Ang Unang Sulyap

61 2 1
                                    

Hawak ko na ang mga kamay nya. Magkaharap at nagtititigan. Maaliwalas ang hangin ng kumukubli sa amin. Ayan na unti unti nang naglalapit ang aming mga labi. Ipinikit ko ang aking mga mata. Ayan na! AYAN NA NGA!!!!

"Rai!!! Takte ka!! Tanghali na! Bumangon ka na!!!" Sigaw ng mala elepanteng sigaw ng aking ina.

Haist Lunes! Maging mabait ka naman sakin! Unti unti akong bumangon at padabog na naglakad sa kusina. Umupo ako sa silya at dahan dahang uminom ng mainit na kape.

"Blah blah blah blah blah..." mga sermon ng aking ina pag umaga. Ni hindi ko na mga maintindihan eh. Pero kahit araw araw pa ang sermon nya. Hanga ako at nakayanan niya kaming palakihin ng maayos ng aking binsong kapatid.

Mula nang iniwan kami ng aking ama. Hindi nag atubiling maging padre de pamilya ang aking ina. Lahat kinakaya lahat ginagawa maitaguyod lang kami.

"Oh Rai. Si kuya Rico mo maghahatid sa inyo ni Vicky ha.Pagbaba niya sa school saka ka lang ihatid sa school mo ha."

"Opo mama." Tuwang tuwa kong bati.

Hindi kami magkalayo ng edad ni kuya Rico ngunit sa pangangatawan siya ang panalo. Malaki ang katawan, makisig, ma muscle at matipunong tignan. Kaya nakakapagtaka bakit tricycle driver ang pinasok ng mokong.

Pag katapos maligo at magbihis. Takbo kami ni bunso palabas ng bahay. Saktong nagaantay na samin si kuya Rico. Sumakay si VIcky sa loob at syempre katabi k sa likod si kuya Rico. Ambango talaga ni kuya. Pero hindi pwede magpahalata lintik na kung malaman pa ni ina ang lihim ko.

Pag dating sa eskwelahan ay naglakad na ako sa main gate. "Hi" dito "Hello" dyan. Ganyan ang buhay pag senior ka na at may reputasyon bilang Youth Leader. Feeling famous ika nga. Eh sila nag vote sakin eh ano pa magagawa ko.

Habang naglalalad ako ay napalingon ako sa parking lot ng school. Aba nakita ko ang aking teacher nakasandal sa ubod ng gandang sasakyan. Naka kotse na pala si sir. Magarbo pa. Nanalo yata ng lotto o nakuha na niya mana niya sa pagkamatay ng magulang niya. Nakita ko may kinakausap siyang ngayon ko lang nakita.

Chinito, sakto lang ang pangangatawan (gaya ko), matangos ang ilong at ubod ng puti na akalain mo ginagawang enervon ang gluta.

Napalingon si Sir Vertudez at kumaway. Bigla ding lumingon ang misteryosong lalake. Iniwasan ko ang tingin niya dahil nahihiya ako na baka isiping tsismoso pa ako. Lumingon ako ulit at nakatingin pa din siya ng medyo masakit sakin. Namula ang aking mukha at minadali kong maglakad sa classroom ko.

Saktong nakapasok sa room bago pa mag bell. Wala pa si sir kaya daldalan muna kami ng classmate kong c Sarah at si Eldy.

"Nakita mo yung kasama ni sir sa office kanina?" Ani ni Eldy.

"Oo, ang gwapo nya noh." Sambit din ni Sarah.

Yun kayang lalakeng nakita kong kinakausap ni sir and pinag uusapan nila? Ang sungit nga nya eh. Yung tumingin siyang parang manunuklaw.

"Rai, tawagan ka ni sir sa office" hihingalong sabi no Jericho.

Sabay kanchaw ng mga classmates ko. Mga timawa alam kong wala akong ginawang masama. Baka dahil sa youth leader ako.

Pagpasok ko sa office. Binati ako ni sir at dali dali niya akong tinawag.

"Rai. Youth Leader ka at school officer ka. Alam kong madami ka nang experience sa mga estudyante dito." Sabi ni sir na sobrang confident sakin.

"Salamat sir. Pero bakit niyo po ako pinatawag?" Agad kong tinanong.

"Ah oo nga pala. Ipagkakatiwala ko ang foreign exchange student nating si Kyoshi Yoichi saiyo." Sabay turo sa pinto.

Panaginip Na Lang Ba Kita?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon