~

17 1 0
                                    

Ellisha's POV

Monday na naman. Ugh, I really hate Mondays. And for the nth time, malapit na akong ma-late. Traffic pa naman papuntang UST.

9:00 am class ko, 8:30 na nasa bahay pa din ako. Malapit na ako ma-bingo ni Sir Cruz. Major subject ang hawak niya, shit kailangan kong grumaduate on time. Kailangan ko maka-graduate at maging ganap na Engineer.

10:00 na ako dumating sa school. Hindi ko na naabutan yung klase niya, pero pag-open ko ng cellphone ko, nabasa ko text ni Len sakin.

"Isha, wala si Sir Cruz."

Good timing. Thank you Lord.

Habang naglalakad papunta sa Dean's office, kamalasan-malasang may nakabunggo sa'kin.

"Ano ba? Bulag ka ba?!" Sigaw ko habang dinadampot ang nahulog kong gamit.

"Sorry." Nanlamig ako ng marinig ko ang boses ng nakabangga sa'kin.

Shit, tangina naman.

"Sa susunod, tumingin ka sa dinadaanan mo para di ka makasakit." Bulyaw ko kay Neo. Ang ex ko na cheater.

Aalis na sana ako pero hinigit niya ang braso ko.

"Ellisha, mag-usap tayo please" Pagmamakaawa niya.

"Wala na tayong dapat pag-usapan Neo. Tapos na tayo." Sagot ko sabay alis. Nagmamadali ako dahil ayaw kong makita niya na hanggang ngayon, masakit pa din at apektado pa din ako.

Tangina, okay na ako eh. Tanggap ko naman na, bakit kailangan niya na naman ako kausapin? Para ano? Para ipamukha na nagawa niya pa din ako lokohin kahit 5 taon na kami?

Nandito na naman ako sa CR, umiiyak. Wala na akong pakielam kasi mas kailangan kong umiyak ngayon. Naalala ko na naman kung anong nangyari 6 months ago.

Flashback
6 months ago

I'm so excited! 5th Anniversary na namin ngayon. And plano ko na surpresahin siya. Papunta na ako sa condo niya dala ang favorite niyang cake at wine. Mukhang busy ang Architect ko kasi kagabi pa walang paramdam, hindi pa niya ako nababati this day, kaya nagpasya ako na puntahan na lang siya.

May duplicate naman ako kaya nabuksan ko agad ang pinto. Nakakalat pa yung materials niya sa paggawa ng plates.
Mukhang napagod nga siya kakagawa ng plates.

Inayos ko na yung cake. Sinindihan ko na din ang kandila. Dahan-dahan akong naglakad papunta sa kwarto niya, bago ko pa pihitin ang door knob, nakarinig ako ng ungol.

"Ugh" Wait? ang aga pa nanonood na ng porn si Neo?

"Ugh, Neo, Yes baby, fuck me more"

Para akong nabingi sa narinig ko, tangina? Nananaginip ba ako?

Dapat umalis na ako, pero mas pinili kong tignan kung ano yung nasa loob. At pagbukas ko ng pinto, nahulog ko ang cake na dala ko.

Well, guess what? Yung bestfriend niya na babae, at si Neo nasa kama, parehas hubad. At nakapatong pa yung babae sa boyfriend ko.

"Putangina! Ano 'to Neo? Putangina mo naman" Wala na akong ibang nagawa kundi umiyak.

"Babe, let me explain." Sagot niya habang nagsusuot ng boxer.

"Putangina. Anong let me explain? Ano sasabihin mo? Lasing ka? Kaya nangyari? PUTANGINA NEO ANG ALAK SA TIYAN DINADALA HINDI SA TITI" Sigaw ko habang sinusuntok ang dibdib niya.

"I'm sorry babe." Sagot niyang umiiyak.

"Wow, you have the guts to cry in front of me? Pagkatapos mong mang-kama ng iba, iiyak ka? Tarantado ka pala eh. Ganda naman ng regalo mo this Anniversary natin." Sagot ko sakanya habang pinupunasan ang aking luha.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 13, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Hanggang sa DuloWhere stories live. Discover now