Chapter 2: Meeting Her

361 10 0
                                    

Na-estatwa ako sa kinatatayuan ko. Sa sobrang gulat ko ay hindi ko magawang makapagsalita.

Pinagmasdan ko ang kabuuan ng mukha niya. Maamo pala ang kaniyang mukha. Parang sa isang anghel. Napansin ko rin na wala na siyang bangs. 'Yong mahaba niyang buhok ay hanggang balikat na lang niya. Kahit side view lang niya ang nakita ko noon ay masasabi ko pa ring walang ipinagbago ang kaniyang mukha, bukod sa buhok niya.

Napabalik ako sa reyalidad nang bigla siyang nagkukumpas ng mga kamay niya, like she's talking to me through her hands and facial expressions, but I couldn't understand it.

Wait! Was that...a sign language?

"A-Are you...deaf?"

Tinitigan niya lang ako na para bang sinusubukan niyang intindihan ang sinabi ko.

Right, if she's deaf, she wouldn't hear me. How stupid of me.

Inayos ko ang pagkakaupo ko saka tuluyang humarap sa kaniya.

I extended my hand, placing my thumb on my palm and then moving my hand up to my ear.

It was a sign language for...

"Hello!"

Kita ko ang gulat sa mukha niya nang gawin ko 'yon. Mukhang hindi siya makapaniwala na alam ko 'yon.

That's when I also confirmed that she's really deaf.

Katulad nang ginawa ko kanina ay ginawa niya rin 'yon sa 'kin.

"Hello!" Sagot niya sa sign language.

I just gave her a smile.

Maya-maya ay nagsimula na naman niyang ikumpas ang mga kamay niya kasabay ang facial expressions niya. Wala akong naintindihan sa mga sinabi niya dahil bukod sa masyadong mabilis 'yon ay wala naman talaga akong alam sa sign language kundi 'hello' at 'sorry' lang. I think it was a wrong move of me. She expected na marunong ako sa sign language.

"Okay, okay. I hear you." Saad ko.

Napabuga ako ng hangin. Hindi niya nga pala 'ko maiintindihan.

I closed my hand and placed it on my chest. Gumawa ako ng bilog sa may dibdib ko gamit 'yon.

"Sorry." I said in a sign language.

Mukhang nagtaka siya sa sinabi ko dahil sa reaksyon niya. Napabuga naman ako ng hangin saka kinuha ko ang sketch pad ko at nagsulat doon saka ipinabasa sa kaniya 'yon.

'Sorry, hindi ko talaga alam mag-sign language. I only know 'hello' and 'sorry.'

Nang tingnan niya ulit ako ay mukhang disappointed siya. Mukhang umasa talaga siya na marunong ako sa sign language.

Napabuga ako ng hangin, not because of her condition but because of me. Hindi ko dapat siya pinaasa.

Sumulat ulit ako ro'n sa sketch pad ko. Pansin ko naman na mukhang pinapanood niya 'ko sa ginagawa ko.

Nang matapos kong maisulat 'yon ay muli ko 'yong iniharap sa kaniya na binasa naman niya agad.

'I'm really sorry about that. Hindi ko intensyong paasahin o insultuhin ka. Gusto ko lang sanang batiin ka sa paraan na alam kong mas maiintindihan mo, and nagkataon lang na alam ko 'yong dalawang salitang 'yon sa sign language. Anyway, I wanted to show you something, if that's okay with you.'

Tiningnan niya muli ako matapos niya 'yong basahin. Marahan niyang iniyuko ang ulo niya sa 'kin.

"Okay?"

Itinaas ko pa 'yong hinlalaki ko for a sign. Tumango rin naman siya bilang sagot.

I smiled bago ko binuklat 'yong sketch pad ko at hinanap 'yong sketch ko sa kaniya 3 years ago. Nang mahanap ko 'yon ay ipinakita ko agad 'yon sa kaniya.

Reach The Stars (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon