Kabanata 10

521 15 0
                                    

Masaya akong gumising ngayon. Napaka sigla ko ulit dahil sa nangyare kahapon.

Pakiramdam ko ako na ang pinaka-swerteng babae sa buong mundo.Ang sarap din palang mag-mahal,parte lang talaga nito ang masaktan.

Tumulong ako kela mama at papa maghanda ng pagkain at ako na din ang naghugas ng plato.

"Mukhang good mood ang anak namin ha?",tanong ni papa

"Syempre naman daddy inlove ang anak natin eh", natutuwang sinabi ni mama

"Hindi ba pwedeng na-miss ko lang na magkaroon ng time sainyo, kayo talaga", nahihiya kong sinabi

"Nako po ang anak namin nahiya pa", asar sa'kin ni papa

Patuloy lang nila akong inasar kaya tinawanan ko lang sila.Buti nalang at tumigil na din sila agad at ibinaling na sa iba ang kanilang atensiyon.

Nako naman kasi portia eh, masyado kang halata huhu.

Sabay kaming pumasok ni drake and as usual inangkas niya ako sa bike niya. Malayo palang kumakaway na sa amin si aira kaya kumaway din ako na nagdulot ng pagkawala ng balanse ni drake.

Napasalubsob kami pareho pababa sa mabatong daanan,hindi ko namalayan na napakalakas ng pagkauntog ko sa bato at unti unti akong nawalan ng malay.

"Portia,oh my gosh buti naman gising ka na", nag-aalalang sinabi ni aira

Sinubukan kong tumayo pero sumakit ang ulo ko,siguro dahil sa pagkatumba namin kanina ni drake.Masyadong napuruhan ang aking ulo at may mga galos ako sa binte.

"Asan si drake?", tanong ko

"Hindi na siya sa clinic pinadiretso kundi sa ospital, mayroong buto na nabali sakanya portia", malungkot na sinabi ni aira

Napatayo ako agad kahit na nahihilo pa ako, kailangan kong puntahan si drake

"Hindi ka pa pwedeng tumayo o maglakad portia, masiyadong malakas ang pagkabagsak mo",pinigilan niya akong mag-lakad.

"Aira please kailangan kong puntahan si drake",nagmamakaawa kong sinabi.

"Sorry portia ako talaga pinaka may kasalanan dito eh kung hindi dahil sa pisteng kaway na yan edi sana walang nangyaring aksidente", umiiyak na sinabi ni aira

"Kaya ko naman na aira, samahan mo ako pumunta kay drake", pagpupumilit ko sakanya

Hindi pa dapat ako lumabas ng clinic room pero gusto kong makita si drake at gusto kong malaman kung ano na ang kalagayan niya ngayon.Tumakas kaming dalawa ni aira at agad na nagtungo sa ospital kung saan andun si drake.

"Beshie nandito siya", malungkot na sinabi ni aira

Pagkapasok ko ng kwarto ay agad tumambad sakin ang dalawang babaeng nag-uusap at si cassandra. Kung hindi ako nagkakamali mama ito ni drake at ni cassandra.

"Ang kapal ng mukha mo!", sigaw ni cassandra pagkakita sa'kin

Nabigla ako sa sinabi niya at tumingin sa'kin ang mama ni drake na galit ang mukha.

"Siya ba yon cass?", tanong ng mama ni drake

"Opo tita", sagot ni cassandra

Agad itong tumayo at humarang si aira pero hinatak na ako palabas ng mama ni drake.

"Ang kapal din ng mukha mong magpakita dito pagkatapos mong ilagay ang anak ko sa peligro!",nanlilisik ang mata niyang sinabi sa'kin

Tama nga ako mama ito ni drake.Akala ko sa una naming pagkikita ay masaya kaming kakain sa isang hapagkainan o hindi kaya magbabakasyon sa ibang lugar pero nagkakamali ako.

Galit na galit ang mukha niya at wala na akong naisagot dahil naluha nalang ako bigla. Ang sakit sakit.

"Umalis ka na dito", utos niya

"Tita aksidente lang po ang nangyari", paliwanag ko

"Tita? patawa ka ba? iha hindi pa ba nasasabi sayo ni drake? buong relasyon niyo puro kasinungalingan lang ang laman", natatawa niyang sinabi

Hindi ko maintindihan, natulala nalang ako habang iniisip kung ano ang ibig niyang sabihin. Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko,nanghihina na ang tuhod ko at gusto ko nalang umalis at umiyak ng umiyak.

"Engaged na si drake at cass matagal na panahon na, hindi ko maintindihan kung bakit pa din siya nagkakagusto sa iba at ang malala pa sa taong ilalagay lang siya sa peligro.Kaya kung pwede lang tantanan mo na ang anak ko. Maawa ka naman kay cassandra, araw-araw napunta yan sa bahay pero wala siyang nadadatnan dahil palagi kayo nagkikita! ", galit na galit niyang sinabi.

Napahawak na lamang ako sa bibig ko dahil hindi ako makapaniwala sa narinig ko. Hindi ito totoo, pakiusap panaginip nalang sana ito. Ayoko na, gusto ko na magising kung panaginip man ito.

Humagulgol na ako ng iyak at iniwanan na niya ako, lumabas si aira at agad na lumapit sa'kin.

"Beshie anong nangyari!?", nagaalala niyang tanong

Wala na akong naisagot dahil iyak na ako nang iyak.Pakiramdam ko ay pinipiga ang puso ko sa sobrang sakit.Ngayon ko lang naramdaman ito.

Nag-flashback sa'kin ang lahat. Sa kung paano ako tratuhing prinsesa ni drake, sa kung paano niya ako pangitiin, pasayahin, pakiligin, akala ko siya na ang lalaking mamahalin ko habang buhay.

Minsan lang ako nag-mahal at akala ko ay totoo ang pag-ibig niya,gusto kong mag-mura sa galit, sa inis, sa pagkadismaya, sa sakit, at sa panloloko niya.

Pangalawa lang pala ako sa buhay niya, dahil matagal ng may nag mamay ari sakanya.

Umiyak lang ako ng umiyak sa harap ni aira at hindi ko na naalala ang susunod na nangyari dahil nawalan na ako ng malay.

Never Fall In Love AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon