Untitled Part 1

271 1 1
                                    

  Chapter one Naalimpungatan si rhys sa ingay na naririnig niya mula sa labas. pilit na iminulat niya ang mga mata.Medyo madilim pa ang paligid at antok na antok pa siya. "Will you please keep this blasted dog tied up!" narinig uli niyang malakas na sigaw na isang babae. Napakapamilyar sa kanya ng boses na iyon. Inuudyukan siya ng antok na antok pang diwa niya na humagip ng unan para itakip sa tainga niya at huwang nang pansinin ang ingay.pero base sa nangyari na dati, kung gagawin niya iyon ay hindi rin siya makakatulog nang maayos dahil patuloy na magbubunganga ang nasa labas ng gate hanggang sa mapilitan siyang harapin ito. So ,he might as well get the confrontation scene over and done with. Napamura siya nang maalala si Lolo Timo . Kapag nagising ito dahil sa pagbubunganga ng babaeng nasa labas ay mapapaaga ang penitensiya niya. Sa pagmamadali niyang bumangon, nadulas siya sa kumot na nalaglag sa sahig.Muntik pa siyang mapasubsub sa gilid ng dresser.Lalo tuloy uminit ang ulo niya.Kung hindi lang kasalanan ang pumatay! Binilisan na niya ang kilos. hindi puwedeng magambala ang tulong ni lolo timo.kagaya ng isang sanggol, kapag nagising ito nang wala sa oras ay masungit ito. wala siya sa mood na umalo ng nagsusungit na matanda,lalo pa at madaling-araw na lumapat ang katawan niya sa kama.Nagkita-kita kasi sila ng mga dating kabarkada niya nang nagdaang gabi dahil dumating ang isa nilangkatropa galing abroad.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 09, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

♥ A  TiMe To LoVe ♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon