Prologue

3 0 0
                                    

I always wonder how it is to live in a different world. Siguro mas magiging masaya ako, siguro hindi ko mararamdaman ang sakit na nararamdaman ko ngayon. Would my life be perfect then? Full of happiness, no sorrows. Full of love, no pain.

"Mom, nasaan po si Daddy?" Tanong ko kay Mommy.

Tinitigan ko siya sa mga mata. Namumutla ito at waring kagagaling lang sa mahabang pag-iyak.

"Lyn, anak, may ginagawa lang ang Daddy mo okay? Babalik din siya." Aniya sa basag na tinig.

Hinawakan ko ang kaniyang pisngi at pinunasan ang luhang tumulo. Niyakap ko siya nang napakahigpit.

Lagi kong tinatandaan ang mga paalala sa akin ni Lola Azon bago siya namatay. Iyon ay ang huwag na huwag kong hahayaang masaktan at umiyak ang aking mga magulang. Marahil ay lagi niyang iniisip na anumang oras ay nanaisin ko nang sumuko at iwan ang mundong ito.

Sa edad na lima ay alam ko nang ang buhay ay walang kasiguraduhan. Hindi mo alam kung kailan ka mamamatay. Hindi mo rin alam kung hanggang kailan ka lang magiging masaya.

Nung namatay si Lola Azon ay labis ko iyong idinalamhati. Ilang araw na pabalik balik lamang ako sa kaniyang silid at umaasang maibabalik ang panahon. Kung pwedi lang sana. Umiiyak ako roon habanag yakap yakap ang manikang ibinigay niya sa akin. Ngunit sa sakit na aking nadarama ay lagi ko ring naiisip ang aking mga magulang. Kailangan kong maging malakas, kailangan kong kontrolin ang aking emosyon kahit gano pa man iyo kahirap.

May sakit ako sa puso. ipinanganak akong mahina ang puso ngunit hindi tumitigil sila Daddy sa paghahanap ng donor nang sa ganun ay mabigyan ako ng buhay na ako ang magdidikta.

Kaya kahit na may dumarating na problema ay pinipilit kong tibayan ang loob ko at pinipigilang magpadala sa matinding emosyon nang sa ganun ay hindi ko mabigyan ng panibagong hinagpis ang aking mga magulang.

Ang iniisip ko na lang ng mga panahong iyon ay ang mga salita ni Lola Azon.

"May mga taong nabubuhay sa likod ng ating panaginip. May pag-ibig sa likod niyon at kung maniniwala ka ay mananatili silang buhay."

Lagi ko na lang iniisip na buhay si Lola Azon sa likod ng aking panaginip. At kung iisipin ko iyon ay mananatili lamang buhay ang kaniyang mga aral na nagpapatibay sa akin sa paglakbay.

Bumitaw si Mommy sa akin nang marinig ang tunog ng kaniyang cellphone. Lumayo siya nang kaunti at sinagot ito sa mahinang tinig.

"We found a donor for you Lyn!" Napatalon ako sa kinauupoan nang marinig ang biglang paglakas ng tinig ni Mommy. Nakangiti siya at patakbong lumapit sa akin at hinawakan ako sa mga kamay. to start writing

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 01, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

To the Man of my DreamsWhere stories live. Discover now