[Adara]
'The Serial Killer Doctor.'
Isang linggo nang trending sa lahat ng social media sites ang post na ito mula sa The Eradicator. Usap-usapan din ito sa loob ng opisina. At kahit saan ka magpunta, ito ang topic ng lahat. Napangiti ako nang malapad nang i-check ko ang bilang ng mga taong narating ng post kong ito. The post already reached millions of viewers. Pero sa totoo lang ay hindi naman mahalaga iyong milyong viewers na iyon. Isa lang naman talaga ang gusto kong viewer na marating nito.
Si Gov. Franco Almendras. Patikim pa lang 'yan. Ipinapaalala ko pa lang sa kanila ang tila nalimutan na nilang mga alaala. Masyadong unforgettable ang mga iyon para basta na lang nila ibaon sa limot.
Sinarado ko ang laptop ko at tumayo na sa pagkakahiga. Nag-stretching muna ako nang kaunti bago lumabas ng kwarto. Wala si Christian ngayon dahil may inaasikaso siyang kaso sa Cebu magmula pa kahapon at mamayang gabi pa siya uuwi. Naipakita ko na rin sa kanya iyong mga ibinigay na files ni Portia bago siya umalis at kasama iyon sa isusumite niya sa korte. Isa na lang ang kailangan kong magawa. Ang pasukin ang mansyon ng mga Almendras.
Sa ngayon ay kailangan kong may makausap sa pamilya ni Maria Aurora Alonzo. Nahanap ni Christian iyong asawa nito, pero matanda at mahina na ito para kausapin pa tungkol sa kaso ng asawa nitong si Alonzo. Ngunit may anak pa itong pwedeng makatulong sa amin. Ito ang kasalukuyang big boss ng PBN News na si Amara Alonzo na nasa early 50's na.
"Magandang araw po, Ms. Amara," bati ko sa isang respetadong ginang na naroon na sa pina-reserve kong table. "Sorry, I'm late po," nahihiyang paumanhin ko. Ang alam ko naman ay umalis ako nang maaga sa condo.
"It's okay. I just came early. Have a sit," nakangiting wika nito. She looks very sophisticated and intimidating with her short hair and formal attire. She's very beautiful too. Mukhang katulad ng kanyang ina na si Maria Aurora Alonzo, isa rin siyang matapang na babae. Marami akong nakitang mga parangal na iginawad sa kanya dahil sa husay niya sa industriya. Hindi siya natatakot na maglabas ng katotohanan laban sa kahit na kanino basta't alam niyang nasa tama siya. Sa mumunting kaalamang iyon na nahanap ko tungkol sa kanya, labis akong naging interesado rito.
"Pasensya na po sa biglaan kong pag-set ng meeting ng weekend, Ms. Alonzo," nahihiya pa ring wika ko. Dapat kasi ay nagpapahinga siya sa araw na ito, pero heto siya at nasa harapan ko.
She smiled. "I'm just curious why someone will contact me about my mother's death years ago. And to see na napakabata mo pa pala, it made me more curious. What do you wanna know?"
Kabado kong inilagay ang mga kamay ko sa ibabaw ng lamesa. Tiningnan ko siya nang deretso.
"Hindi po ba kayo nagtataka kung bakit gano'n na lang kabilis ang pagsara sa kaso ng mama niyo? Excuse my words, but she was murdered in 1980 at sa taon ding iyon ay isinarado ang kaso dahil sa paglitaw ng isang suspek na wala sa katinuan."
I saw her fists tense, but she managed to bring back her normal composure.
"I was 15 years old when my mother was murdered. Sobrang sakit ng nangyaring iyon sa pamilya namin dahil alam namin ang katotohanan, pero wala kaming nagawa dahil makapangyarihan sila. My mother was a very diligent journalist during her time. Halos hindi na nga namin siya makasama dahil sa lagi siyang busy sa Maynila. Pero isang araw, bigla siyang nagsabi na mananatili muna siya sa amin sa Buenavista dahil may kailangan siyang gawin."
"Buenavista, Gubat, Sorsogon?" pagkumpirma ko.
"Oo, taga-roon kami," sagot niya. Nakita ko ang paunti-unting pag-iiba ng ekspresyon ng kanyang mukha. "I was so happy back then na nalaman kong uuwi siya. Dahil sa wakas ay ga-graduate ako ng high school nang nandoon siya. But then, the incident happened in 1980. A day before my graduation, she was murdered. Lumabas na isang lalaking psycho ang may gawa ng karumaldumal na krimeng iyon. Napakasakit isipin para sa aming pamilya niya na namatay siya sa gano'ng paraan." The pain in her eyes was very evident. Sa unang tingin mo sa kanya ay hindi mo aakalaing dumanas siya ng ganitong kasakit na bagay sa buhay niya. Sobrang successful niyang tao at hindi mo aakalaing madilim na nakaraan ang naging pundasyon niya.
BINABASA MO ANG
STS #1: Dauntless [COMPLETED]
Romance[Smith Twins Series #1] Top secret agent Christian Klein Smith and aspiring journalist Adara Olivia Alejo are determined to expose and bring Governor Almendras down. But as they dig deeper into his corrupt and illegal ways, they find themselves tang...