Trevor's POV
"Nasaan na kaya si Kleng..." nag-aalalang wika ni Ali
Kanina pa kami naglalakad para hanapin si Claire. Ang sabi ng girls, humiwalay siya para mag picture...
"Guys, nasaan si Josh? Naiwan niya 'yong wallet niya sa table eh" nagtatakang tanong ni Stephen
Isa pa itong sina Josh at Nicole na missing in action..
"Diba kasama mo?" tanong sakin ni Clyde
"Kanina. Pero ang alam ko eh kasama niya si Nicole" naalala ko na niyaya siya ni Nicole sa isang lugar kung saan silang dalawa lang
"Hindi naman iniiwan ni Josh ang wallet niya. Nakakapagtaka..." sabat ni Warren na kasalukuyang nakahalumbaba at tila malalim ang iniisip
Tama siya... Baka nandito lang din sila sa resort kaya niya iniwan ang wallet niya...
"Nasaan kaya 'yong kumag na 'yon" nagtatakang tanong ni Stephen
"Baka naman naglalampungan!" pabirong sabi ni Clyde kaya tinignan ko siya ng masama
"AHHHHHH!"
Mabilis na tumakbo ang girls kung saan man..
Natigilan kami..
"Diba si Claire 'yon?!" nanglalaki ang matang tanong ni Clyde
"Shit!" mabilis kaming tumakbo papasok.Hinanap namin siya sa lahat ng sulok ng lumang bahay na dinaanan ng mga babae...hanggang sa marinig namin ang isang hikbi...sa isang maliit at madilim na bodega
"Na-nakita ko la-lang si...si Josh di...dito...wala ng...bu-buhay" halos hindi na makahinga si Claire habang nagsasalita.
Niyayakap na lamang ito ni Justin na hindi rin makapaniwala. Paano? Bakit nangyare ito?
"Tatawag ako ng pulis" patakbong lumabas ng bodega si Warren.
Tulalang umiiyak ang girlfriend niyang si Nicole. Walang makapaniwala sa mga nangyayare.
"Paano? Bakit? Si...sino ang may gawa nito?" lahat ay naguguluhan. Parang tumigil ang oras. Anong nangyare? Anong nangyayare?
-
Kim's POV
Kung ito'y isang panaginip, pakigising naman kaming lahat...
Bakit kailangang si Josh pa?! Ano bang ginawa naming kasalanan?
Napakabait ni Josh...
Parang kuya na rin ang turing ko sa kanya.
Naalala ko noong grade 1 pa lang ako.
Hinihintay ko si mommy sa labas ng classroom namin. Hapon na kasi non pero wala pa siya. Pakonte na rin ng pakonte ang mga bata dito sa SHU.
Umiiyak na ako dahil sa sobrang takot. Wala pa akong mga kaibigan dahil bagong lipat lang ako dito. Saka introvert din ako...
"Bata? Bakit ka umiiyak?"
Hindi ko siya kinakausap dahil ang bilin ng mommy ko, don't talk to strangers.
"Dahil ba wala kang kasama dito?" pagtatanong niya pero hindi ko pa rin siya pinapansin.
"Alam ko na. Sasamahan na lang kita dito para hindi ka na malungkot" umupo siya sa upuan medyo malapit sa akin. Tahimik lang kami pareho...
"Sabi ng daddy ko, ang batang iyakin, hindi bibigyan ng regalo ni Santa."
Pinahid ko ang mga luha ko dahil sa sinabi niya. Mahilig talaga ako sa regalo lalo na kung galing kay Santa.
"Saka ang batang nakasimangot..." napatingin ako sa kanya. Tumingin din siya sakin...hindi siya nagsasalita.
"Eh ano?" tanong ko sa kanya
"....edi hindi nakangiti HAHAHA!"
Napatawa naman ako sa walley niyang joke. Ano ba yan?
"Kim!" nandito na pala si mommy
"Sorry kung napaghintay pa kita ha..." malambing niyang wika. Kinuha niya ang bag ko...
"Kaibigan mo ba 'to?" nakatingin si mommy sa lalaking sinamahan ako kanina
"Hmmm"
"Opo. Ako po si Josh." nakangiting wika ni..Josh.. Magkaibigan kami?
May kaibigan na ako?
"Ang bait na bata mo naman Josh. Salamat sa pagsama kay Kim ha.." sabi ni mommy saka pinat ang ulo ni Josh
"Walang anuman po, tita. Mauuna na po ako... Bye po..Bye Kim!" sabi niya saka kumaway at tumakbo palayo sa amin.
Ngumiti ako sa kanya. Siya ang una kong kaibigan...
Napangiti ako ng maalala ang unang pagkikita namin ni Josh.
Pero nabalik ako sa reyalidad na...
Wala na siya...
"Kleng..." niyakap ni Ali ng mahigpit si Claire.
Tanging ang flashlight na nagmumula sa cellphone ni Josh ang ilaw namin.
Walang makapagsalita...
Binabalot kami ng katahimikan...
Oo, gusto ko ng paligid na tahimik pero...ayoko ng ganitong sitwasyon.
Para kaming nasa isang bangungot.
Dapat nagsasaya lang kami. Dapat nag e enjoy kami kasi bakasyon 'to, diba?
Naririnig ko ang mahinang iyak ni Nicole. Niyayakap siya ni Tin...
Naaawa ako sa kanya. Kahit bitter ako, deserve naman ni Josh at Nicole ang isa't isa.
Pero hinahangaan ko rin siya...ang tatag niya...
-
Warren's POV
"Shit. Shit. Shit. "
Hindi 'to pwedeng mangyari. Hindi maaari...
Hindi siya ganun.
Arggggh! Ang walang kwenta ko! Bakit hindi ko napigilan?!
Kailangan ko ng sabihin ang lahat. Kailangan ko ng magsumbong sa kinauukulan.
Malapit na ako sa gate nitong resort. Bakit ba kasi ako pumayag sa plano na 'to?!
Teka? Nasaan na ba yung van?! Tsk! Ang dilim na...
*paaaak*
0.0
Nasaan na ba...yung....yung...
Then everything went black.
BINABASA MO ANG
Stay
Mystery / ThrillerIsang grupo ng magkakaibigang matagal na ang pinagsamahan. Sa halos limang taon, magkasalo sila sa tuwa at kalungkutan. Ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon, unti-unti silang nauubos... Sa isang lugar... Isang panahon... Isang pagkakataon... Paano...