step 1

3 0 0
                                    


"nay nay sabi ni Maam Katrina sa kanila daw po muna ako tutulong daw po ako sa bahay nila tapos mag aaralin nila ako"

"ganun ba anak"

Alam ko na nalulungkot nanaman si nanay
Kakagraduate ko lang high school mag cocollege na ko pero sabi ni nanay di na niya ako kayang pag aralin kaya nag hanap ako ng paraan.

Sayang naman lahat ng pinag hirapan ko nakagraduate ako ng high school with high honor kaya sobrang saya ko at nabalik ko lahat ng pag hihirap ni nanay

"nay ok lang po ba? Apat na taon lang po nay uuwi din po ako nay isang beses sa isang buwan"

"yan ba talaga ang gusto mo anak?"

" opo nay alam mo naman po na para saatin to lahat "

Mahirap lang kami maliit na kubo lang ang tinitirhan namin at tatlo kaming mag kakapatid maagang namatay si tatay kaya si nanay nalang bumubuhay saamin.

Kaya kailangan kong mag double kayod.

"cge anak susuportahan kita laging kang mag text anak sa kapatid mo para alam kung ok ka lang ha?

" opo nay maraming salamat po"

Sa kabilang bayan lang naman nakatira sila Maam Katrina pero medyo malayo na ito dahil sa bayan nila mas maganda at mas advance kesa dito saamin

Ang makikita mo lang ay ang napaka lapad na palayan
Mamimiss ko to

" ate ateeee aalis ka daw po sabi ni inay pano na po kami "

"Ikaw talaga anna saglit lang si ate ok? Alagaan mong mabuti si inay at mag aral lang mabuti"

Isa to sa mga mamimiss ko ang dalawa kong kapatid

Kaya mo to Amanda para sa kinabukasan FIGHTINGG!!

Inaayos ko na ang mga gamit ko
Hayysss ito na talaga maaga akong aalis bukas dahil bihira lang ang jeep na dumaan sa bayan kaya maaga akong aalis

"Anak ko mag ingat ka dun ah?"

"oo naman po nay wag po kayong mag alala saakin alalahin niyo po ang sarili niyo mag ingat po kayo lagi dito nay ah"

" ikaw talaga anak oo naman"

Ganito na siguro talaga ang buhay mahirap pero kakayanin

Tinignan ko ang text ni Maam Katrina saakin

Hi Amanda mag iingat ka sa byahe mo see you tom. :)

Ang bait bait ni Maam Katrina sana mabait din ang anak niya

Sabi saakin ni Maam Katrina anak daw niyang babae ang babantayan ko dahil nga only child lang gusto daw ni Maam Katrina na may kasama ang anak niya para di niya mafeel na lonely siya

Napaka sweet ni Maam Katrina

KINABUKASAN

"Nay wag na po kayong umiyak magigung ok po ako lagi po akong mag tetext kay anna"

"Anak ko mag ingat ka ok kumain ka sa namang oras at tumawag ka din saamin"

" opo nay, anna at ginie alagaan niyo muna si inay habang wala ako ha?
Mag ingat kayo lagi at mag aral ng mabuti"

" opo ate mamimiss ka po namin"

Niyakap ko sila nag napaka higpit

At tuluyan ng nagpaalam

Ang hirap hirap sumakay sa jeep punong puno at halos puno ng mga gulay para dalhin sa kabilang bayan

Pero masaya narin ako at onti onti ko ng natutupad ang pangarap ko

Halos inabot ng 1 oras ang byahe

Pag kababa ko ang daming tao

Ibang iba sa amin. Ang dami ding halos may kaya at maayos ang buhay

Samantalang ako ito simpleng tshirt at pantalon lang ang suot at halos apat na taon nag nasaakin .

Di naman ako makabili ng bagonh damit sayang naman ang pera

Kaya umaasa nalang kami sa mga binibigay saamin na damit.

"AMANDAAA iha halika dito"

Si Maam Katrina sinundo ako dito sa terminal
Napaka ganda niya at mabait din siya kaya di rin ako takot pumunta dito dahil alam kung mabait siya at parang nanay ko din siya napaka alaga niya.

"magandang umaga po Maam Katrina"

" iha halika na dito para makauwi na tayo. Kamusta pala ang byahe?"

"ok lang po Maam Katrina"

"nag paalam ka ba ng mabuti sa inyong inay?"

" opo Maam medyo nag kaiyakan lang po hehehe"

Napaka ganda dito halatang mayaman sila malalakinh bahay ang nakikita ko

Tumigil ung kotse at napatulala ako
Ang lako ng bahay nila may second floor at garden napaka linis rin.

"iha tara na ipapakilala kita sa kanila""

"ahh-ih opo "

Unang pinakilala saakin ni Maam katrina ay mga guard sobrang friendly nila

"iha ito naman si manang puring siya ang cook namin dito halos 10 years narin at sila marie at yumi naman ang taga linis at nag aasikaso ng bahay"

"hi po "

Ang dami palang kasama dito bat pa kaya ako kinuha ni Maam Katrina

Actually si Maam Katrina ang may ari ng lupain na pinag tataniman ni nanay

"Amanda iha dito naman ang kwarto mo kompleto na ang mga gamit na kailangan mo dyan. Next naman ay puntahan natin si Heart ang anak ko"

Excited na akong makita si Heart suplada nga lang ng konti pero ok lang

"Heart anak si Amanda kilala mo naman siya diba?"

"yes mon ,hi"

"hello mo Maam heart"

"naku iha heart nalang itawag mo sa kanya mag kaseng edad lang naman kayo"

Nginitian ko nalang si heart kaso inirapan lang ako

Bayan bat di siya nag mana sa mama niya

MismatchWhere stories live. Discover now