Chapter Twenty-Three | White Poppies

298 13 10
                                    


Chapter theme: Safe and Sound - Taylor Swift


Ilang araw na ring balisa si Gabriel mula nang malaman nito ang nangyari kay Stella

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Ilang araw na ring balisa si Gabriel mula nang malaman nito ang nangyari kay Stella. Kahit hindi niya man aminin sa akin ay nababasa ko naman sa mga mata niya ang pagkabagabag niya. Marahil ay sinisisi na naman niya ang sarili at kahit pa nakangiti siya sa akin ngayon ay halata naman sa kilos niya na apektado ito.

Kahit paano ay may pinagsamahan pa rin naman silang dalawa ni Stella lalo’t sabay silang lumaki. At maiintindihan ko kung magpakita siya ng pag-aalala para sa kababata niya.

"Are you still worried for Stella? Ang sabi naman ni Brix bumubuti na ang kalagaya niya. She also willingly participates in counseling sessions, so let’s just hope for her healing. I know hindi madali ‘to, but don't be too hard on yourself," pagpapanatag ko sa kalooban niya.

Tumigil si Gab sa pagbabalat ng mansanas at binigyan ako ng ngiti. "Ayos lang ako, mahal. And thanks for worrying."

I took my boyfriend's hand and gave it a gentle squeeze.

"All these years, I've done nothing but lie to myself and pretend that everything's okay when it's not. Nakakapagod at nakaka-drain pala ‘yon. Hindi rin magandang sanayin ang sarili na kinikimkim lang ang lahat dahil sa huli ay lalamunin ka rin nito. That’s why I’m here, Gab. Sabihin mo sa akin ang lahat, makikinig ako. From now on, I want us to be honest with each other about how we truly feel. I know you're not okay. Before you became my boyfriend, naging magkaibigan muna tayo, and I can read you like an open book."

Dahil sa mga tinuran ko ay nawala ang mga pekeng ngiti sa labi ng boyfriend ko at napayuko ito, ni hindi na siya makatingin sa akin ng diretso.

"Ang dami mo na kasing pinagdadaanan at ayoko nang dagdagan pa 'yon. Pinipilit kong ipakita sa inyo na ayos lang ako, pero ang totoo sobrang binabagabag ako ng konsensya ko. Paano na lang kung may masamang nangyari kay Stella? Paano kung hindi siya naagapan? I won't forgive myself if that's the case. It's my fault that she ended up like that."

"Do you want to visit her?"

Gabriel looked at me, his face clouded with hesitation. "I went there yesterday. Galit sa akin ang parents niya at pinagtabuyan lang nila ako."

"Subukan mo ulit. Subukan natin. Kasama mo naman ako, eh. I'm sure maiintindihan nila ang pakay natin."

Gabriel remained silent for a moment, staring at me as if waiting for a change of heart. "Please, mahal? We need this, so all of us can finally move on."

Bumuntonghininga si Gabriel saka mabagal na tumango. Napanatag naman ako nang masilayan kong nagliwanag ang mukha nito kahit paano.

"Okay, let's visit her," he said, setting the plate with his peeled apple on the table.

He stood up, fetched the wheelchair from the corner of the room, and lifted me gently, carefully settling me into it. Kaya ko namang maglakad pero mabilis akong kinakapos ng hangin kahit ilang hakbang pa lang ang nagagawa ko. Palagi na lang tuloy akong naka-wheelchair kapag lumalabas ako ng kwarto ko.

Behind The Lies [PUBLISHED UNDER KPUB PH]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon