1st Person's POV
Wala ngang katao-tao sa bahay nila nang dumating kami pero nang may isigaw na mga pangalan si Irah ay hudyat para magsidatingan ang mga kasambahay.
"Entertainment Room," Yun lamang ang binanggit ni Irah na tila naiintindihan nila ang napakadaming ibig sabihin niyon at dali dali silang umalis.
Umakyat kami papuntang ikalawang palapag at nilakad pa ang iilang kanto ng hallway nila na siyang dahilan ng pagka hingal ko bago kami pumasok sa isang kwartong dim ang ilaw at ang paligid. May mga pintuan at sa may bandang kanan na pintuan kami nagtungo. Pagpasok namin ay malaking screen sa kanang bahagi ng kwarto ay mga speaker sa paligid ang bumungad samin. May malaking red round couch at malaking rounded table din na nasa gitna nito.
"Jusko, buong bahay na namin ito eh." namamanghang sambit ni Ren. Napabaling naman ako sa kaliwang bahagi ng kwarto at nakasabit doon ang iilang frames ng ibat ibang kuha ng litrato. Mapa dagat, Eiffel tower, at bird's eye view na parang galing ito sa pinakataas at sakay ng kung ano at kinuhanan ng litrato ang siyudad sa baba.
"Ate Z, D'you like Strawberry juice?" Tawag sakin ni Irah na nasa pinto.
"Sige," gusto ko mang banggitin kung meron ba silang banana juice (which is di ko sure kung merong ganon) ay di ko nalang tinuloy. Demanding pa ba ako?
"Hindi ka ba uupo?" Tanong sa akin ni Ren na nakaupo na sa couch at nasa kamay niya na ang remote, naka on na pala yung screen. Umiling lang ako sa kanya at lumapit sa pagtitingin sa mga litrato. Wala naman kasi akong gagawin don kasi hindi naman ako iinom. Hindi rin naman ako kumakanta, mas trip ko pa ang mag sight seeing ng mga litrato dito na parang kuha sa mga tanawing hindi mo araw araw na nakikita.
Nang matanaw ko ang isang frame na ang pinaka dulo na sa lahat at ang hindi mo agad na mapapansin na litrato sa lahat ay natitigan ko ito ng ilang saglit. Kalahati lang kasi ng mukha ng babae ang kuha doon. Hanggang dulo ng ilong hanggang leeg lang ang kuha, black and white ang natatanging kulay at napakaganda ng ngiti ng babae sa litrato. Sayang at halata namang magandang babae iyon pero putol ang kuha.
Pagkatalikod ko ay siyang pag angat ng tingin sakin ni Irah na nakatayo di malayo sa likod ko. Tiningnan niya ang mga litrato bago ibinalik ang tingin sakin at ngumiti.
"Ang gaganda ng kuha," sambit ko.
"Hmmn," tumango siya at sinulyapang ulit ang mga litrato "One of Luciel's arts." tila proud niyang sagot.
"Oh,"
Bago ko pa mapigilan ang magtanong ay nagawa ko na. "Sino yung babae?" Siya lang kasi ang natatanging tao na nakuhanan at ang may pinakamalaking frame dahil halos lahat ay tanawin at kung ano ano lang.
Natigilan pa si Irah na parang nag aalangang sagutin ako. "Ah– uhmm. That's.. his fiancé,"
"Oh," sa pangalawang pagkakataon ay pagkamangha ang naramdaman ko. Akalain mong naiinlove rin pala yung supladong iyon.
Umupo nako sa tabi Christie at naki kain na sa mga naihandang pagkain at ng sarili ko na ring inumin. Hindi ko na rin namamalayan ang oras at nakikitawa nalang ako sa kanila habang naghaharutan at kumakanta. Ang ingay ng bestfriend ko at halatang nalalasing na dahil nagsasabayan sila ni Irah sa pagsayaw at malalaswang paggiling. Si Christie naman ay tawa ng tawa sa tabi ko, halatang nalalasing na rin ngunit matino pa rin naman.
Makalipas ang ilang oras ay umupo sa tabi ko si Irah at tinitigan lang ako. Nginitian ko siya at nginisihan niya naman ako.
Bumaba ang tingin niya sa tiyan ko at nagbago ang ekspresyon ng mga mata niya. "What does it feel like to be a parent? I mean soon to be,"
humagikgik siya.
BINABASA MO ANG
The Million Dollar Woman
RomanceZiaren's miserable life started since her mom delivered her into this world, and died right after she was delivered. Aside from growing she also realized that the changes of her father is worsening. Didn't miss nights without drinking and smoking. A...