Chapter Seven

227 11 0
                                    

KINABUKASAN, maagang nagising si Sam dahil sa tunog ng ringtone ng kaniyang cellphone. Nakapikit pa rin ang mata na inabot niya ang maingay na aparato na nakapatong sa bed-side table at agad iyong sinagot. Inilagay niya sa tapat ng kaniyang tainga ang kaniyang cellphone.

"Hello?" aniya na hindi pa rin bumabangon sa kama. Parang ayaw siyang bitawan ng higaan dahil gustong gusto pa niyang matulog.

"Hi. Ahmm.. Ready ka na?" agad niyang napagsino ang boses na iyon.

Napabuka siya ng mga mata. "S-Shaun?" Nang nagawa niyang ibigkas ang pangalan ng lalaki ay agad niyang naalala ang nakatakdang gagawin sa araw na iyon.

Sinulyapan niya ang maliit na orasan na nasa bed-side table. Alas sais na ng umaga!

"Yes? I'm on my way sa condo mo," anito. Halata ngang nagda-drive ito dahil na rin sa ugong ng iba pang sasakyan sa kalsada na dinaraanan nito.

"Ah...eh... Kagigising ko lang kasi. Pasensiya na talaga, napasarap 'yung tulog ko,"hingi niya ng paumanhin saka bumunot ng isang maong short at abuhing T-shirt sa kaniyang closet. Kumuha rin siya ng isang black travel sandals. Hinubad niya ang isinuot na pantulog nang nagdaang gabi saka nagsimula nang isuot ang mga kinuha niya sa closet.
"Don't worry, nakapaghanda naman na ako ng mga dadalhin ko kagabi pa. Nagbibihis na ako," aniya rito.

"It's alright. Sige, dadaan muna ako sa isang coffee shop para bumili ng makakain mo. Paniguradong wala pang laman ang tiyan mo. Abangan mo na lang ako sa labas ng building," sabi nito.

"Sige."

Pinatay na niya ang tawag saka mas binilisan pa ang naging kilos sa pagbibihis. Nagtungo siya sa banyo upang maghilamos at mag-toothbrush. Medyo nahihiya siya sa point na haharap siya kay Shaun na may posibilidad na amoy-laway ang hininga o 'di kaya'y may muta sa mata. Basta na pang niyang ipinusod ang kaniyang buhok ng messy bun style. Naglagay rin siya ng kaunting pulbo at bloody red matte sa mga labi. Nang nakuntento sa hitsura'y inabot niya ang brown shades na nakapatong sa kaniyang aparador saka niya isinukbit ang backpack sa kaniyang mga balikat at tinungo ang pintuan.

Pagkalabas niya ng unit ay in-insert niya ang card sa lalagyan niyon at pinindot ang lock button na nasa screen malapit sa door knob. Nang masigurong naka-lock na nga iyon ay nagsimula na siyang maglakad sa hallway patungo sa elevator.

Nang tuluyan na siyang nakalabas ng lobby ay nagpasya siyang abangan si Shaun malapit sa pinag-parkingan ng ilang vehicles sa harap ng building.

Minutes later, a red sports car stopped in front of her. She stood there in awe while staring at the beautifully crafted goddamn car! She's now thinking what it feels to drive a car like that.

Then then the windows suddenly opened. A smiling Shaun Caleb caught her attention from the car's physical features. He waved at her. "Like what you are seeing?" tanong nito. He did not sounded boastful when he said that. Instead, he sounded like a cute flirtatious but charming guy while saying that.

Wala sa sariling napatango na lang siya sa itinanong nito. Umibis ito ng sasakyan upang pagbuksan siya ng pintuan sa passenger seat. Kinuha nito mula sa kaniya ang kaniyang backpack at inilagay iyon sa trunk ng sports car nito.

"What are you waiting for? Get in," nakangiting pahayag nito na hindi niya namalayang nakarating na pala sa kaniyang harapan. Wala sa sariling pumasok siya sa sasakyan at lubusan pa siyang humanga nang tuluyan na siyang nakaupo sa upuan sa passenger's seat at nalula sa kung anong nasa loob niyon.

Maya-maya ay nasa loob na rin ng sasakyan si Shaun. May kung anong pinindot ito sa mga button na nasa loob niyon at nagulat na lang siya nang biglang sumara ang pintuan ng sasakyan.

Return of Her Ex- (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon