DWIGHT
Pumunta ako sa engineering study area pagkatapos kong maglunch. Nilabas ko yung assignment ko sa math since yun yung unang ginawa namin.
Pagkalabas ko ng answer sheets ni Liam, napansin kong mali-mali ang kanyang mga sagot.
"Is he really playing with me? How the fuck did he not get this eh parang highschooler ata makakasagot din nito. Or is he really just that dumb?" Inis kong pahayag.
"Oi Dwight inis na inis yang pagmumukha mo ah?" Tugon ni Alex ng makita niya ko sa study area.
"Aaah wala. Naiinis lang ako sa kakambal ko." Pasimple kong rason sa kanya sabay upo niya katapat ko.
"Hahaha ano banh ginawa ni Bright?" Hindi ko siya nasagot. "Well anyways, gusto sana kitang yayain magdinner to this bagong open na fancy thai restaurant. I heard na masarap daw mga dishes nila. G ka?"
"Ganon ba? San yan?"
"Malapit lang sa university natin. 10 minute ride lang ata. Gusto ko din sanang isama si Liam kaso di pa nakakalakad yun. Si Rex naman busy din with his buddy sa assignments nila."
Then I suddenly remember na meron pa pala kaming physics assignment tas di ko pa tapos tong math assignment namin kasi mali-mali sagot ni Liam kainis. Makakapagdinner na sana ako kasama si Alex. Tanginang gagong yun panira!
"Speaking of mukhang pass muna ako Al kasi di ko pa natatapos math assignment namin eh." Sagot ko kay Alex at napansin kong nalungkot siya kaunti.
"Aaah ganon ba?" Dagdag niya.
"Uhhm. How about this Friday night bago ako umuwi samin?" Alok ko kay Alex at biglang lumiwanag ang mga mata niya.
"Okay sige." Sabay ngisi niya.
Diretso nako ng dorm pgkatapos ng klase. Pumaroon ako sa kwarto ni Liam. Nang pakatok na sana ako may narinig ako. It seems na Liam is groaning. Binuksan ko yung pinto tas nakita ko si Liam sa sahig barely touching his ankle like he is in pain.
Agad ko siyang inalalayan at pinatayo. Pinaakbay ko siya at dinala sa kama niya at pinahiga. Kita kong nagpupumilipit sa sakit ang kanyang pagmumukha.
"Ano ba kasing nakain mot pinilit mong tumayo?" Alala kong tanong kay Liam.
Pero he continuesly moans in pain. Kinakapa niya yung ankle niya.
"Heto ba?" Hinawakan ko yung ankle niya para imassage pero napasigaw siya sa sakit.
"Uuuurgh huhuhu."
Dali-dali kong kinuha ang malamig na tumbler na may lamang tubig na nasa freezer at kinold compress yung ankle ni Liam. Napapahawak sa kanyang mukha si Liam sa sakit. Napansin kong pinagpawisan si Liam sa nangyari.
Later on ay naibsan yung sakit ng ankle ni Liam. Pero malalim parin ang kanyang paghinga.
"What were you even thinking? Wala kabang planong gumaling at pinapahamak mo sarili mo?" Galit pero alala kong tanong kay Liam.
"I was just trying to drink kasi nauuhaw ako. Wala akong ibang matawagan and ayokong makadisturbo ng mga taong di ko kilala. Kaya pinilit kong tumayo para uminom. I didn't expect that I would stumble that bad." Ani Liam habang nakatakip sa kanyang mga mata ang kanang kamay niya.
For some reason nakadama ako ng awa sa mukong. Kita ko ang mukha niya na pinapawisan sa sakit.
"Oh siya stop talking na. Just take a rest." Giit ko kay Liam.
BINABASA MO ANG
I Love You, Bastard! [MewGulf - BoyxBoy]
Fanfiction[I Love You, Bastard!] Oras naman ni Dwight na ipagtanggol ang kanyang kakambal. He has been so grateful to him since then dahil only Bright has put up with his behaviour. He is his knight and shining armour every time napapagalitan siya ng kanilang...