Sa mga sumunod na araw inabala ko ang sarili ko sa trabaho pero habang tumatagal narerealized kona hindi ko sya makakalimutan kung lagi ko syang nakikita o naririnig. Kaya naman umabot ako sa puntong nag gawa ako ng resignation letter.
"Anak you can't just blow this opportunity!, madaming tao ang gusto magkatrabaho pero ikaw gusto mong mawalan?!"- sigaw sakin ni mama dahilan para mapahinto ako sa paglalakad.
"Ma, gusto kong mag explore ng iba"
"Timingin ka nga sakin"- she demanded which I obliged
"Anak anong problema? Sabihin mo sakin"- she said at lumapit sakin.
Hinawakan nya ang kamay ko at pinisil ito.
"Ma, mahal ko si Ava.."- halos mapiyok ako ng sabihin ko iyon kasabay ng pagtulo ng luha ko. "But things are very complicated Ma, and I can't bear to work or do things rightly kung malapit lang ako sa kanya.."
"Anak.. "
"Ma, hayaan mona po ako.."- I said at tinakpan ang mukha ko.
Walang imik na niyakap ako ni mama. Hinaplos nya ang likod ko na lalong nagpaluha sakin.
Kinabukasan pumasok ako sa kompanya.
Wearing my big fake smile. Walang nakakaalam ng gagawin kong pagreresign.Naupo ako sa pwesto ko at inayos na ang mga gamit ko.
Pagpatak ng alas otso nagdesisyon nakong umakyat sa pinaka main office nya.
"Pwede ko bang makausap si Ma'am?"- tanong ko sa secretary nya.
"Importante ba?"
"Oo e"
"Sige pumasok kana lang. Wala kasi yata sa mood si Ma'am"
Nilagpasan ko sya at tinungo and double door ng office nya. Binuksan ko iyon at pumasok.
Habang hawak ang resignation letter ko I approach her table quietly.
Mula sa binabasang papel nag angat sya ng tingin.
"Magandang umaga. Gusto ko lang ibigay ito"- sabi ko kasabay ng paglapag ng letter sa harapan nya.
Binitawan nya ang papel na binabasa nya at huminga ng malalim
"Sabihin mo sakin kung bakit ko tatanggapin yan?"
"Alam kong biglaan pero kagustuhan kong umalis"
"Is this because of what we've talked the other time?"
"Ava everything is not about you. I want to explore and start something new"
"I won't accept that"
"Accept it or not my decision is final. I will leave this place. Maraming salamat sayo"- sabi ko at yumuko ng kaunti bago tumalikod at lumakad palayo.
Hindi naman nya ako pinigilan. Pagkabalik ko sa sales department kinuha kona ang mga gamit ko.
"Aalis ka?"
"Bakit?"
"Tinanggal kaba ni Ma'am?"
"Its my own decision. Maraming salamat sa inyong lahat. Sana mag continue lang kayo dito"- paalam ko.
"Billie , ihahatid na kita"- sabi ni Alarson
"Wag na . Ayos lang ako. Maraming salamat"
Tuluyan na akong umalis at sumakay ng elevator.
Umalis ako sa kompanya at umuwi ako sa bahay. Dala dala ang gamit ko dumiretso ako sa kwarto at walang gana na naupo sa kama at tinakpan ang mukha ko.
BINABASA MO ANG
My Tutor was my Bully
Storie d'amore"You caused me pain and fear before.." - Billie whispered to the girl in front of her. "I-Im sorry.. I'm so sorry Billie"- she replied "It's okay... I love you anyway" Billie Dela Vega once a victim of bullying nuong sophomore year nya. But what w...