Sabi nila "Darating ang tamang tao sa tamang panahon" napapaisip ako sa dami ng tao sa mundo, ilang pagkabigo ang dapat mong maranasan bago matagpauan ang tamang taong ito?
Ang sagot ng iba pwedeng isa, dalawa, tatlo, di mabilang, ibat-ibang karanasan...
Paano kung ang taong gusto mong maging tama ay mali pala? Paano kung ikaw mismo ang magdesisyon kung sino ang tama at mali para sayo?
Tumingin silang lahat saakin at napatawa ibinalik nila ang tanong.
" paano kung ang taong gusto mong maging tama para sayo e nahanap na yung tamang tao na para sakanya?"
Sa paglipas ng sandali hindi ako makapag salita. Nakulong na ako sa isiping siya na ang tama..
" Paano ka sasaya kung pilit mong kinukumbinsi ang sarili mong tama? Ang tanong e masaya ka ba, mali ang tamang itanong ay masaya pa ba siya?"
Hindi ko alam ang isasagot..
Pero isa lang ang alam ko....Siya ang tamang tao para sakin at pinili kong piliin siya, sakabila ng isipin kong.
" baka tama nga sila".
BINABASA MO ANG
Poisonous Thoughts
SonstigesMy own composition of not-so-deep perception about love. ❤️