Chapter 26

268 33 0
                                    

"Sigurado ka na ba dyan?"bungad na tanong sa akin ni Mie nang makapasok na siya sa loob ng bahay.

Nakasuot ako ngayon ng pink dress habang nakatirintas ang buhok ko pataas. Niyaya kasi ako ni James na lumabas ngayon para pag-usapan ang isang malaking bagay kaya tinawagan ko si Mie para bantayan si Lola.

"Wag ka ngang OA dyan. Feeling ko parang mamamatay ako sa tuno mo e"biro ko sa kanya. "Atsaka may sasabihin siya sa akin"

"Ilang beses mo ba kailangan maging tanga sa lalaking yun, Bun? Nasasaktan si James dahil sa ginagawa mo"aniya "Please, Bun. Palayain mo na si Carlos. Nandyan si James para sayo"

"Matagal na siyang malaya, Mie. At hindi ko alam kung worth it pa ba ako sa pagmamahal ni James"pagkasabi ko niyon ay agad niya akong niyakap ng sobrang higpit.

Pagkadating na pagkadating ko sa meeting place namin agad kong nakita si James na purmadong purmado. Naka-gel ang buhok at malapang model ang suotan. Ano kaya ang nagustuhan ng taong ito sa akin? Natatawa talaga ako kapag natatanong ko yun sa sarili ko.

"James, naghintay ka ba ng matagal?"tanong ko sa kanya, umiling naman siya at may binigay sa akin na teddy bear. Nagtaka naman ako dahil sa binigay niya. "Para saan ito?"

"Ayan yung binili ko para sayo na may kasamang pagod at pawis. Alam kong magagalit ka kapag ginamit ko ang pera ng Lola ko kaya yung ipon ko nalang. Nagustuhan mo ba?"

"Paano ko naman hindi magugustuhan ito e' kapangalan ko pa talaga ang pinili mo"sabi ko sabay yakap sa kanyang leeg. "Salamat, iingatan ko ito"

"Kaya kong gawin lahat para sayo"nakangiti naman niyang tugon, kitang kita ko naman ang magaganda niyang ngipin dahil sa pagngiting iyon.

"Saan tayo pupunta?"tanong ko

"Kung saan lahat ng magic ay nangyayari"

NASA harapan kami ngayon ng star city at buong galak na pumasok doon. Tuwang tuwa ako sa bawat nakikita kong mga bagay roon. Katulad ng mga nasa palabas ay totoong maganda ang star city at sobrang laki. May ibat ibang laruan dito at palaro rin kaya namamangha talaga ako sa ganda.

"OMG! Ferris wheel ba yun?"manghang turo ko doon. May nakita na naman akong isa"Ang laki naman ng barkong yun. Ayun na ba ang sinasabi nilang pirate boat?"

Pinisil pisil naman ako ni James pero hindi talaga mawala sa pisngi ko ang ngiti at tuwa. "Ano ang gusto mong sakyan?"

"Pwede lahat"sabi ko habang labas lasi kong tinatanong yun. Para akong bumabalik sa pagkabata pero hindi ko naranasan ang pumunta dito kaya ganun nalang talaga ang tuwa ko.

Una namin pinuntahan ay ang pirate boat kung saan sigaw ako ng sigaw sa bawat paggalaw nito na parang mahuhulog ako sa ilang saglit lang. Natatawa rin ng makita ko ang mukha ni James na parang ayaw tumingin sa nangyayari. Sumunod naman ay ang pataasan ng pukpok pero wala akong nakuha kahit candy lang pero itong si James halos pang very good ang nakuha. Hindi ko rin pinalampas ang horror booth na kahit umaga palang ay pinasok na namin. Halos hindi ako makahinga kakasigaw at kakatawa kay James dahil sa ginagawa niyang pagtago sa likod ko tuwing may lalabas na multo na babae o di kaya elemento. Nang mapagod kami ay kumain kami sa pinakamalapit na food store.

Hindi pa rin nawawala sa aking labi ang saya habang inaalala ang bawat sandaling kasama ko si James sa lahat ng laro. Ito nga siya sa harap ko at kunti nalang magtago na sa mantel ng lamesa dahil sa kahihiyan. Wala akong magagawa tawang tawa talaga ako sa kanya.

"Ang sama mo, Bun. Wag ka ngang tumawa ng ganyan. Nakakababa ng pagkalalaki ko e"napipikon niyang sabi pero tinawan ko lang siya ng malakas.

Pinahidan ko ng tissue ang mata ko na may luha dahil sa kakatawa. "Hindi ko kasi alam na may boses kang pang- Beyonce"

"Ha! Ha! Ha! Nakakatawa"aniya

Pinisil pisil ko nalang ang ilong niya at kinuha ang shake na binili niya sa akin. Napapatingin naman ako sa paligid na puro masasayang ngiti lang ang nasa mukha ng bawat tao.

"Nalungkot ka yata?"

"Sana kasama natin si Mie. Malamang maiinggit yun sa akin pag-uwi dahil ang dami mong ipinanalo para sa akin"sabi ko ng buong ngiti.

"Next time para hindi niya tayo dakdakan sa school"

"Hala! Sumbong kita doon ah!"biro ko naman.

PAGKATAPOS niyon ay sumakay na kami ng Ferris wheel. Sobrang saya ko ng makatungtong na kami sa pinakamataas dahil ang ganda ng tanawin. Inabutan na rin kami ng sunset at sobrang pagmasdan niyon habang tinitingnan mula rito. Magaganda din pagmasdan ang bawat maliliit na tao sa ilalim. Para silang mga maliliit na tao kasama na doon ang mga bahay.

Nakita ko ang school sa dikalayuan. Gusto ko sanang ituro yun kay James pero nakaluhod siya ngayon sa harap ko.

Nagsimulang manginig na naman ang puso ko. "Alam kong mabilis ito pero ayokong patagalin dahil habang nangyayari yun hindi ko kayang hindi makita ang ngiti mo sa bawat araw na kasama kita. Nasaktan mo ako, oo! Pero yung puso ko ang nagsasabi na ikaw lang at ikaw pa rin. Nangako ako sayong magtatayo ako ng sariling restaurant at ako ang magiging pinakamahusay na chef sa buong mundo kaya plinano ni Lola na bigyan ako ng opportunity na mangyari yun. Dadahil ako ni Lola sa paris sa makalawa kaya"aniya

Hindi ko alam kung matutuwa ako sa sinasabi niya pero yung kamay niyang may kinukuha sa bulsa ang pumipigil sa aking matuwa. Halos mapahawak ako sa aking bibig ng isang maliit na kulay pulang kahon ang ilabas niya.

Itinapat niya iyon sa akin at kasabay ng paglubog ng araw ay kuminang ang singsing sa harap ko. "Bun, Will you marry me?"

Carlos

Pagkatapos ng klase ay agad tumambad sa akin ang mukha ni Flor na kanina pa naghihintay pala. Sinabi sa akin nina Lolo na mauuna na silang umuwi kaya magkasabay kami ngayon ni Flor na naglalakad palabas ng school.

"Carlos"tawag niya sa akin

Hindi naman ako sumagot pero naramdaman ko ang paghinto niya kaya huminto rin ako.

Totoong napakaganda ni Flor at siya ang first love ko ngunit nagbago lahat ng makilala ko si Bunnie. Nalito rin ako sa kinilos ko para sa kanya at hindi iyon normal pero habang tumatagal napapaisip din ako.

"Flor"

"Carlos" magkapanakbay namin tawag sa isat isa. Napayuko naman siya at sinabing ako nalang ang mauna. Hindi naman ako tumutol kaya huminga ako ng malalim at tiningnan siya diretso. Papalubog na rin ang araw kaya nakikita ko ang anino niyang papalayo.

"I like you, Flor"sabi ko na ikinagulat niya. May sasabihin rin sana siya pero agad ko iyon dinugtungan. "But I'm confused"

Nawala naman ang ngiti sa labi niya. "Nalilito ka? Dahil ba yan kay Bunnie?"

"Hindi ko alam pero totoong nalilito ako sa nararamdaman ko ngayon "

"Kung si Bunnie yan gusto kong sabihin na umamin ka na habang maaga pa"sabi niya naman sa akin na may malamlam na pagtingin sa aking mata.

"What do you mean?"

"Kung nalilito ka kung bakit mo siya gusto, wag. Dahil wala sa antas at talino yan. Kung mahal mo siya, mahal mo talaga siya dahil love is love"aniya na may malungkot na tuno

"I don't get it"nagtataka kong tanong

Sinuntok niya ng mahina ang dibdib ko. "Naawa ako kay Bunnie dahil napakamanhid mo. Nagpropose na si James kay Bunnie ngayon. Hindi ko alam ang magiging sagot doon pero pareho kayong manhid"pagkasabi niya nun ay iniwan niya na akong nakatayo doon kasabay ng pagkawala ng araw.

@naokoalliv

Mr. Naive Varine Series #1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon