Fatih's PoV
"Ano dating gawi? Game?" Tanong niya sakin. Nararamdaman ko na nakangiti siya habang tinatanong niya ako.
"Game."
Hindi ko alam kung anong pumasok sa utak ko at sumama ako kay Amanda ng ganitong oras kahit sigurado akong hianhanap na nila ako ng ganitong oras.
Gabi na. Nararamdaman ko na yung lamig ng hangin sa balat ko. Medyo mahamog narin eh.
Alam kong malaking gulo 'tong pinasok ko kapag nagkataon. Lalo na ngayon at hindi na nagtatrabaho samin sina Yaya Marites at Yaya Chonna. Bahala na, ngayon nalang naman ulit eh.
"Ayan! Nandito na tayo Pia!" sabi ni Amanda na nakaalalay parin sakin ngayon. "Napagod ka ba kakalakad? Medyo malayo layo rin 'to sa park eh." dagdag niya pa.
"Oo nga eh. 351 steps tapos naka 4 tayong stop over haha." sabi ko naman.
"Grabe hanggang ngayon pala ginagawa mo parin yan. Hindi ka parin nagbabago." Parang hindi parin siya makapaniwala na binibilang ko parin yung mga hakbang ko hanggang ngayon.
"Ikaw lang naman yung nagbago sating dalawa." bulong ko pero hindi ko inaakalang narinig niya pala.
"Uy. Nagtatampo ka parin ba? Andito naman na ako ah. Tsaka anong nagbago ka diyan? Ako parin naman naman si Danda na bestfriend mo. Except sa hindi na ako burgis at uhugin."
"Eh bakit hindi ka nagsabi dati na pupunta ka palang US tapos 3 taon ka pa pala doon. Hindi mo manlang ako naalalang kamustahin o bigyan manlang ng sulat." Panunumbat ko.
Bigla nalang kais siya
"I'm sorry..." yan lang yung nasabi niya. "Ngayon nalang ako babawi sa'yo. Gawin ulit natin yung mga gawain natin katulad dati."
Huminga muna ako ng malalim bago sumagot sakanya. "Siguraduhin mo lang na magagawa natin lahat ah."
Naramdaman ko naman na natuwa naman siya dahil dun sa sinabi ko.
"Oo naman! Magagawa natin yun lahat. I promise." sabi naman niya,
"At syempre sisimulan natin dito."
YOU ARE READING
Tint In The Shades Of A Hue
Ficción GeneralA story wherein a girl born with blindness and a girl who's a trouble maker were both considered as hopeless case. When they taught that they're at the lowest point in their lives, they both found something magical. This is the story of friendship...