" Uy, balita ko every school year daw sila nagpapalit ng Group." kahit kailan talaga napaka chismosa nitong si Venus.
"Ilan na ba ag edad nila?" may halong kuryosidad ang boses ko.
Dahil kung tinuturing silang Senior ay maaaring malayo ang edad nila samin.
" Sa pagkakaalam ko ay ang iba sa kanila ay 18 ang edad pero ang karamihan sa kanila ay 19." paliwanag ni Venus habang naka tingin na sakin ngayon.
"Okay Students, Formally you form your line para makabunot na kayo ng Organization number niyo."
Agad namang pumila ang mga estudyante pero nang nagsimula silang magtulakan ay may sunod sunod na pito ang narinig ko.
Napatingin ulit ako sa mga magiging leader namin. Sa bilang ko ay 19 silang lahat at parang nag-uusap usap payong iba, habang ang iba naman ay nakatingin lang sa mga estudyante.
Agad kong hinigit si Venus kaya napasigaw siya.
"Aray naman! Ano?" iritadong tanong niya.
"Sorry, may itatanong lang ako."
Agad siyang tumuwid ng tayo at nanliliit ang matang tumingin sakin.
"Bakit sobrang curious mo. Ano ba yun?"
"Bakit tinuturing silang senior eh hindi naman malayo ang edad natin sa kanila?" sabay pabalik sa kanila.
"Huh? Eh ano ba ang edad mo?"
"S-seventeen, bakit? Ikaw pala?" nakita kong bahagyang nalaglag ang panga niya.
"As in? 19 na ako, kakabirthday ko nung nakaraang buwan."
Bigla akong nahiya.
"As in talaga? Okay lang yan, tutulungan pa kita Debut mo! Excited na ako!!"
Ngumiti lang ako ng hilaw kay Venus at pinasadahan ulit ng tingin ang mga senior.
"Alam mo, kaya sila tinuturing na mga 'senior' kasi nangtumuntong sila ng 12 years old ay narito na sila. Eh tayo, bagong salta palang."
Sa pagbilang ko ay 8 lang ang babae at ang the rest ay puro lalaki na. May nakita naman akong mga nakasalamin, mga 3 tatlo sila. Tapos halos lahat ng mga babae may posture at may bahid talaga ng karangyaan ang katawan. Yung mga lalaki naman... Okay lang, parang katawan ng isang bachelor. Kahit bata palang ay may hubog na ang katawan.
Makikita talaga sa kanila ang pagkakaroon ng dugong bughaw.
'I can't help but to envy them too much.'
Nag desisyon kami ni Venus--- siya lang pala ang nag desisyon na magkaiba kami ng linya para malaki raw ang chance na maging kagrupo kami.
Syempre gusto ko rin yun dahil buong school year mong makakasama ang kasama mo sa Org.
Nang ako na ang bubunot ay kinabahan ako. Inilagay ko na ang aking kamay sa loob ng bowl at kumuha ng isang papel roon.
Dahan dahan ko itong binuksan at tumambad sa akin ang numerong 7.
Ipinakita ko ito sa isang babae na nakaupo sa tabi ng nakahawak ng bowl at doon ko inilagay ang pangalan ko.
Agad na akong umalis at pumunta kung saan kami magtatagpo ni Venus. Pagkarating ko ay wala pa siya kaya tumingin tingin mo na ako sa paligid.
Katulad ko, naka wear rin ng uniform ang mga estudyanteng naririto. Nang nakita ko si Venus ay agad akong ngumiti.
"Oh anong numero mo?" sabik na sabik na tanong niya.
"Siete. Ikaw?"
Nabigla ako ng lumungkot ang mukha niya.
"Okay lang yan, magkaklase man parin tayo." sinusubukan kong pagaanin ang loob niya.
Gustong gusto niya kasing magkagrupo kami.
"Ano pala ang numero mo?"
"S-seven."
Tumango tango ako sa sinabi niya, bigla akong naestatwa at tumingin ulit sa kanya.
Sabay kaming tumalon talon sa tuwa.
"Yes!! Kagrupo tayo!!!"
Pagkalipas ng ilang minuto ay kumain narin kami. Ang sabi raw ay pagkatapos kumain ay babalik kami doon sa training center para imeet ang mga kagrupo namin.
Habang kumakain, as usual walang tumatabi saakin pero nung nakita ako ni Venus ay dali dali siyang kumain sa tabi ko.
"Excited na ako para mamaya, sino kaya ang magiging leader natin?" puno ng kuryosidad at excitement ang kanyang boses.
"Oo nga eh, sana mabait noh."
"Hindi lang dapat mabait, sana gwapo rin!!!" sabay tili niya kaya may iilang estudyante ang lumingon sa amin.
"Shh!! Nakakahiya." suway ko sakanya pero umismid lamang ito.
"Pake ko? Eh pang-upakan ko pa silang lahat eh." maangas na sambit niya habang naghihiwa ng steak.
Hindi ko maiwasang matawa paminsan kay Venus. I always sense a humor on her words.
Nang may narinig kaming bell ay hudyat iyon para bumalik na sa Training Center.
Pagkarating namin roon ay wala nayung stage at malawak na area nalang ang nakikita. Naroon parin ang karatula.
Nang nawala na ang stage ay doon ko lang napansin na may 20 doors pala ang nasa likod nito. At sa bawat door ay may naka lagay na numero.
Napansin ko naman na pumasok ang mga estudyante at tumitingin sa mga numero. Siguro ay yun ang magiging Training room namin.
Nang nakita ko ang number 7 ay naunang hinila ako ni Venus papunta roon.
Habang papunta na kami sa room ay bigla kaming sinalubong Leo. Nakita ko naman ang pagkairita ni Venus.
"Buenos Noches Seniora!" bati samin--- I mean kay Venus ni Leo.
"Alam mo kung mambubwisit ka lang ay umalis ka na. May importante pa kaming pupuntahan." nagpatuloy sa paghila sa akin si Venus.
"Oy oy, wait lang! Ano pala Org number niyo? Akin 11, kayo?"
Nang naramdaman ko na hindi nagsalita si Venus ay ako nalang ang sumagot.
"Pareho kaming number 7." Tumango tango naman si Leo sa sagot ko at saka tumingin ulit kay Venus.
"Pano bayan? See you in dreams nalang Seniora." sabay wink ni Leo kay Venus na mas nagpairitado sa kanyang mukha.
Nang nakarating kami sa Room ay napakalaki nito, siguro ay 8 times ang laki nito sa Classroom namin. Nagmistula itong Gym dahil sa laki. Hindi ko inaasahan na ganito ito ka laki ang akala ko ay isa lamang itong ordinaryong room.
May nakita na kaming mga estudyante rito at nakita kong parang ang tatalim ng tingin saamin ng mga babae rito.
Pero agad naagaw ang atensyon nila sa biglang may tumuntong sa stage na nasa harapan.
Pero agad nabaling ang atensyon ko nang may pumasok.
Agad siyang napatingin saakin. Siguro dahil ang lapit namin sa pintuan.
Pinasadahan ko siya tingin. Naka uniporme siyang pang training na puting V-neck shirt at gray na kacky pants.
Napabaling ulit ang atensyon ko dahil sa tunog ng microphone. Hawak ito ng isang lalaki.
"Goodmorning Ladies and Gentlemen, Im your Leader in this Organization. My name is Ethaniel Quivel Gonzalves, Ethan for short. And Im glad too meet you all. I hope for your participation in Team." agad nagpalakpakan ang mga tao ngunit ako ay nanatiling nakatayo habang nakanganga.
'Siya ang leader namin?!'
To be continued........ . .. ...
&&&&&%%%%%$$$$
Sorry dahil matagal ang update, Salamat sa patuloy paring sumusuport sa akin.
BINABASA MO ANG
CHARLOTTE ACADEMY: SCHOOL FOR MYSTICAL ABILITY
Mystery / Thriller'Charlotte Academy' is well known as a Academy which train students who have supernatural or mystical ability. Andrea Grashion , an ordinary girl came from the poor family who live at the foot of the mountain. She discover that she has special abil...