Tahimik kong pinag mamasdan ang lawak ng kalangitan, nakakatawang isipin na habang palalim ng palalim ang gabi palungkot ng palungkot naman ang paligid...
Mahirap mag-isa sabi nila, pero diba mas mahirap yung dalawa kayo pero ikaw nalang ang lumalaban mag isa.
Nakakatuwang isipin na, may mga tao pala talagang kayang tiisin yung sakit, yung kayang magpanggap na ayos lang kahit ang totoo hindi? kase nakakatakot nga naman diba? Na baka kapag nagsalita ka at sabihin yung nararamdaman mo ikaw pa yung hindi maintindihan, na baka pag sinabi mong
"Nasasaktan na ako" bigla niyang sabihin na "Nasasaktan ka na pala bakit di ka pa umalis". Alam mo sa totoo lang sa sitwasyong ito mahirap makulong, dahil akala mo nabubuhay ka pa, pero ang totoo unti unti ka ng nauubos at nawawala...Sabi nila wag daw ipilit ang hindi na pwede, napatawa ako ng pagak, sana ganon kadali, sana di ganon kasakit...
Mahirap kalimutan ang taong nag iwan sayo ng malalim na marka yung tumagos sa puso mo't kaluluwa. Mahirap kalimutan ang lingap ng pag-ibig na minsan mong naging lakas nung walang wala ka.
BINABASA MO ANG
Poisonous Thoughts
RandomMy own composition of not-so-deep perception about love. ❤️