"Nagkakilala Tayo sa First floor Ng CAS, simula noon Hindi na Tayo mapaghiwalay. Sabay Tayo Halos Sa Lahat Ng mga Bagay Bagay. Lagi nila Tayong Tinutukso Kung Bakit Nga Ba Natin Sinasabing Hanggang Friends Lang Tayo. Siguro Nga Ayaw Lang Nating Umasa At Mawala Ang Ating Pagkakaibigan.
Summer Break Na noon at Nagsisiuwian Na Ang Mga Kasama Ko Sa apartment, Napagdesisyunan Ko Munang Hindi Umuwi Dahil Magsasummer Class Nga Lang Din Naman Tayo. Akala Ko'y Umuwi Ka Muna Sainyo, kaso Hindi Pala. Papalabas ako Sa Apartment noon Para Bumili Ng Pagkain Nang Nakita Kitang Nakatambay Sa Labas. Niyaya mo Akong Kumain, Nagkwentuhan tayo, nagtawanan, nagkaasaran, Pero Tuwang Tuwa Ako Sa gabing Iyon. Pagkatapos Nating Kumain, Niyaya Mo Akong Maglakad Hanggang Sa Makarating Tayo Sa Oval. Napakatahimik Na Ng Oval Noon At Iilan Nalang tayo Na nandun.
Nagkwentuhan ulit Tayo hanggang Sa Napansin Ko Na Ang Daming Bituin, Humiga Ako, Humiga ka Rin, Pinagmasdan Natin Ang Mga Bituin, Kumanta Ka At Nang Natapos Mo Na Ang Kanta, alam Kong Pinagmamasdan Mo Ako.
Tinanong kita kung Bakit Mo Ako Tinitignan, Hindi Ka Nakapagsalita, Hinawakan mo Ang Kamay Ko At Mga Ilang minuto Di Na Katahimikan Mula Sa Ating Pagitan. Umupo Ka At Ako Pari'y Nakahiga. Hinalikan Mo Ang Aking Kamay At Ipinatong Mo Sa Dibdib Mo, Tinignan Mo Ako Ng Deretso Sa Mata At Sinabi mong Mahal Mo Ako. Nagulat Ako, gusto Kong Tumalon talon noon Nang Dahil Sa Saya. Hindi Ko Inakalang Mahal Mo Rin Ako. Niligawan Mo Ako Mula Noong Araw Na Iyon, Ilang Buwan Din Ang nakalipas, Sinagot Na Kita. Ako Na yata Ang Pinakamasayang babae Sa Mundo Noong Naging Tayo. Grumadweyt Tayo Sa Kolehiyo At Nagkaroon Na Ng Kani Kaniyang trabaho. Engr Ka, Secretary Naman Ako.
Birthday mo Noon At Sinabi Kong pumunta Ka Sa Apartment Ko, May Surprise Ako para Noon Sayo, Kaso Ako Naman Ang Nasurpresa, tinawagan Ako Ng Kapatid Mo Para Iparating Na Ika'y Pumanaw Na dahil Ika'y Nadisgrasya. Gumuho Ang Mundo Ko Sa Oras Na Iyon, para Akong Pinagsakluban Ng Langit At Lupa. Matagal Na rin Na Ika'y Wala Na Sa Piling Ko. G, Miss Na Miss Na Kita. "