Ella's POV
Naglalakad ako sa isang kwebang madilim. Field trip kasi namin. Katabi ko si Tammy. "Tammy nasaan na ang barkada?" ako.
"Tayo nalang ang natitira dito. Nakain na sila.." nanginginig-nginig niyang sagot.
Kumapit siya sakin ng mas mahigpit. Takot na takot kami. Ang dilim-dilim dito sa kweba.
Tahimik kaming naglalakad nang may bigla akong natapakan na plastik, kaya syempre may tunog.
Sa tunog na yun, may narinig kaming nag "ruwawr." husky ng boses.
Unti - unti kaming napanganga sa aming nakita. "TAKBOO BEEEES!!!" sigaw namin habang tumatakbo ng magkahawak-kamay.
higanteng halimaw ang humahabol sa amin. Umiiyak na kami sa takot...
May naririnig akong bulong.."Ella, Ella" kaninong boses yun?
Lord, hindi pa po ako handang mawala sa mundo.
"Ella, Ella" sa ganitong pagkakataon, medyo lumakas boses niya. T-teka, boses ni Tammy yun ha.
"ELLAAAAAAAA!"
"WAAAAAHHHHH!" napabuntong hiininga ako pagkatapos kong sumigaw. *gulp
Panaginip lang pala.Wooh!
"Bes, are you okay?" Tammy. Hinahaplos niya pa yung buhok ko. Sweet!
"O-okay lang ako."
"Nanaginip ka na naman yata." nagsmirk siya
"Di ba obvious?" inirapan ko siya ng nakangiti.
"Tubig oh. Inumin mo." sabay abot niya sakin ng tubig.
"Alangan namang kainin ko diba? Pfft! Hahaha!" I have a point.