos ayusin ang mga gamit ko sa locker

"Halika na at kailangan pa nating gumawa ng assignments "

Naglalalad kami ni Mae papunta sa sakayan ng bigla siyang nagtanong

"Bat ka pinagpapalit ni Chad?" Aba gago talaga tong kaibigan ko

"Hindi ko din alam eh. Wala pa kaming isang buwan na hindi naguusap nalaman ko na lang na may bago nasiyang ka-M.U HAHAHAHA" kunwaring natatawang sabi ko

"Pero mabait ba talaga siya?"

"Oo sobrang banal nun na tipong ang usapan namin ay tungkol kay God" napaka banal niya talaga hayss pag na aalala ko yun natatawa na lang ako

"Seryoso? HAHAHAHA eh may pagka demonyo ka pa naman" sinamaan ko siya ng tingin

Kahit kailan talaga tong babae na to

Nakarating na kami sa sakayan at wala kaming masakyan so naghintay pa kami ng mga kalahating oras.

"Inaantok na talaga ako.." sabi ko pa habang kumukha ng pangbayad sa jeep

"Napapagod nga ako eh" sabi niya pa habang hirap na hirap na kumuha ng barya sa bag niya

Pwede naman kasing yung buo na lang. Arte kasi neto eh. Ano ba iyan nagmumukha akong backstabber HAHAHAHAHA

"Ano nga ulit yung pangalan ng bida sa play?" Di ko kasi ako nakinig ng maayos hahahaha nilalamig ako num eh

"Filepe tsaka Nestor! Ang gwapo ni Nestor!!" Kinikilig niyang sabi habang hinahampas ako

Required ba talagang manghampas pag kinikilig? Tsk

"Ang harot mo" sabi ko sa kanya sabay tulak

"Bitter ka lang kay ano eh!" Inirapan ko na lang siya at tumingin na lang sa bintana

Ilang minuto pa habang naghihintay ng masasakyan ay dumating ang mga kumpol ng lalaki. Namumukhaan ko sila dahil mga kilala sila sa schools.

Aaminin ko may mga istura talaga sila at matatalino pa, hindi ko na lang alam kung anong ugali ang mayroon sila.

Napatingin ako sa isang lalaki na medyo kasing tangkad ko. Moreno lang siya, gwapo siya pero hindi sobrang gwapo. Tama lang. Para ngang namumukhaan ko siya eh.

Laking gulat ko ng tumingin siya sa akin at medyo nagulat pa ngunit ngumiti din agad, mukhang kilala niya ako?

"Amanda! Halika na!" Agad akong napaiwas ng tingin sa kanya

Tumakbo na ako paakyat ng jeep ngunit bago pa ako tuluyang makaupo ay lumingon muna ako sa kanya at nakangiti pa rin siya sa akin. Mukhang inaasar pa siya ng mga kaibigan niya. Yikes.

"Kilala mo yun?"

"Sino?" Nag iwas ako ng tingin kay Mae

"Wala hahaha" naiiling habang tumatawa niyang sabi

Nakauwi na ako sa bahay at natulog. Nagising ako mga pasado alas-4 para gumawa ng assignments sa Filipino.

"Puta ano ng gagawin ko dito?" Kanina pa ako search ng search dito sa computeran di ko pa rin mahanap

"Ate paextend po sa PC1!" Sigaw ko dahil malapit na akong maubusan ng time

Habang patapos na akong mag type ay biglang nagchat yung kaklase kong si Anne

Anne: Amanda

Amanda: Bakit?

Anne: May irereto ako sayo

Matagal na din akong walang kachat hahahaha baka pwede na to

Amanda: Spill

Anne: Lawrence Keil Beunaventura ang name niya accept mo daw siya, crush ka ata haha

Amanda: Naka shabu yan amp

May nag add nga sa akin at inaccept ko na lang din

Agad akong nag out dahil kailangan ko pang magpaprint sa kabilang mundo haha

"Kuya Christian paprint!" Feeling close lang ako

Agad niyang inabot ang keyboard sa akin para makapag log in na ako

Habang naghihintay ay pumasok sa bahay nila si Kuya Christian kaya ang ginawa ko nag fb muna ako hahahaha libre lang psh.

Lawrence: 'Removed message'

Amanda: ?

----------
Enjoy reading, penny!

Follow me at Twitter: @MsPenMaster

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 23, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Her Good Morning'sTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon