A/N:
Trailer/Teaser on the side ---------------------->
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Prologue
'Ah taba!'
'Ah taba!'
'Ah taba! Taba!'
"T-tama na! Huhuhu!" Iyak ng isang batang lalaki nasa limang taon ang edad na nakasiksik sa sulok habang pinapaligiran ng iba pang bata.
'Ah taba!'
'Ah taba!'
'Ah taba! Taba!'
"Huhuhuhuhu! M-Mommy! D-Daddy!" Pag tawag ng bata habang iyak ng iyak.
Nakasubsob lang ang ulo ng batang lalaki habang umiiyak. Maya maya lamang ay pahina na ng pahina ang pang aasar sakanya hanggang sa wala na siyang marinig. Napaangat ang ulo ang batang lalaki at doon nakita ang isang kasing edad na babae na tinulak palayo yung mga nang aasar na bata.
"Subukan niyo pa siyang asarin lagot kayo sakin!" Sigaw ng batang babae at sinamaan sila ng tingin.
Natakot naman ang mga bata at nag si alisan. Nakatingin lang ang batang lalaki sa batang babae na nag ligtas sa kanya. Napalingon naman ang batang babae ng biglang tumayo ang batang lalaki.
"Are you okay?"
Tumango lamang ito.
"Asan ba mga kaibigan mo? Bat hindi ka nila tinutulungan?" Tanong nung batang babae.
"Wala akong kaibigan." Nahihiyang sagot ng batang lalaki habang nakayuko.
Madalas mag isa ang batang lalaki kaya lagi siyang binubully ng ibang bata.
"Edi from now on mag kaibigan na tayo!" Tuwang sigaw ng batang babae. Tila naman nag liwanag ang mukha ng batang lalaki sa kanyang narinig.
"Talaga?"
"Yup! Ako na ngayon ang bago mong best friend! At wag ka mag alala wala ng mang aaway sayo." Sabi ng batang babaeng masiyahin.
"I will protect you from now on." Sabi ng batang babae. Napangiti naman ng malapad ang batang lalaki.
And that's where our friendship started......
BINABASA MO ANG
Being The Playboys Bestfriend (Completed)
General FictionSabi nila pag mag bestfriend daw ang lalaki at babae in the end maiinlove din sila sa isa't isa. Eh pano kung lima ang bestfriend ko? Ano yun? Lahat sila maiinlove sakin? Tapos ako maiinlove sa kanilang lahat? Hay nako! Basta isa lang ang sig...