CHAPTER 1

13 0 0
                                    


PILLOW KISSES MONTANILLA POV

"MISS MONTANILLA! Go to the President's office now," agad na nangunot and noo ko ng marinig ang sinabi ng teacher sa harapan ko. Tinitigan ko siya ng masama dahilan para biglang magbago ang ekspresyon sa mukha niya. Kung kanina ay namumula ang buo niyang mukha sa galit ngayon ay para siyang isang kunehong maamo. Initsa ko sa ere ang kanina ko pang hawak na mansanas at saka walang pakialam na hinagis ang kutsilyo para mahati sa dalawa ang mansanas. Sinalo ko ang dalawang hati ng mansanas at walang kahirap hirap na sinalo rin ang kutsilyo. Inilapag ko ang mansanas at kutsilyo sa desk ko. Tinaasan ko ng kilay ang guro saka ako tumayo.

I rested my two hands inside the pockets of the jacket I am wearing. Napatungo na lamang ang kawawang guro ng mapadaan ako sa gawi niya. I smirked.

'Damn right. No one raises his voice at me. NO ONE.'

Bawat madaanan kong estudyante ay napapayuko at pumapasok sa sari-sarili nilang classroom. SCARED?

I was grinning when I reached the old man's hub. I saw him looking so stressed while eyeing me like I am too much to handle. Even without permission from him, I pulled a chair and sit comfortably.

"Almost hundred students transferred to other school in just one month and do you know what's the reason? YOU! Yes, you Pillow!"

Napangiwi ako dahil sa tinawag niya sa akin. What a name! I rolled my eyes and blankly stared at him. Galit ito ngunit sanay na ako sa ekspresyon niyang yan. Laging ganito ang ekspresyon niya sa tuwing magkikita kaming dalawa. Ano pa nga ba ang aasahan ko?

"So? Anong gusto mong gawin ko? Beg them to go back here? Hah!" I smirked

"Kung pwede lang oo! But I know you and your attitude. Now all I want is for you to stop bullying students Pillow. I don't know what to do with you anymore!" Inihilamos niya ang dalawang palad sa mukha na parang punong puno ng problema ang buo niyang mundo. Hinilot niya muna ang kanyang sentido bago siya muling tumingin sa akin.

"First, how many times do I have to tell you to not call me with that name old man? Second, I don't bully students. They get in my way as if they're kings and queens and acting so powerful and mighty. Hell I don't like people who think they're superior to any well except for me of course!" Nagkibit balikat pa ako at saka ipinatong ang dalawa kong paa sa mesa niya. Kumunot ang noo niya at saka masama ang tingin na nagpalipat sa paa ko at sa aking mukha.

"Watch your words young lady. When will you change Pillow? When will you grow up?! For Pete's sake you are already 18 and on your last year in senior high school! Can't you just act properly?"

"Woah.. wait! So you're telling me I am acting unproper?"

"Yes! Ilang beses ka na bang nasuspend? Kung hindi pa ako nakikiusap sa mga teachers mo ay hanggang ngayon siguro ay nasa first year junior high school ka pa lang. Walang araw na wala kang ginagawang kabulastugan at kalokohan! As your grandfather and as the President of this school, I want my grand-daughter to be a role model not to discourage students! Look at you. Ikaw lang ang tanging estudyanteng hindi nakauniform."

Mabilis kong pinasadahan ng tingin ang suot kong black pants and black boots with white t-shirt and black jacket on top.

"What's wrong with my outfit? You know old man; I have a very important thing to do so I'm out of here. Ciao!" Mabilis ko siyang tinalikuran at hindi na pinakinggan pa ang anumang sinasabi niya. Gusto ko ng peace of mind lol.

Still time of classes so there's not much of students roaming around the campus. I choose to go to my favourite spot. I walked going to the boundary of the college and high school department. The boundary is a very long wall before the hallway of the college department and a not so tall narra tree at the middle behind the wall. And that's my favourite place. I climbed the tree and settled myself on the hammock which both ends were tied to the branches of the tree. Tago ang hammock dahil sa malalagong dahon ng narra. This is my place and I'm tagging it as my personal property and no one as in no one will dare to rest here unless they want to rest forever. This is nice, no noises, and no nagging from that loud old man. I sighed and shut my eyes closed.

"Ano!? Ipakita mo ang galing mo ngayon! Ang kapal naman ng mukha mong ipahiya ako kanina! Sino ka sa tingin mo!?" Hindi pa man ako nahihimbing sa pagkakatulog ng magising ako dahil sa ingay na nagmumula sa ibaba.

'Taena namang istorbo tss,'

Yamot kong tiningnan ang dahilan ng pagkagising ko. Limang lalake ang bumungad sa akin. From the looks of it they're not high school students. Nakauniform ng pang- College students ang limang lalake. Nakapalibot ang apat na lalake sa isang lalakeng nakasalamin at nakasalampak sa damuhan. Mukhang sa kanya ang nagkalat na mga libro.

'Hmm. College arguments and fights,'

"ANO PEREZ! Magsalita ka!" sinipa noong mukhang lider lideran ang kawawang lalake. Hindi nagsalita ang lalake sa halip ay nagsimula nitong pulutin ang nagkalat na libro ngunit muli itong tumimbuwang ng muling itulak ng isang lalake. Nagtawanan ang apat na lalake.

"Lampa ka pa lang nerd ka eh. Ang lakas ng loob mong kalabanin kami eh wala ka namang ibubuga!" sabi ng isang lalake

"P-pasensya na, h-hindi ko sina s-sadya ang n-nangyari kanina," sa wakas ay nagsalita ang lalakeng nerd.

"Anong pasensya? Kailangan mong maturuan ng leksyon!" humalakhak pa ang leader. Taena, bungal pala tong kutong lupa na 'to tss. Nakita kong may isenenyas ito na kung ano sa kasamahan nito.

Naalerto ako ng makita kong bumunot ng swiss knife ang lalakeng nasa likuran ni nerd. At ng akmang sasaksakin na niya ang kawawang nerd ay mabilis akong tumalon mula sa puno sakto saka ko sinipa ang kamay nito dahilan para tumilapon ang hawak nitong kutsilyo. Gulat na napatingin silang lahat sa akin.

"What the! Sino ka at bakit ka nakikialam dito?!" galit na sigaw ng leader nilang bungal. I smirked

"Ako si kamatayan at sinusundo na kita," blanko ang eskpresyong sagot ko

"Aba't gago ka ah! Sige isama niyo na rin yang pakealamerang yan!" nanggagalaiting saad ng bungal na leader habang sumesenyas at tinuturo ako. Tinitigan ko silang lahat at biglang nabakas ang takot sa isang lalake ng makilala kung sino ako.

"Boss, si Pill Montanilla 'yan," Agad itong bumulong sa bungal na leader na nanlaki din ang mga mata. Kailan pa naging bulong yung naririning ko hanggang sa pwesto ko yung 'bulong' daw kuno. Mababakas na ang takot sa mukha ng kanilang bungal na leader gayon rin sa mga kasamahan nito.

"H-hindi pa tayo tapos Perez! Tara na," huli niyang sabi bago tumalikod na at halos maglakad takbong papalayo.

'Wala man lang thrill? 'Yon na 'yon?'

Tiningnan ko ang lalakeng nerd. Isa isa na nitong pinagpupulot ang mga nagkalat na libro. Sinipa ko palapit sa kanya ang isang librong nasa paanan ko. Nanginginig siyang tumayo, inayos muna ang salamin niyang nawala sa ayos at saka siya tumingin sa akin. Napangiwi ako sa ayos niya. Buhok na maayos ang pagkakahati sa gitna, pomada ang gamit ng isang 'to eh. Makapal at malaking salamin kulang na lang yung life sized mirror ang isuot niya. HIgpit na higpit ang necktie ng kanyang uniform na kulang na lamang ay sakalin niya ang sarili niya gamit ang necktie. Nakabraces ang mga ngipin niyang nakikita mula sa nakabuka niyang bibig. Hawak hawak niya ang limang nagkakapalang libro at nakasabit sa likod niya ang kulay itim na backpack na kung susumahin ay kakasya ang isang batang limang taong gulang. May sugat ang gilid ng kanyang labi at may pasa ang kanang pisngi.

"S-salamat," uutal-utal pa kung magsalita. "M-maraming salamat,"

"Tss..." nasira na ang araw ko dahil naistorbo ang tulog ko kaya naman ay minabuti ko na lang na dumiretso sa parking lot para kunin ang sports car ko saka ako umuwi ng bahay.

WHEN THEIR WORLD COLLIDE (NERDY BOY X COOL GIRL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon