Geo's POV
4 years earlier. Year 2016.
Nakaupo ako sa isang mahabang bench sa ilalim ng isang matandang puno habang hawak ang sketch pad ko at isang lapis. Tanaw mula rito ang buong paligid at ang mga taong dumadaan. Payapa ang paligid at tanging hangin, mga ibon, at mga taong nag-uusap lamang ang maririnig.
Napabuntong hininga ako dahil kahit na gano'n ay wala akong maisip na iguhit.
Dito ako nagpupunta para mag-drawing para tahimik pero parang lalo akong hindi makakuha ng inspirasyon. Para bang may hinahanap ang mga kamay ko na hindi ko malaman kung ano...o sino?
Itinaas ko ang kaliwa kong kamay na siyang may hawak no'ng lapis saka 'yon tinitigan.
"Ano ba'ng problema mo? Bakit hindi ka makapag-drawing nang kahit ano? Naubusan ka na ba ng talent ha?" pagkausap ko sa sarili kong kamay.
Siguro nababaliw na 'ko dahil kinakausap ko na ang kamay ko, pero desperado na kasi akong makaguhit ulit. Isang buwan na rin yata akong hindi nakakapag-drawing nang maayos. Hindi ko nga alam kung ano'ng nangyayari sa 'kin e. Am I losing my passion?
Napatingin ako sa mga taong naglalakad sa harapan ko at lahat sila ay tinitingnan ako na may pagtataka. 'Yong iba ay bumubulong pa sa mga kasama nila. Malamang na-weird-uhan sila dahil sa pagkausap ko sa kamay ko. Sino ba namang matinong tao ang kakausapin ang sarili niyang kamay?
I awkwardly smiled at them bago ko ibinaba ang kamay ko at yumuko sa sketch pad ko dahil sa kahihiyan. Nagpanggap akong nag-d-drawing do'n at nang makaalis na sila ay saka ko lang itinigil ang ginagawa ko.
I sighed deeply again. "Ano ba'ng dapat kong gawin para magbalik-loob sa pagse-sketch?"
Napatingin ako sa babaeng naupo sa kabilang bench 'di kalayuan mula sa 'kin. Mahaba ang buhok niya at may full bangs din siya. Itim na itim ang kulay ng kaniyang buhok that complimented her looks more.
Nakayuko siya noong una pero maya-maya lang ay tumunghay siya at tumingin sa kawalan. Mukhang malalim ang iniisip.
Hindi ko alam pero parang may sariling isip ang katawan ko. Bahagya kong ipinaling ang katawan ko sa direksyon niya. Itinaas ko rin nang bahagya ang sketch pad ko at nagsimulang iguhit 'yong babaeng nakaupo.
Side view lang niya ang naiguguhit ko mula sa anggulo ko pero napapangiti ako. Para bang siya na 'yong matagal nang hinahanap ng kamay ko para iguhit.
Iginuhit ko nang maayos ang buhok niya. This is one of the best parts of her looks, so this needs to be perfect.
Nang tumunghay ulit ako ay nawala ang ngiti sa labi ko nang hindi ko na siya makita. Inilibot ko ang paningin ko sa paligid pero hindi ko na siya makita pa. Bigla na lang siyang nawala nang hindi ko pa natatapos ang dino-drawing ko.
Nang tingnan ko ang sketch pad ko ay muli akong napabuntong hininga. Ulo lang niya hanggang sa balikat ang naiguhit ko.
"Sayang, hindi ko natapos," bulong ko. "Sana makita ko ulit siya."
Muli kong tiningnan 'yong bench kung saan siya nakaupo kanina at napangiti na lamang.
•••••••
3 years after. Year 2019.
"Hello?"
["GEO, NASA'N KA BA?!"]
Nailayo ko sa tainga ko 'yong cellphone ko sa lakas ng sigaw na 'yon sa 'kin ni Mama.
"Ang lakas talaga lagi ng boses niya," tatawa-tawa kong bulong saka muling itinapat 'yong phone sa tainga ko. "High blood ka na naman. Hindi ba sabi ko sa inyo, 'wag kayong masyadong magagalit at sisigaw? Tumataas ang BP niyo, nakakatanda 'yan."
BINABASA MO ANG
Reach The Stars (EDITING)
Romance[Old title "Tears Of Heaven"] There's never a story to be told when things just come together; it's just the story of what happens around them in this silence where she lives. He was an artist. He has an amazing gift. He could see shades within shad...