Too Late... (One-shot story)
All rights reserved.December,08.2014
***********************
"Uy Raven sorry na! Hindi ko naman sinasadya eh..patawarin mo na ako..please, please, please, Raven.." nag-mamakaawang sabi sa akin ni East.
"Hmmph. Galit pa rin ako sa'yo."
"Hindi ko naman yun sinasadya eh! Huy sige na kasi! Sorry na. Please forgive me my dear Raven.."
"Ahh basta di kita mapapatawad sa ginawa mo!"
"O sige na! Ako na ang may kasalanan. Sorry kasi hindi kita tinirhan ng lunch mo! Na-gugutom na talaga kasi ako eh kanina. Tapos menudo pa ulam mo. Alam mo naman na favorite ko yun eh. Sorry na hmm? Please forgive me na, ah? Ipagluluto nalang kita ng ampalaya na may itlog bukas..patawarin mo lang ako.." Sabi uli ni East na sobrang nag-mamakaawa with matching pout at pa-cute na eyes.
"Eh ano pa bang magagawa ko? Ginamit mo na ang secret powers mo eh. Oh sya forgiven kana. Bati na tayo."
"Talaga?? I'm forgiven nah? Yehey! Thank you! Thank you Raven ko!"
"Pero tuparin mo na ipagluluto mo ako ng ampalaya ha? Alam mong favorite ko yun! Basta Beast ah? Yung ampalaya ko. Kung hindi, di uli tayo bati!"
"Yes boss! Sasarapan ko syempre ang iluluto kong ampalaya! Para yun sa Raven ko eh! Yehey! Bati na uli kami ni Raven ko! I love you Raven!" sabi ni East ng tuwang-tuwa
"Hindi rin kita mahal..hahahaha"
"Awww..She loves me too!"
"Sabi ko hindi kita mahal!"
"Alam ko, kasi nga mahal na mahal mo ako. Yiee kilig pwet siya. HAHAHHAHA."
"Ah basta di kita mahal!"
"Love you too, Raves. I love you too"
"Tara na nga sa room ma-late pa tayo eh.."
"Sige na nga. Baka dagain pa tayo sa ka-sweetan natin eh! Ang mahuli sa room...mang lilibre ng MilkTea!" sabi ni East sabay takbo ng mabilis
"U-uy Beast hintay! Ayaw kong mang-libre. Wala akong pera!"
"Raven yung milk tea ko Cookies n' cream,100% sugar level,at ang toppings ay nata de coco..hahaha Yes!Magkakamilk Tea ako!"
"Huy Beast!"
At tuluyan nang nahuli ako papuntang room.
*sigh*
Ang sweet namin noh? Pero nag-kakamali kayo.
Hindi kami mag-kasintahan ni Beast--este--East. Mag-bestfriend lang kami.
Maraming nag-sasabi na meant to be,bagay kami, perfect couple kami ni east. Pati mga magulang namin boto sa amin eh.
Pero duh! Ako maiinlove sa mukhang halimaw na bestfriend koh? Syempre hindi! Hindi kami talo ni East.
Wala pa naman akong natitipuhang lalake kasi naman pag-aaral lang inaatupag ko at dahil na rin sa walang lalakeng lumalapit sa akin dahil super overprotective ang aking mapag-mahal na bestfriend.
Siya naman? Hindi rin siya inlove sa akin. Never. Bakit ko nasabi? Kasi ang nasa puso niya lang naman ay si Kenna. Ang childhood friend namin na nag-migrate sa London.
Bata palang kasi kami nang mag-kakilala kami tatlo. At bata palang kami,iba na ang pag-tingin ni East kay Kenna.
Kaya simula nung umalis si Kenna, East swear na hihintayin niya si Kenna no matter what. Na hindi siya mag-mamahal ng ibang babae bukod kay Kenna kaylanman.