Chapter 49

88 2 0
                                    

Psychological Clinic

Yongsun POV

"Sarap? Kanina ka pa nakatingin sa phone mo, sino ba yang kausap mo?" Nagtatakang biro ni Byul nang tawagin niya bigla si Yongsun dahil kanina pa 'to busy na nakatingin sa screen ng cellphone niya.

Tinignan naman siya ng masama ni Yongsun, dahil ayaw na ayaw niyang tinatawag siya ni Byul ng ganon.

Kasalukuyang nasa psychiatric clinic ang dalawa. Napagpasyahang ipatingin na ni Yongsun si Byul sa professionalist dahil baka mas lumala pa ang mental issues nito at hindi na makayanan.

Luckily, pumayag naman si Byul agad at napasama niya ito.

"Parang gago talaga, sabing wag akong tatawaging ganyan eh. Nakakababa ng dignidad." iritang pagkakasabi ni Yongsun na nagpatawa kay Byul.

"Wow. Hahahahaha. Dignidad. Hahahaha. Big word." natatawang sabi ni Byul atsaka hinawakan isang kamay ni Yongsun habang nakaupo sila sa may waiting shed.

Napangiti naman si Yongsun habang hawak hawak parin ang cellphone sa kabilang kamay niya. "Ay, oo nga pala, hindi na uso sakin yon. Pagkatapos ng lahat nang kagagahan ko sayo." wika niya sabay tawa.

Inialis niya bigla ang tingin sa phone at nakitang nakatitig na pala si Byul sakanya. "Yongsun? Paano mo kinakaya lahat ng iyon? Paano mo ko natitiis?" seryosong pagkakasabi ni Byul habang taos pusong nakatingin sakanya.

"Kasi love kita. Kailangan pa bang tanungin 'yon, huh?" Her heart started beating so fast as she said those words to Byul.

Bumaba ang tingin nito sa labi ni Yongsun at nagsimula nang ilapit ang mukha niya para halikan ito.

"Ms. Moon Byulyi." biglang tawag ng psychologist sa loob ng office niya na nagpahiwalay bigla sa dalawa.

Nahihiya namang napangiti sila sa isa't isa at nagsimula nang pumasok sa loob.

"Hi, I'm Dr. Kilatis and I will be your guide for today. " nakangiting bati nito kay Byul atsaka nagoffer ng shakehands.

Inabot naman agad iyon ni Byul at tuluyan nang upuan ang dalawa malapit sa psychologist.

"Hmm, and you are?" lumingon ito kay Yongsun at nagoffer din ng shakehands.

"I'm Yongsun Kim, I'm Byul's... Guardian." tugon niya at inabot ang kamay ng psychologist.

The session took an hour, umabot ito ng mahigit sa isang oras dahil umikot ang topic sa tragic past ni Byul, ang dahilan kung bakit siya nagkaganito.

(Guys, pwede niyo ulit balikan yung chapter ng tragic past ni Byul para hindi kayo mawala or magets niyo yung tinutukoy dito.)

At hindi nga nagkamali ang psychologist, dahil konektado at may kinalaman nga ito ngayon sa kalagayan ni Byul.

"I see... but can you tell me what happened? Kung anong nagudyok sa inyo na pumunta dito?" the psychologist said seriously. There's no way na trip lang ng dalawa na pumunta dito.

"S-she... she tried t-" Yongsun was cut when Byul said it by herself.

"I tried to kill her." it was fast, Byul said with full of sadness.

Naglipat ang tingin ng psychologist sakanilang dalawa, Byul was looking at directly Yongsun. While Yongsun did the same, she tried to smile to clear the tension.

"Anong relasyon niyo sa isa't isa?" The psychologist asked respectfully.

Yongsun looked at the psychologist. Hindi niya kailangang magsinungaling dito dahil kailangan malaman ng psychologist ang totoo. Hindi rin makakatulong na mag dagdag pa ng isang kasinungalingan para lang pagtakpan ang relasyon nila ni Byul.

Stripped (Moonsun AU) (Stripped Series #1) [UNDER EDITORIAL]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon