Lunch time na sabay sabay kaming lumabas kasama mga kaibigan ko. Siomai rice lang yung kakainin namin. As usual tipid tipid muna. Sanay na kaming pinagtitinginan ng mga tao. Tourism students kasi kaya ganern.
Light brown ang kulay ng uniform namin. May collar siya at yung skirt namin depende na sa amin ang haba nito. May suot kaming stockings and high heels. Pero ako kasi yung tipong ayaw mag suot ng heels. Naka flats lang pero may dala naman akong extra heels incase of emergency nga lang.
" Suki, bagong luto po ba yung chicken joy? Dalawa sakin tapos dalawang kanin." - si zul yan halatang gutom.
"Bibili muna ako ng siomai. Natakam ako sa amoy" - sabi ko sakanila sabay punta sa nagtinda ng siomai.
Ang daming tao ngayon. Palibhasa kasi mas gusto ng mga studyante kumain sa ganitong klasing pagkain kesa cafeteria. Parihas lang yung menu doon at nakakaumay na yung ulam.
" Kuya ki, tatlong siomai nga po padamihan lang yung sauce ha. Salamat po" - mabango kasi yung siomai nila. Ang daming nag sabi na gawa daw iyon sa pusa. Pero hindi ako naniniwala kasi may permit sila. Dali dali akong bumalik sa mga kaibigan ko kasi alam kong gutom na rin sila.
--
Pagkatapos naming kumain, maingay na naman kaming lahat. Wala pa kasi yung chairwoman namin. Siya kasi last subject namin ngayon. Hanggang 3:00 pm. Nag ayos muna kami habang wala pa siya. Dapat yung buhok naka bun, lipstick lahat, at ang heels naka ready na.After a few minutes andito na yung prof namin. Walang nag ingay samin kasi ayaw niya sa maingay. Pag siya na ang kaharap namin dapat may poise kami mga future FA nga daw.
" Class I'm sorry I'm late kasi ang tagal ng jeep. So right we have to talk about our upcoming tour. So we will be having our agency bidding and then the destination." - Prof lars
Excited ang lahat sa amin kasi first time naming mag tour. Kaya eto yung kinuha naming course dahil dito. Pero syempre gusto rin naming pag aralan ang bawat kultura at tradition ng lugar at tao. Matagal tagal na ning pinag pasyahan ang destination namin. Within Cebu palang kami kasi first year pa.
Marami sa amin gusto mag bohol or camotes kaso lang pabalik balik lang daw siya doon. So we decided na Dumaguete City na lang since budget friendly lang din naman. Sa agency bidding naman.
" So some of you decided na sa dumaguete ang first tour natin. And for the agency. Don't worry I have my own. And mas mabuti na hindi tayo aasa sa ibang tao." - sabi ng prof namin. Alam na naming lahat kung anong klasi siyang teacher. Kaya sobrang pag iingat ang ginawa namin. Lahat ng utos niya sinunod namin. Hindi nga namin magawang mag reklamo baka ma F pa kami subjects niya.
" Miss when are we going to have our first tour?" - sabi ni maja na halatang excited na rin. Sasakay nga raw kami sa yacht.
" Is it okay sa February 2* nalang tayo? Para makapag prepare pa kayo ng allowance etc. Budget for this tour will be 4***k is it okay with you guys? " - As if we have a choice. So ayon nga natapos ang klasi namin na tour lang ang pinag usapan. Halata sa mga ka klasi ko na ginawa lang nila yun para hindi siya mag discuss.
" Ano kaya ang mangyayari sa tour natin? Feeling ko lang ha. Masyadong epic ito. Lalo na siya ang hahawak ng expenses natin" - reidy
" Mag enjoy na lng muna tayo. Yung mga OOTD's niyo wag niyo kalimutan." - sabi markey habang tumatawa. Pictures and stuff lang naman ang punta namin dun.
" So paano guys, kitakits nalang tayo bukas ha. Halfday lang tayo bukas diba?" - angel
" Yup 3 subjects lang tayo bukas. So ano plano natin after? - reid
" Plaza del carmen tayo. Gusto ko tumambay doon. Marami din namang nag titinda ng street foods dun." - sabi ko sa kanila.
Pauwi na kami nila reid at zul as usual commute na naman ang mga lola niyo. Tawa ako ng tawa sa kanilang dalawa kasi panay ang reklo na masakit ang paa. Hindi kasi sila nakapag dala ng extra flats, takot lang sa prof namin.
YOU ARE READING
Come Back Again
RomantizmOnce a cheater, always a cheater! Hi I'm Anais Bless Roberts and here's my story.