2 • Kiss

22 0 0
                                    

2 • Welcome Party

Kateryn's POV

Maaga kaming gumising para pumunta sa malapit na mall dito sa school. Basta weekend pwedeng lumabas ng school. Pero kapag weekdays, STRICTLY HINDI PWEDENG LUMABAS. May time limit din ang paglabas namin ng school. 8 hours lang. Pinapapirma kami sa isang log book para masigurado kung lumabas kami, at kung anong oras kami lumabas.

Hindi kami sinamahan ni Aisha dahil marami pa daw siyang aayusin sa schedule niya.

As usual, Si Ariana ang nagdrive.

@ The Mall

"Girls! Dun tayo pumunta oh!" sabi ni Belle sabay turo sa isang shop na puro magagandang dresses ang nakasabit.

"Sige sige!" pag-sang ayon ko.

Pumasok kami at nagkanya-kanyang pumili ng mga dress na isusuot namin mamayang gabi. 7:30 PM ang Welcome Party.

"Kateryn! Bagay mo yan ah! Yan nalang isuot mo, Promise! Ang ganda!" sabi ni Ariana pagkatapos kong isukat ang damit.

Binayaran ko na ito at nabayaran na din nila ang mga napili nila.

"Ano? Dun naman tayo sa shoe shop." sabi ni Belle. "Sige sige! Ayun oh!" sabi naman ni Ariana.

Pagkapasok namin agad na pumili kami ng mga stilletto heels na bagay sa color ng napili naming damit.

Agad akong nakapili. Agad rin silang nakapili kaya lumabas na kami at kumain muna.

~^~^~^~^~^

Tanghali na nang makauwi kami sa dorm.

"Girls, Gusto niyo punta tayo sa baba?" yaya sa amin ni Aisha.

"Sige sige!" sabi ni Belle.

Bumaba kami at naglakad lakad lang...

Sa kalagitnaan ng paglalakad namin... Nakasalubong namin ang grupo ng mga lalaki... Gwapo, Cute, May dalawang matangkad at... Mukhang gangsters...

"Bro, Sure ka ba sa plano mamaya?" tanong nung isang lalaki dun sa lalaki sa harap nila...Hindi ito sumagot, Tinignan niya lang ito ng masama.

Nung malagpasan na namin sila.. Dun na kami nambato ng kung anu-anong tanong kay Aisha.

"Aisha, Sino yung mga yun? Bakit mukhang mga gangsters sila..." sabi ko.

"Sila yun. Sila ang school gangsters. Yung lalaking nangunguna sa kanila kanina, Yun ang leader nila, Si Blaze... Cute siya di ba?" tanong niya. Tumango naman si Belle. Medyo siniko ko siya dahil ayan na naman ang pagka-honest niya hahaha. I Mean, totoo naman na gwapo sila eh. "Dahil sa kacute-an niya hindi halata na siya ang leader ng gang nila. Actually, magkamukha sila ng leader nung kalaban nilang gang eh. Confusing ang mukha nilang dalawa kapag nakita mo sila." dagdag niya.

"Ahh... Okay yun ah. Mamaya magkapalit sila ng gang eh. Hahahaha." tumingin lang kami kay Belle na naka-bored look. Haist, kahit kelan di kumukupas ang pagka-corny nito eh... Nonsense ang mga sinasabi.

Napagod na kami sa paglalakad kaya saglit kaming pumunta sa cafeteria para magmeryenda...

"Ito na ang order niyo..." sabi nung waitress.

"Thanks po ate." naka-ngiting sabi ko.

"Welcome." sagot naman niya...

Sa kalagitnaan ng pagkain namin...

"Girls! Dalian niyo kumain! Tara na!" sabi ni Aisha sabay tayo...

"T-Teka, Marami pang pagkain oh... Ubusin muna natin. Sayang eh. Dito muna tayo." kalmadong sabi ni Ariana sabay pinaupo si Aisha.

"Kasi nandiyan na si---"

"Umalis kayo rito."

napatingin kami sa taong nagsalita... Nanlaki ang mata ko nang malaman kung sino sila... Yung mga gangsters na nakasalubong namin kanina... Tsk. Argh! Mapapaaway kami neto eh... Kasi si Ariana, ayaw niya ng mga disrespectful, kayang-kaya niyang upakan ang mga kaaway niya mapa-lalaki man o babae...

"Bakit naman kami aalis?" sagot ni Belle sabay tayo at nag-cross arms.

"Pwesto namin to e. Kaya, pwede ba?! Umalis na kayo!" sabi naman ung isang lalaki sabay hawak sa braso ni Belle. Napa-aray si Belle dahilan para mapatayo si Ariana...

At ano pa nga ba ang ine-expect namin?

"Bitawan mo ang kaibigan ko." sabi ni Ariana.

Nagsimula nang magbulung-bulungan ang mga tao sa paligid. Parang nagugulat sila sa mga nangyayari.

"Teka, Gusto mo ba hawakan din kita Babe." bulong na sabi nung isa, May eyebugs pero gwapo pa rin. Gangster na gangster ang outfit eh.

"Pwede bang tumigil na kayo?!" sigaw ko sabay tayo. So ang eksena ngayon, nakatayo na kaming lahat. Except sa mga taong nakapaligid, wala silang pakealam.

"Babe, Ano? Gusto mo ikaw hawakan ko?" ulit na tanong nung lalaking may eyebugs.

"Ayokong hinahawakan ako ng mga taong pangit katulad mo." sabi ni Ariana.

"Aawwwwww... Sabog!" kantyaw nung mga tao.

"Aba! Lumalaban ka?" tanong nung lalaking may eyebugs.

Imbes na sagutin ni Ariana ang tanong niya... Kinuha ni Ariana ang isang paperplate na may lamang spaghetti at binuhos sa ulo nung lalaki.

"Tara na girls." sabi ni Ariana... Nagmadali kaming naglakad palabas ng cafeteria. Kinakantyawan ng mga tao yung lalaki... Ngunit, napatigil sila nang...

WHAT?!

Nanlaki ang mga mata ko sa nakikita ko ngayon...

Hinawakan nung lalaki yung braso ni Ariana dahilan para mapatalikod siya at hinalikan siya nung lalaki.

"Ayiiiiieeee!" kantyaw nila ulit..

Hinatak ni Belle si Ariana dahilan upang matigil ang halik. Nang binitawan na ni Belle si Ariana, Hinarap niya yung lalaki at sinipa-sipa hanggang mapatumba. Halata namang hindi lang pinatulan nung lalaki si Ariana eh.

~^~^~^~^~^

Ariana Gabriella Park on the multimedia!

Pienry High SchoolTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon