CHAPTER 2

11 1 0
                                    

"MAGANDANG HAPON YOUNG MISS," sabay-sabay na pagbati ng mga nakaunipormeng katulong pagpasok ko ng bahay. Dire-diretso lang akong pumasok at saka tinahak ang daan patungong kwarto. Agad kong idineposito ang sarili sa kama. Muli kong ipinikit ang mga mata ko at tuluyan ng nakatulog. Nagising ako dahil sa sunod-sunod na katok sa pinto. Papikit-pikit pa ang mga matang kinapa ko ang cellphone sa kama at tiningnan kung anong oras na. 5:57pm. Halos tatlong oras pa la akong natulog. Bumalikwas ako ng bangon saka tinungo ang pinto. Isang katulong ang napagbuksan ko ng pinto.

"Bumaba na raw po kayo Young Miss sabi ng Lolo niyo para sa hapunan."

Tango lang ang tanging sagot ko sa kanya. Mabilisan akong nagpalit ng damit saka agad na bumaba pagkatapos.

Naabutan ko ang matanda na matamang naghihintay sa akin. Tinanguan ko lang ito saka umupo sa kanang bahagi ng mesa.

"Hindi ka na daw bumalik sa klase pagkagaling mo sa opisina," pagsisimula niya ng topiko habang ako ay nagsimula ng kumain.

"Boring," walang gana kong sagot. Narinig ko ang mahina niyang paghalakhak. Kunot noo ko siyang tinitigan.

"May nakakatawa ba sa sinabi ko?" tinaasan ko siya ng kilay

"Gumalang ka nga sa akin. Lolo mo pa rin ako,"

"Oh edi rewind. May nakakatawa PO ba sa sinabi ko PO?" pinagdiinan ko pa ang po

Napailing-iling siya saka nagsimula na ring kumain.

"Anong kurso ang balak mong kunin sa kolehiyo?" muli niyang pagbukas ng topiko. Ngumuso ako.

"Anong kurso kurso PO? Kailangan ko pa PO bang mag-aral sa kolehiyo? Pwede namang magbuhay senyorita na lang PO ako," sagot ko. Walang halong biro, gusto ko talagang huminto na sa pag-aaral.

"Hindi pwede. Paano ka kung wala na ako? Paano mo pamamahalaan ang mga negosyo?" seryoso niyang saad habang titig na titig sa akin. Napalunok ako kahit wala namang pagkain sa bibig.

'Ang drama naman ng matandang 'to?'

"Alam mo old ma—"

"LOLO!"

"Oh edi Lolo na kung Lolo. Hindi ka pa mamamatay ha. Masamang damo ka yata saka kung kukunin naman kayo ni San Pedro kahit habang buhay pa akong hindi magtrabaho hinding hindi ako magugutom dahil sa yaman niyo ba naman, kaya wag kayong mag-alala at kumain na lang kayo."

"Wala talaga akong makukuhang maayos na sagot mula sayong bata ka," umiling iling na lamang siya at hindi na nagsalita pa. Tinapos ko na ang pagkain saka ako dumiretso sa training gym sa bahay. Bahay nga ba? Eh mansion tong bahay ng matandang 'yon. Nagbihis ako ng angkop na damit para sa gagawin kong boxing training. Dumiretso na ako sa boxing ring at nagsimula ng sumuntok sa punching bag. Kasabay ng bawat suntok ay ang tuluyang pagdaloy ng ala-alang pilit kong ibinabaon sa limot.

"Lolo, bakit ikaw ang pumunta dito? Nasaan po si mommy at Daddy?" tanong ko sa lolo kong kabababa lang mula sa kanyang sasakyan. Nasa grade 2 pa lang ako at hindi ko alam kung bakit wala man lang ni isa sa mga magulang ko ang pumunta para sa family day.

"Busy kasi si Mommy at Daddy mo apo," pang-aalo niya sa akin

"Pero ako lang po ang walang mommy at daddy dito. Tingnan niyo po," tinuro ko ang mga batang kahawak-kamay ang kanilang mga magulang

"Andito naman si Lolo apo eh, tayo na lang dalawa," malungkot ko siyang tinanguan. Hindi lang ito ang unang beses na hindi sila umattend sa event sa school ko.

WHEN THEIR WORLD COLLIDE (NERDY BOY X COOL GIRL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon