Chapter 2

48.4K 1.1K 177
                                    


Chapter 2
***

Nagising ako ng tumama ang sinag ng araw sa mga Mata ko. Dinilat ko ang mga Mata ko at napangiti ng Makita ko ang napakaamong mukha ni Hayden.

Hinawakan ko ang napakagwapong mukha nya at napangiti ng Hindi sya magising dahil tulog mantika sya.

Matagal kong tinignan ang maamong mukha ni Hayden. Tinignan to ang napakagandang makapal na kilay nya, pababa sa makapal at mahabang pilik Mata nya, ang napakatangos nyang ilong, pababa sa malambot at mapula nyang labi.

Dahan dahan kong inabot ang labi nya at magaan syang hinalikan. Napangiti ako ng Hindi parin sya nagigising.

"Nagagawa ko lang na titigan ka ng matagal at mahalikan ka pag tulog ka." Sabi ko sakanya at malungkot na ngumiti. "Dahil pag gising mo galit ka na naman sakin." Sabi ko at napahinga nalang ng malalim.

Tinignan ko ulit ng saglit ang maamo nyang mukha bago tumayo na para mag luto ng agahan namin dahil papasok pa sa trabaho si Hayden.

Monday ngayon at wala akong pasok dahil holiday.

Mabilis lang akong naghilamos at lumabas na ng kwarto namin at dumiretso sa kusina para mag luto.

Madami akong niluto Kaya pawis na pawis ako. Hinanda ko na ang lamesa at napangiti ng puno ng pagkain Yun.

Umakyat na ulit ako papunta sa kwarto namin at naabutan Kong mahimbing parin syang natutulog.

Pinunasan ko muna ang pawis ko bago dahan dahan ng tinapik ang balikat nya.

"Hayden, gising na." Gising ko sakanya at maliit na napangiti ng Hindi sya magising.

"Hayden." Tawag ko sakanya at mahina syang inalog.

Agad na Nawala ang ngiti ko ng kumunot ang nuo nya at dahan dahan na dumilat ang asul nyang mga Mata.

Tumibok ng mabilis ang puso ko ng makuha ko ang tingin ng magandang nyang mga Mata at parang may tumusok sa puso ko ng mapuno ng asar Yun Kaya nag iwas nalang ako ng tingin.

Bumangon na sya at tinignan ang Oras bago tumayo na.

"G-good morning nakapag luto na ako. Timplahan na ba Kita ng kape?" Tanong ko sakanya dahil gusto nyang mainit lagi ang kape nya.

Tumango lang sya at dumiretso na ng bathroom.

Napahinga nalang ako ng malalim habang tinitignan ang pinto ng bathroom bago lumabas na ng kwarto para pagtimplahan si Hayden.

Nag timpla na ako ng kape ni Hayden at umupo nalang muna sa harap ng lamesa habang hinihintay si Hayden.

Tumunog ang tyan ko ng matignan ko ang bacon pero umiling nalang ako dahil gusto kong kasabay si Hayden.

Agad akong napatayo ng Makita Kong seryosong bumababa ng hagdan si Hayden na naka suit na pero Hindi pa nakasuot ang coat at hawak lang.

Sobrang gwapo nya saa suot nya Lalo na at seryoso ang mukha nya. Agad akong natauhan ng kinunotan nya ako ng nuo.

"Hayden, mag almusal na tayo. Natimplahan na din Kita ng kape mo."  Nakangiti Kong Sabi sakanya at pinag hatak sya ng upuan.


Nakakunot nuo nyang tinignan ang lamesa na puno ng pagkain. "Sa opisina na ako kakain." Sabi nya Kaya agad na nawala ang ngiti ko at parang may kumurot sa puso ko habang tinitignan ang mga niluto ko.


Tinignan ko ang kape nya at nag angat ng tingin sakanya. "Ubusin mo nalang ang kape na tinimpla ko." Sabi ko sakanya pero hindi nya ako pinansin at inayos na ang coat nya.


I Love You, Mr. Dean. [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon