Last day ng intramurals ng Saint Rafael University. Masaya ang lahat. Nag-eenjoy sa panonood ng mga laro. Todo suporta ang bawat isa sa kinabibilangang kupunan. Grabe ang lakas ng hiyawan. Ang mga magkakalabang department ay panay din ang patutsadahan at patalbugan. Lalong-lalo na ang supporter at cheerer ng bawat team. Punong-puno ang school gymnasium ng mga estudyanteng na humigit-kumulang sa dalawang libo na ayaw paawat. Kasalukuyang ginaganap ang championship ng larong basketball sa pagitan ng Business Ad department at Engineering department.
" Go, Lance!" sigaw ni Noreen. " Go!"
Kilig na kilig ang dalaga sa binata. Hindi iyon lihim na crush niya ang team captain ng engineering department na si Lance Galvez. Nagsimulang umusbong ang kanyang nararamdaman sa binata noong first year college siya. Nang minsang maisipan niyang libutin ang buong campus ng SRU ng mag-isa. Dala ng kuryusidad ay napadpad siya sa gymnasium ng paaralan. Lakas-loob siyang pumasok. Namangha siya sa laki ng buong gymnasium. Pinaikot niya ang mga mata ng mahagip ng kanyang paningin ang isang matangkad na lalaki na naglalaro ng basketball mag-isa. Naka-sando ito at basang-basa ng pawis. Halatang kanina pa itong naglalaro. Napatigil siya sa kanyang kinatatayuan at pinanood ito. Panay ang dribol at sabay tira ang ginagawa nito na halos walang palyang pumapasok sa ring. Halatang napaka-husay nitong maglaro. Lihim siyang natuwa. How she wish she could see his face?
Hindi niya nakikita ang mukha nito. Nakatalikod kasi ito sa kanya. Napakabilis din nitong gumalaw para agapan ang paglayo ng bola. Kaya hindi siya napapansin nito. Na-curios tuloy siya. Muli ay panay pa rin ang tira nito ng bola. Ang bawat galaw ng lalaki ay napapanood at nakikita niya. Isang malakas na pagtira ang ginawa ng binata sa ring pero sumablay iyon. Ang bola ay napunta malapit sa kanya. Agad niyang hinabol ito para kunin. Hawak na niya ang bola at ibabato niya sana sa lalaki ng mapatingin siya dito. Napatigil siya at napatulala.
Hindi niya alam kung nanaginip siya o naghahalucinate. Tama ba ang kanyang nakikita? That face!
Shit! Ang gwapo niya. My God! Hihimatayin yata ako...
Isang yugyog ang nagpabalik sa kanyang katinuan. Napatigil siya sa kanyang iniisip. Nalaman niyang ang lalaki pala ang may hawak sa kanyang mga balikat at yumuyugyog sa kanya. Parang hindi siya makapaniwala. Hawak siya ng lalaki. Magkalapit sila at nakikita niya ito. Face to face. His breath is fanning against her face. And its like spell that's control her. The scent she smell that shiver through her spine kahit pawisan pa ito. And those eyes that melts her. Hindi niya alam kung sasalubungin ang tingin nito. Wala siyang reaksyon.Pero siya rin ang kusang tumapos sa kanyang kahibangan.
" Sorry." at sabay inabot ang bola sa lalaki.
Agad namang kinuha ng lalaki ang mga kamay sa balikat niya para abutin ang bola.
" Okay ka lang ba?" nag-aalalang tanong ng lalaki.
Tumango siya.
" Pasensya ka na naistorbo ko yata ang paglalaro mo." hinging-paumanhin niya.
" No its okay. You can watch if you want. By the way ngayon lang kita nakita dito. Transferee ka ba?"
" Hindi. First year pa lang ako. Kakapasok ko pa lang dito sa SRU." sabay ngiti.
" I see. Ako nga pala si Lance Galvez. Third year taking up engineering." pakilala nito sa sarili. " Ikaw?"
" Noreen Ramos. First year. Business Ad. " pakilala naman niya.
" Well, nice to meet you Miss Ramos. Welcome to SRU. " sabay lahad ng kamay.
" Thank you." at inabot ang kamay nito.
Muli ay nag-ngitian ang dalawa. Na mas lalong ikintuwa ng dalaga at nagpalundag sa kanyang puso.
" Congrats!"
Katatapos lang ng laro at kasalukuyang palabas ang mga player ng engineering department na siyang nanalo at champion sa larong basketball ng marinig ni Lance ang tinig na iyon. Napatingin siya sa isang tabi at nakita niya ang dalagang nakangiting nakatayo. Agad niyang nilapitan ito.
" Congrats! Lance." bati nito." Tiyak kong ikaw na naman ang MVP."
" Thank you." sabay ngiti ng napakatamis. " Tara sama ka." yaya nito.
Kumunot ang noo ng dalaga. Nagtataka.
" Saan?"
" Manlilibre si Coach." sagot nito.
" Naku wag na nakakahiya at saka para sa inyo yun. " tanggi niya.
" Okay lang yun. Hindi ka na rin iba sa amin."
" Wag na okay lang talaga. Deserve at panalo niyo yan, ng buong team. Enjoy kayo."
" Yes we will. " at ngumiti. " Oh, sige kung hindi ka talaga mapilit. Hatid na lang kita."
Sumang-ayon na lamang ang dalaga. Nagpaalam muna ito sa mga kasama at saka sila umalis para ihatid siya.
Hapon. Pasado alas dos na ng hapon. Inip na inip na ang lahat. Kanina pang andoon muli sa school gymnasium ang mga estudyante. Sa kauna-unahang pagkakataon kasi ay isang exhibition game ang magaganap. Isa itong di inaasahang pangyayari na ngayon pa lang mangyayari sa kasaysayan ng buong SRU. Ang dalawang magkalabang eskwelahan sa bayan ng San Rafael ang Saint Rafael University at Montenegro College ay magtutungali sa isang exhibition game. First time na nagkasundo ang dalawang malaking institusyon. Nakakapagtataka pero totoo at mangyayari na. Tuwang-tuwa ang lahat na sa wakas ay may senyales at may posibilidad ng magkasundo ang dalawang eskwelahan na nagkaroon ng alitan sa di malamang dahilan. Halos sa loob ng dalawang dekada ay may namagitan sa dalawa. Sana ay ito na ang simula ng pagkakasundo ng isat-isa.
Sa larong volleyball magkokontrahan ang dalawang eskwelahan. Tiyak ng lahat na magiging exciting at mainit ang labanan. Ilang sandali ay naghiyawan ang buong gymnasium ng pumasok ang mga varsity player ng SRU. Kasama ng mga ito ang kanilang mga coach.
Panay ang kaway, ngiti at pagpapacute ang ginawa ng mga volleyball player. Di naman maitatangging puro gwapo ang mga varsity player ng SRU. Kaya ganun na lamang ang hiyawan ng mga kababaihan at ng mga bading na ayaw paawat sa kakatili. Kahit mapaos ay sige pa rin.
Pero biglang tumahimik ang buong gymnasium ng pumasok naman ang mga players ng Montenegro College. Halos lahat ng mga mata at ang atensyon ay natuon sa mga ito. Hindi makapaniwala sa kanilang mga nakikita.
" Infairness ang ga-gwapo rin ng mga taga-Montenegro College. Shit!" tili ni Nikki na matalik na kaibigan at kaklase ni Noreen.
" Karak sis! Ang cute ni Number 7." saad nito na di inaalis ang mga mata sa mga ito.
Muli ay naghiyawan ang buong gymnasium.
Nangangalahati na ang laro ng biglang may tumabi sa tabi ni Noreen. Agad niyang naamoy ang pabango nito. Kilala niya ito. Si Lance! Agad niyang binalingan ito.
" Lance! " nakangiti niyang saad.
" Kamustang blow out niyo?"" Solve. " sabay ngiti at kumindat.
Parang gusto na niyang mahimatay. Lihim siyang kinilig sa kindat na iyon. Isang ngiti rin ang kanyang itinugon dito.
Second year na siya at fourth year naman si Lance. At simula nang magkakilala sila ay naging mlapit sila sa isat-isa. Minsan ay para na silang magkasintahan sa sobra nilang close. Na siyang pinapangarap naman ni Noreen pero hindi siya sigurado kung ganun din si Lance sa kanya. Sa tuwing magkasama kasi silang dalawa ay masyadong protective at caring ang binata sa kanya. Minsan ay sweet at thoughtful din ito. Lalo tuloy siyang nahuhulog para dito. She feel special when Lance did those things to her. And that crush something feeling that she felt the first time she saw Lance at the gymnasium grows into special love. A special love she cherised since that day. And as the day passed by she loved Lance more.
Pero hindi niya alam kung ano ang dahilan ng mga pinapakita nito. Showy ito pero hindi ito vocal sa nararamdaman nito para sa kanya. Ayaw niyang mag-assume ng kung ano. Na may special feelings din ito para sa kanya. Di niya alam kung dapat ba siyang umasa dito.
Libre naman mangarap noh?
Ang tanong hanggang kailan siya mangangarap? Hanggang kailan siya maghihintay? Hanggang kailan siya aasa kay Lance?
BINABASA MO ANG
I KNEW I LOVED YOU (Completed)
Teen FictionWritten back in 2010 and after 10 years ( sa October pa to be exact) finally ma-published na dito sa wattpad. Enjoy! 😊