KATELYN POV
Ang daming chechebureche para maging reyna Elena kung hindi lang talaga dahil kay Philip di ako papayag dito ehh
Kamusta kaya ang aking iniirog hahaha korni ko sa part na yun .
Pero eto ako nangingiti .
Hindi na siya nagchat kanina pa mag aayos daw kasi siya kaya mamaya na lang daw ulet .Saktong Alas singko umalis na kami ala sais maguumpisa na kami mag prosisyon .
" Ang ganda mo Katelyn " - Philip
Kanina pa siyang nakatitig saken hindi ako sanay .
" Tigilan mo nga ako sa kakatitig mo Philip naiilang na ako baliw ka "
" hahahahahahaha saken kapa nailang ehh mamaya for sure mga tao dudumugin mas nakakailang yun " - Philip
Langya kasi siya sanay na dinudumog ng tao .
" balakajan " pagkasabi kong ganun chinat ko na si Georgia kaso wala pa din siyang reply
Anyare na kaya dun baka nilamon na siya ng make up o baka dinumog na sila ng mga tao dun lalo sa nakakakilala sa kanila .
" Okay ka lang ? " - Philip
" oo naman bakit? "
" Parang nag aalala ka ? " - Philip
Eto panget dito kay Philip masyado niya akong nababasa agad .
" Hindi ahh " deny ko
" Wag ako alam ko kulay ng dugo mo red " - Philip sabay tawa siya
" Kelan kapa naging korni " sabi ko natawa na lang ako sa kakornihan niya
Mahigit kalahating oras na kami nasa daan bago makarating sa prosisyon .
" Ohh nandiyan na pala kayo " - Amber
Napa wow ako sa kay Amber . Pilipinyana yung gown niya na may slit na mahaba sakto para makita ang legs niya .
" wow " sabay pa kaming nagsalita ni Amber
" Hahahaha lanya Kate ikaw pa nabigla saken ikaw tong nangingibabaw sa kagandahan " - Amber
" Gulat ako sayo kasi babaeng babae ka Amber may tinatago ka palang pagirl hahaha " biro ko sa kanya
" Wait mo na lang yung iba di lang ako " - Amber
Bigla kumabog dibdib ko si Georgia kaya anong chura nun .
" Hi Ms.Amber pwede po bang pa picture po idol po namin kayo nanonood po kami ng game niyo " - babae 1
" kyyyaaahhhhh !! Kami din po Ms.Amber " - tili ng mga iba pang babae
" Sure wait lang ahh Kate " - Amber
" Sige take your time Amber dito lang ako " sabi ko inabutan ako ng nag aassist dun ng monoblock .
Nakikita ko na ang kotse ni Princess . Ang cool talaga ng dalawang to kaya bagay na bagay sila .
Pag baba ni Princess .
Wow literal na Princess .. napaka gentlewoman niya pinagbuksan niya pa si Trix ng pinto .
W O W nanlaki mata ko sa kanilang dalawa iba yung aura nilang magjowa .
P E R F E C T !
Ang daming nagbubulungan daming flash ng camera pero sila sanay na sanay sila .
" Wow Katelyn ikaw ba yan ? " -Trix
" Ang ganda niyong dalawa ni Princess " nasabi ko na lang talaga sa sobrang hanga ko sa kanila
BINABASA MO ANG
MY PERSONAL ALALAY (GXG) COMPLETED
Romance" sabing ayaw ko nga ng may buntot ng buntot saken " si Georgia " wala naman ako magagawa kundi sundin sila ayaw ko rin naman ng may binubuntutan noh !" sabi ng PA ni Georgia sa kanya kaasar naman tong buhay na to . Nasan na ang kalayaan ko diba ?