May mga taong nabibighani sa mukha habang ako'y nabighani sa boses niya.
Mas pinipili ang covers niya kaysa sa orihinal na version ng kanta.
Marahil ako lang ang nakakarinig, pero mistulang may kakaiba.
Bakit parang mas gugustohin kong marinig ang mga kanta kapag nanggaling sakanya?
____
Matagal ng gustong mabuo ang tula pero nauunahan ng kaba.
Inuuna pa ang maari niyang sabihin kaysa makabuo ng magandang tugma.
Kinakabahan sa bawat salita na ilalagay sa mensahe para sakanya.
Ang natatanging katanungan lang naman sa aking isip ay "Magugustohan niya kaya?"
____
Pero sa huli, ang boses niya lamang ang saaking magpapakalma.
Kahit ang agwat ng aming talento ay malayo sa isa't isa,
Mananalangin parin ako na sana ang tula na ito'y maipakita ang kanyang halaga.
Kasi ang mahalaga sa isang tula ay ang laman at inspirasyon, at ang pangalan niya ay "Paula"
_______________________________
Author's Note: Pinaka-unang tula ko ito na nagawa ngunit matagal ko ng nakilala ang binibini na ito.
BINABASA MO ANG
Paula? (Poem Collection)
PoetryDISCLAIMER: Ang tula na ito ay aking ginawa upang maipayahag ko ang aking damdamin sa isang babae. Another thing, wala po kaming relasyon ng babae nor do we have consistent communication with each other. Like I said, ginawa ang mga tula na ito para...