5 years later
Limang taon na ang nakalipas mula ng dinala ni Ate Diana si Drake sa Scotland. Isang taon Simula noon ay nawalan na siya ng balita sa kasintahan. Nasa harap siya ng altar ng simbahan at nagdarasal. Ipinapanalangin niya na sana ay maayos lang ang kalagayan ng kanyang kasintahan. Matapos magdasal ay lumabas na siya ng simabahan.
"Mommy mommy ang tagal mo naman." Sambit ni Sandy. Ang isa sa kanyang kambal. Lumapit siya rito at niyakap.
"Sorry baby nagdasal pa si mommy." Sabi niya.
"Anong pinagdasal mo mommy?" Tanong naman ni Dylan. 4years old na ang kanyang anak. Malusog at maganda. Kuhang kuha nito ang mata ng ama nito ganoon din si sandy. Ang isa pa sa kambal niya.
"Pinagdasal ko ang daddy niyo." Sabi niya.
"Talaga mommy? Kailan kaya namin makikilala si Daddy?" Tanong ni Sandy.
Na tahimik siya. Hindi niya alam kung kailan.
"Sandy wag ka ng magtanong. Nalulungkot si mommy." Sabi ni Dylan. Nakangiti siya at niyakap ang mga anak niya. Kung wala ang mga ito ay baka hindi na niya nakayanan ang lungkot.
"Don't worry mga anak. Babalik rin ang daddy niyo." Sabi niya.
"Yehey. Gusto ko na siyang makilala." Sigaw ni sandy. Habang tahimik lang si Dylan.
"Tara na. Hinihintay na tayo ng polo at Lola niyo." Sabi niya at pinaandar ang kotse nila.
-
Masakit ang ulo ni Drake na nakatingin sa kawalan. 2 taon mula ng magising siya ngunit wala pa rin siyang alaala. Ang tanging alam niya lang ay siya si Drake Valmadrid. Isang mayamang negosyante. Bahagya niyang hinilot ang sintido.Sabi ng doctor ay may amnesia siya. Naaksidente siya sa pilipinas at napuruhan ang utak niya kung saan nandoon ang mga alaala niya. Dahil sa traumatic experience niya biglang ngshut down ang utak niya at nawalan ng alaala.
Tumayo siya para kinuha ng alak. Sabi ng ate Diana niya dapat ay maalala niya si Samantha. Ang kanya raw kasintahan na naiwan sa pilipinas. Hindi niya alam pero ng marinig ang pangalan iyon ay biglang pumuntig ng mabilis ang puso niya. Nilagok niya ang alak at tumingin ulit sa kawalan. Ilang linggo na siyang hindi makatulog mula ng sabihin ng ate niya na may kasintahan siya at anak na naiwan sa pilipinas. Ayaw niyang maniwala noong una pero sabi ng kapatid niya ay seryoso ito.
Bumuntong hininga siya ng malalim. Hindi niya alam pero parang may tumutulak sa kanya na pumunta ng pilipinas at alamin kung totoo ba ang sinasabi ng kanyang kapatid.
Humiga siya sa kama at pumikit.
Samantha who are you?
-
Nagising si Samantha dahil sa mahinang tawa at hagikgik ng anak. Dumilat siya at tinignan ang orasan. Alas siyete na ng umaga. Bumangon na siya para magluto ng almusal ng kanyang nga anak. Sa kasalukuyan ay nasa bahay niya sila ng mga anak niya. Kahit malaki ang mansyon ng magulang niya ay pinilit niyang bumukod dahil gusto niyang maging independent na magulang.Pumasok siya sa kusina at nadatnan niya ang anak na si sandy na nagtitimpla ng gatas. Kalat kalat ang asukal at gatas sa lamesa.
"Sandy baby, what are you doing?" Tanong niya rito. Si Dylan naman ay nakaupo lang at tinitignan ang ginagawa ng kapatid.
"I'm trying to prepare breakfast mommy." Sabi nito na nakangiti.
"She's hopeless mommy." Sambit ni Dylan na kinatawa niya. Sa ugali ng dalawa ng anak halatang nagmana si Dylan sa ama nito. Habang si sandy ay kaugali niya.
"Baby you're still young to do this kind of stuff. Let mommy do this." Sabi niya. Sumimangot ang anak niya. Nilapitan niya ito at niyakap.
"Don't be sad baby. Pag laki mo magagawa mo rin to ng maayos." Sabi niya. Ngumiti ang anak at yumakap sa kanya.
"Talaga mommy?" Tanong nito.
"Yes baby. Now seat there and let mommy do this things." Sabi niya. Tumango naman ang anak at sumunod sa kanya.
-
BINABASA MO ANG
His Damn Weakness (100DTMHFI book 2) Drake and Samantha *Unedited)
RomanceAn independant woman named Samantha who wants to have her man by giving herself to him, pero paano kung inlove si guy sa ibang babae? masasakatuparan niya kaya ang plano niya? A man who suitable to be a husband. Drake Valmadrid a man whose inlove wi...