Chapter 7: Heterosexuals Are Only Allowed✔️

557 30 2
                                    

——————————————
CHAPTER 7

ALDI'S POV

It's sunday at kung nagtataka kayo kung bakit nandito pa kami sa baguio at hindi pa kami umu-uwi. Pa'no na 'yung simbahang naiwan nila Pastor Sam doon sa San Lorenzo. Ang sagot diyan, may resident pastors ang God's Kingdom kaya patuloy parin ang service do'n sa San Lorenzo.

Alas otso y medya na ng umaga at
nandito kami ngayon lahat sa labas ng kubo. Katabi ko si Gab na namimigay ng mga grocery items.

Naalala ko 'yung mga pinag-usapan namin kahapon ni Gab. 'Yung mga payo niya sa'kin para umabante ako at mag- move on. Pati 'yung Jakult din na ininom namin kahapon. Napangiti nalang ako habang ina-alala ang mga nangyari kagabi. Gab nahuhulog na yata ako sayo.

"Oh ba't nangiti ka diyan?" tanong niya.

Tange! Nakita niya pala. Kung ano-ano na kasi itong pumapasok sa isip ko. Psh

"Ah wala may naalala lang," nakangiting tugon ko.

"Nangiti kana ah. Sinong babae 'yan Pare?" Nagtaas-baba pa ang isang kilay niya.

Gab hindi babae ang ini-isip ko okay! Psh kung alam mo lang.

"Tange! Wala nga," agad kong sabi ngunit napagtanto ko na nakabigkas pala ako ng bad word at sa tingin ko ay ayaw niya ito. "Ay sorry Pare. Nabigla lang"

Nakakahiya ka Aldi. Nakabigkas pa talaga ako ng gano'ng salita. Baka ma turn-off sa'kin si Gab. Ang tabil kasi ng bunganga ko eh!

"I don't mind it. It's okay," aniya ng naka-ngiti na ikinaginhawa ko.

May lumapit sa'min na lalaking bata, naalala ko siya. Siya 'yung kahapon na bata na makulit. Siguro nasa pitong taong gulang na ito.

"Hi mga kuya's! Pwede po bang humingi ng pagkain?" magiliw na bati sa'min ng bata. Napangiti ako dahil sa kanyang kagiliwan.

Tiningnan ko ang pisikal na ka-anyuhan ng bata. Moreno ito na may magandang mata, makapal na kilay at medyo mapula na labi.

Ngunit may mga dumi sa kanyang damit na sinuot pero hindi parin nabawasan ang kanyang taglay na kagwapuhan. Magiging heartthrob ang batang 'to 'pag lumaki. Sana lang ay lumaki siyang mabait na bata.

"Saan ba ang mga magulang mo baby," tanong ni Gab sabay kurot sa bata.

Kinarga ni Gab ang bata at nilaro niya ito. Ginulo ni Gab ang buhok ng bata at sinundot-sundot ang tagiliran nito gamit ang kanyang hintuturo. Tumawa lang ang bata dahil sa ginawa ni Gab. Mahilig pala siya sa bata.

"Nasa bukid po," tugon ng bata sa tanong ni Gab.

"Ito baby oh" Binigay ko ang isang grocery packs. Medyo may ka-bigatan ito para sa edad niya dahil sa bigas.

"Kaya mo ba baby? May kakilala kaba dito? Magpatulong nalang tayo para madala mo ito lahat," wika ko.

"Salamat po mga kuya pero kaya ko po. Ang bait at ang gwapo niyo po 'tsaka bagay kayo ni kuyang isa," bigkas ng bata sa'kin at tinuro si Gab. Ang tamis ng kanyang ngiti.

The Pastor's Son (BxB) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon