Hyejin's POV
*Pak!*
Malakas na sinampal ng pinsan ko ang lalaking kasama ngayon ng girlfriend ko.
"Ang kapal ng mukha mo!" sigaw ng pinsan kong si Lei sa lalaki at sinampal ulit ito. "Ang kapal ng mukha nyo!" baling naman nito sa girlfriend ko at dinuro pa ito.
"Lei, that's enough" hinawakan ko ito sa braso para kumalma.
"Enough?! Jin, naririnig mo ba yang sinasabi mo?" hindi makapaniwalang sabi nito sakin. "Magkasama ngayon ang boyfriend ko at ang girlfriend mo. At ang malala sa lahat, nahuli natin silang naghahalikan!" kita ko na ang ugat nya sa leeg dahil sa galit.
"I know" huminga muna ako ng malalim bago magpatuloy. "And that's the reason why you should stop already. Hindi mo na dapat pang pagtuunan sila ng pansin. Don't waist your time and effort, they are not worth it." nakaturo pa ako sa mga ito using my right thumb. Pagkatapos kong sabihin yon ay tumalikod na ako at nagsimulang maglakad paalis pero agad din akong napatigil ng may maalala. Humarap ulit ako sa dalawa. "Break na tayo." malamig na sabi ko sa ex-girlfriend ko bago hilahin palayo ang pinsan ko.
*Sigh*
What a day...
Nakakabingi ang katahimikan habang nagmaneho ako pauwi. Sumusulyap ako sa pwesto ng pinsan ko para tignan ang kalagayan nito. Muli na naman akong napabuntong-hininga.
"Lei" tawag ko sa kanya. Hindi ito sumagot kaya muli ko syang sinulyapan at nakita ko syang nakatingin sa akin. Ibinalik ko ang tingin sa daan bago muling nagsalita. "Ice cream?" tanong ko sa kanya.
"Hmm, why?" tanong nya.
"Baka sakaling gumaan ang pakiramdam mo kung kakain tayo non?" sagot ko naman.
"Sus, ayoko nga. Ikaw lang kaya ang mahilig sa ice cream. Favorite mo kasi yon kaya ka nag-aaya." sa tingin ko ay nakanguso sya nang sabihin iyon.
Bahagya naman akong napangiti. "Well, isa na rin yon sa dahilan."
"Bakit?" hindi ko naintindihan kung para saan ang tanong niya.
"Anong bakit?" nalilitong tanong ko.
"Bakit parang okay lang sayo? Niloko tayo ng dalawang yon. Bakit ang kalmado mo pa rin?" kahit 'di ako nakatingin sa kanya ay alam kong nakakunot ang noo nito.
"Hmm? Hindi ba't ganito naman talaga ako? Kailan mo ba 'ko nakitang mataranta at magwala?" bahagya pa akong natawa. "'Wag mong isipin na wala lang sakin yon dahil alam mong hindi totoo yon. Nasasaktan ako sa totoo lang pero anong mapapala ko kung aalalahanin ko yon ng paulit-ulit? Magmumukha akong tanga, ako lang ang magiging kaawa-awa." 'di ko namalayang nandito na pala kami sa tapat ng bahay. Pinarada ko ang kotse sa gilid ng kalsada, 'di na 'ko nag-abalang ipasok sa loob. Kay Lei naman yon at saka nakakatamad. "We're here" sabi ko sa kanya at naunang bumaba. "And Lei..." nilingon ko sya at kabababa nya lang ng sasakyan. Hinagis ko sa kanya ang susi ng kotse nya. "We are Guevarras. Did you forgot that already?" nagpapaalalang tanong ko pa sa kanya bago buksan ang gate at pumasok sa loob. Mabagal na naglakad ako palapit sa pinto dahil pakiramdam ko ay pagod na pagod ako. Pinihit ko ang pintuan at pumasok ng bahay.
*Pak!*
Fvck! Napamura ako sa isip ng makatanggap ako ng isang malakas na sampal pagkapasok na pagkapasok ko ng bahay.
"Oh my god, Arturo! Bakit mo sinampal ang anak mo?!" gulat na sigaw ni mom kay papa.
"What's the meaning of this?!" hindi nito pinansin ang pagsigaw ni mom. Tumingin ako kay papa at nakitang may hawak itong mga litrato. "Hyejin Guevarra Alvarez! Ipaliwanag mo sakin kung ano ang mga ito!" sabi muli nito. Walang emosyong tiningnan ko lang sya at hindi sumagot. Mukhang lalo itong nagalit ng dahil doon kaya hinagis nito sakin ang mga litrato. Naramdaman ko pa ang hapdi sa pisngi ko, nahiwaan yata nang tumama ito sa mukha ko. Tsk. Ibinaba ko ang tingin sa sahig para makita kung ano ang tinutukoy nya. Nang makita ko kung ano ang mga yon ay napangisi ako sa pagkamangha. Mga pictures namin yon ng ex-girlfriend ko, may magkayakap, holding hands, at meron pang nakahalik sya sa pisngi ko. Anak ka ng... Tingnan mo nga naman, nahuli ata ng dating ang mga ito.
"Ahh, eto po ba?" yumuko pa ako para pulutin ang isa sa mga litrato. "Pictures namin ng ex ko, pa. Yes, ex... kahihiwalay lang namin kanina." nakangiti ko pang sabi na ikinakunot ng noo niya, alam ko ang nasa isip nito. "And yes, pa. Bisexual po ako, I do like boys but I'm into girls." dagdag ko pa.
*Pak!*
Nakatanggap na naman ako ng sampal mula sa kanya. Mas masakit kumpara sa kanina.
"Arturo ano ba?! 'Wag mong saktan ang anak mo!" lumapit na samin si mom at niyakap ako.
"Anak?! Nagpapatawa ka ba Hayle? Wala akong anak na lalaki!" dinuro pa nito si mom.
"Don't" napatingin ito sakin nang magsalita ako. "'Wag mong duduruin ang mommy ko." malamig na sabi ko sa kanya.
"At talaga namang! Lumayas ka! Wala akong anak na tabingi at walang modo!" galit na galit na sabi nya sakin.
"Okay" sagot ko pa sa kanya bago tumalikod. Nabangga ko pa ang balikat ni Lei dahil nasa likod ko lang pala ito. Narinig ko pang tinawag nya ako pero patuloy lang ako sa paglakad.
"Hyejin, anak! Bumalik ka dito, anak saan ka pupunta?" hinabol pa 'ko ni mom pero mabilis akong nanakbo paalis.
Yeah, this is life. Ano pa bang bago, Hyejin? Kahit naman gawin mo ang lahat para sa papa mo ay hindi pa rin naman sapat diba? Malabo ring matanggap nya ang sekswalidad mo. Malabo.
.....