Ang Pagbabalik Ng Heneral
Sigawan, takbuhan, iyakan. Iyan ang bumabalot ngayon sa mga tao. Ang masayang pagdiriwang, hindi nila inasahang magwawakas sa madugong bakbakan.
Hindi inasahan nila Nathaniel na ganon pala kadami ang aatake. Napaghandaan nila ang pagsugod ng mga 'to, pero hindi nila napaghandahan kung gaano kadami ang lulusob ngayong gabi. Eksaktong alas-otso ng gabi umatake ang mga espiya. Nagpaulan sila ng baril na tila ba'y wala silang pakialam kung sino ang tatamaan. Mabuti na lamang at sanay si Nathaniel sa mga ganito. Simula bata pa lamang sila ng kaniyang kapatid ay tinuturuan at sinasanay na sila sa pakikipaglaban.
Si Pacifico naman ay mahilig makipaglaban kaya may matandang nagturo sakaniya. Kahit na payat siya, nakakaya niyang magpatumba ng sampu.
Dahil alam ni Nathaniel kung paano lumaban ang mga galamay ng kaniyang ama, hindi sila nahirapan ni Pacifico patumbahin ang dalawampung mga kalalakihan. Asintadong-asintado din ni Nathaniel kung saan tatama ang bala na pinaputok niya, gamit ang baril na nakuha niya sa napaslang niya na espiya. Karamihan ng mga kalalakihan ay pilit na nakikpaglaban kahit na wala silang alam. Ang mga kababaihan naman ay dinakip ng ibang espiya at isinakay sa barko. Hindi naman binitawan ni Nathaniel ang kamay ni Mistica na kalong-kalong si Leya. Si Pacifico naman ay kapit si Rosamia.
"Kahit anong mangyari, huwag kang bibitaw. Pakiusap" bulong ni Nathaniel kay Mistica. Tumango lamang ang dalaga. Pilit nitong pinatatahan si Leya na ngayon ay walang ginawa kundi umiyak, dahil sa takot. Kahit na kapit ni Nathaniel sa kaniyang kaliwang kamay si Mistica, hindi ito naging hadlang sa paglaban niya.
"Natatakot ako. Natatakot ako." paulit-ulit na sambit ni Rosamia. Hinigpitan pa lalo ni Pacifico ang pagkakapit niya dito. "Basta hawak mo ang aking kamay at hawak ko ang iyo, wala ka dapat ikatakot, Rosamia."
Nag-aapoy na ang bawat kabahayan. Maririnig din ang malakas na pagsabog. Mabilis na tumakbo ang apat patungo sa kinaroroonan ni Don Jacinto. Patuloy parin ito sa paglaban kahit na sugatan.
"Don Jacinto!" sigaw ni Mistica. Binaril muna nito ang umatake sakanya bago salubungin sina Mistica.
"Delikado dito! Tumakas na kayo!" inunahang saksakin ni Pacifico ang espiya na nagbabalak sanang paslangin ang Don. Pumunta sila sa isang kubo na hindi pa nasusunog.
"Wala ng ligtas na lugar dito!" halos pabulong na sabi ng Don.
"Kailangan namin kayong protektahan, kayo ang puntirya nila." iika-ikang lumapit si Rosamia sa kaniyang ate at kay Leya. Nagyakapan ang dalawa habang bumubuhos ang luha sa kanilang mga mata. Lubos na hindi akalain ni Rosamia na mararanasan nila ang ganito.
Kinuha ni Pacifico ang tubig at mga baso at isa-isang inabutan ang kaniyang mga kasama. Nanginginig sa takot ang magkapatid na Lucas at si Leya, pero pilit nilang magpakatatag para kina Nathaniel, Pacifico at Don Jacinto. Pabalik-balik ang lakad ng Don at nag-iisip mabuti ng gagawin.
"Alam ko na" para namang may bumbilya na lumitaw sa uluhan ni Pacifico.
----
Umalis na sila ng kubo dahil umabot na doon ang apoy. Akay-akay naman ni Pacifico si Rosamia na hirap na hirap habulin ang malalaking hakbang ni Pacifico. Tumigil sa paglalakad si Pacifico at kinalabit ang kaliwang balikat ni Rosamia. Lumingon naman sa kaliwa ang dalaga at nagulat siya ng bigla siyang isakay ni Pacifico sa likod nito.
"Ibaba mo ako. Mahihirapan kang makipaglaban" natatakot nitong tugon. Umiling naman ang binata na ngayon ay tumatakbo na. "Mas mahihirapan ako kung akay-akay kita."
Patuloy lamang sila sa pag ligtas sa bawat isa.
"May alam akong ligtas na daan." sinundan naman nila kung saang patungo ang Don. Naaninag nila ang isang lampara na nakasabit sa bangka.
BINABASA MO ANG
Isla (POSTPONED)
Teen Fiction"Saksi ang dagat, ang langit, buhangin at lalong-lalo na ang Isla na ito sa ating pagmamahalan." Madaming sikreto ang matagal ng nakabaon, ngunit muling natuklasan. Mga mata na nakakakita ng kasakiman, karahasan at kasamaan ngunit mas piniling ipik...