Sa isang malaking kuwarto ay dalawang estudyante ang makakasama ni Renata, ngunit nalaman namin sa front desk na susunod na linggo pa raw darating ang mga ito. Pagkatapos siyang saglit na ipinagbigay-alam sa mga mahahalagang patakaran, binigyan siya ng receptionist ng isang duplicate ng susi sa kuwarto.
Natandaan kong inihantulad niya ang silid sa isang semi-private ward ng ospital: tatlong kamang de-metal, mga pader na pininturahan ng puti, at amoy-antiseptic. Subali't iba ito kung ihambing sa isang sulok ng aking alaala.
Nabigyan ng grandeur na ekspresyon ang mga pader dahil sa mga gilt panel nito. Ang mga kama, na kayang kasyahin ng dalawang tao, ay pinalamuti ng mga makakapal na duvet at mga malalambot at silk na unan. At kahit merong idinagdag na mga bagong kagamitan kagaya ng air conditioner at lampshade, hindi pinalitan ang lahat ng furniture na yari sa rosewood. Sadyang nais ng pamantasan na panatilihin ang multo ng nakaraan at ng mga taong dating nakatira rito.
Sa puntong iyon, kumbinsido na ako na karamihan sa lalabas ng bibig ni Renata ay salungat sa kung ano ang totoo. Malaki ang halagang nakonsumo mula sa aking bank account para makatanggap lamang si Renata ng pinakamataas na kalidad ng edukasyon at accommodation ng San Lorenzo. Ang bibiguin niya ako sa kanyang pag-aaral ay isang suntok sa sikmura at hindi ko makonsinte.
Nang mailagay na namin ang mga gamit niya sa isang kamang malapit sa pintuan, sinamahan niya ako palabas ng dormitory. Dahil hindi pa opisyal na nagsimula ang mga klase, ang mga pagkain sa canteen ay kailangan pang babayarin. Habang naglakad pabalik sa kotse, hinugot ko ang pitaka ko mula sa aking messenger bag saka binigay ang natirang pera para sa pandagdag niyang allowance.
"Ate, mamimiss ko kayo ni Edmund, pero ewan ko sa dalawang magpinsan," pagsasalita niya na nag-iwan ng bakas ng pangungutya sa mukha niya.
"I'm certain that they will miss you just as much as they miss your motherly hospitality," wika ko para itago ang aking paghuhusga. "You are the hearth of the household. Magiging mas maginaw ang bahay kapag wala ka."
Ngunit nagpatuloy pa rin siya sa kanyang pangungutya. "Hindi ka ba na-weirduhan kila James at Charlotte, Ate? Iba ang pakiramdam ko sa mga 'yon. Mahirap paghiwalayin at palaging sinasama si Edmund."
"Hindi ka lang ba nagseselos?" Umiling ako at nagbuga ng hangin. "They're friends who share many interests. Besides, Edmund knows the forest more than they do. Sinamahan niya ang mga 'to na kumuha ng mga litrato."
Hindi pa rin siya kumbinsido. Tiningnan ko siya nang matagal. "Ren, perhaps you're suspecting the cousins' affection to each other because they remind you of Madeline and me."
Nahuli ko ang kanyang pagkurap. Natauhan sa aking sinabi, akma siyang humingi ng paumanhin sa kanyang tono ng pananalita.
"Inseparable, fond of each other's company, in high spirits," pagpatuloy ko. "It's also difficult not to notice your withdrawing yourself from every fun activity, just like old times. Pero sana kung ayaw mo, huwag mong ipahalata sa kanila."
"Wala ho 'tong kinalaman sa inyo," wika niya. "Sinasabi ko lang ho na iba ang pakiramdam sa kanilang dalawa."
"Please don't mistake their attachment to something else." Katulad sa pagsira niya kay Madeline, batid kong nais lang ni Renata na lumayo ang loob ko kina James at Charlotte. Tiyak din ako pinahiwatig niya sa pagkuwento niya tungkol kay Edmund kanina na may isang nagkagusto sa isa.
"Sorry ho. Tama ka, Ate." Bigla siyang tumigil saka yumuko. "Kailangan ko ring humingi ng dispensa kina James at Charlotte. Noong isang araw ay napagsalitaan ko sila ng masama."
Gusto ko siyang paniwalaan at tanggapin ang pasensya niya pero nahuli ko ang palihim niyang pagsinghal bago kami nagpatuloy sa aming paglalakad. Nadaanan namin ang malaki at Gothic na simbahan ng San Lorenzo. Bago nagkrus, humiling ako na sana mabigyan nito ng liwanag ang pag-iisip ni Renata.
BINABASA MO ANG
Reverie
Misterio / SuspensoHalina't pumasok sa gubat at magliwaliw, kalimutan ang oras at direksyon. Kung ikaw ay maligaw ay huwag mangamba. Magpariwala. Walang mas hihigit pa sa katinuan ang alisin ang mga kadenang gumapos sa mga isip natin at pilit tayong maging malaya. Kas...