POLAROIDS

56 1 3
                                    

Bella's POV

I love taking Polaroid Pictures, because for me there are some memories that should be cherished with the help of Polaroids. After the games I decided to go home and focus on finishing my assignments. I removed my make up, showered and brushed my teeth, I may not be that smart but at least I have good hygiene.

I started to answer all of the questions from Sir Tom our science teacher. I am a good communicator, leader and writer but when it comes to Science and Math I tend to fail. Mahirap na nga yung assignment naubusan pa ng tinta pen ko, buti nalang marami akong spare sa cabinet ko na puno ng basura or let's just say na mahilig ako mag keep ng things na walang dulot.

I opened the cabinet and saw a box with glitters and tiny ribbons. I know that this is the box that I made 7 years ago, so I opened it and saw all the pictures that my parents took from my first day of school up to grade 6, pero since busy na si Mom managing our businesses and si Dad naman busy na sa pagiging Principal ako na ang kumukuha ng pictures ngayon.

Then I saw a picture of Dylan and JC nung birthday ni JC sa bahay nila, grade 4 palang kami nito hahaha ang bata pa nila. And....What? Ano to? May picture pala kami ni Dylan nung grade 2 and wait I
remember na, kaya may bear ako sa picture na to kasi Dylan gave me a cute brown teddy bear, well hindi dahil gusto niya, ako lang kasi yung nabunot niya sa Christmas party namin nung grade 2 kami kaya may gift siya saakin. And hindi lang yun naging
seat mates din kami ni Dylan, and I remember na mahilig kami mag lokohan nun like I will tell a joke tapos hindi siya tatawa kasi mapapagalitan kami pag narinig na nag lolokohan kami during math class.

Oh it's a picture of me and Pat. I remember na crush naming dalawa ni Pat si Dylan nun, pero Pat is a good friend of mine. Hindi naman talaga dapat mag aaral sa Gospel Christian School si Pat but when she saw me playing sa canteen nakipag laro siya saakin, palagi siyang andun kasi Aunt niya yung manager ng school canteen. Sa sobrang close namin grade 4 palang nag skip na kami ng math class and deretso kami sa canteen bibili ng snacks then tatambay kami sa CR hahaha hindi kami nandidiri no choice kami outcasts kaming dalawa nun, well kasi may pag ka masama kami hahaha.

Wow! A rare picture of me and Isabelle. I remember this picture was taken 2 days before umalis si Isabelle papuntang Manila to study there kasi may important business si Mom niya doon. Nakakainis siya kasi may pa kanta kanta pa kami sa libreng magic sing sa Mall ng "Pangako" by Regine Velasquez tapos 2 days after nun tumawag yung Mom niya sa Mom ko na aalis na sila. But I'm so happy that Isabelle came back, hindi din siya tumagal dun and bumalik na agad after 1 year.

Wait, another picture of me and Dylan pero this time with our drawings. Mahilig mag drawing si Dylan before sobrang galing niya pero hindi ko alam kung anong ngyari bakit siya tumigil, baka kasi masyado na siyang naka focus sa basketball. Bella, stop. Stop smiling kasi iba na yung Dylan ngayon sa Dylan na kilala mo noon.

Iba na yung mga gusto niya, like before ang favorite
color niya is orange ngayon red na. Wait, paano ko nalaman? Arghhhhhhhhhh! Basta kailangan mo na siya kalimutan ulit, may Jen na siya and she's so pretty malamang ma iinlove talaga si Dylan.
Bella, maganda ka din siyempre pero hindi sapat para sa isang Dylan Alvarez.

Find someone new, forget Dylan.

WAITING FOR YOUWhere stories live. Discover now