No part of this book may be reproduced or transmitted in any form or by any means, electronic or mechanical, including photocopying, recording, or by any information storage without the permission of the author, except permitted by the law. This story is a work of fiction. Any names, characters, business, places, events, incidents and establishment are either the products of author's imagination and doesn't reflect reality. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.
PLAGIARISM IS A CRIME!
(c)_aphydite_, April (2020)
PHOTO BY : The Everygirl
- - - - -
Small Announcement
Salamat nga pala sa mga taong tumulong na mag share/spread ng story ko sa mga social media accounts nila. Sa mga taong sumuporta sa akin at nagbigay inspirasyon para simulan ang kwento ko at matapos ito ng matiwasay, kay Trixie Joyce Conag, Thaleen Riego at John Louie Jeff Barcena, salamat sa inyo ❤
Salamat din sa mga unang nagbasa at tumangkilik ng story ko lubos akong nagpapasalamat sa inyo. Umaaapaw ang saya sa puso ko kung alam niyo lang, kay @BlckMrk, @Hornyfee, @lliannnnee, @Kawaii Me at sa mga unang bumasa at mag babasa palang ng kwento ko ❤
Higit sa lahat pinasasalamatan ko ang ating mapagmahal na Panginoon na siyang nagbigay sa akin ng karunungan para magsulat ❤ I love you po God
Maraming maraming salamat sa inyo, sana magustuhan niyo to ❤
Facebook Page : Aphydite / Aphydite Stories
- - - - -
Lovina's Point of View
"Lovina ... " rinig kong sambit ng isang babae.
Hindi ko na alam kung nasaang parte na ako ng gubat na ito. Pero isa lang ang tanging alam ko na dapat kong gawin ngayon.
Makatakas.
"Nandiyan na ako Lovina ..." malamig at nakakapangilabot na anya ng isang babaeng kanina pa humahabol sa akin.
Tumakbo muli ako. Palayo sa lugar na 'yon.
"Sh*t!" Usal ko nang mamasdan ang huling hantungan ng buhay ko!
"Nasan kana Lovina?"
" Nandiyan na ako ..."
"Lovina ... "
Napalingon ako sa kaliwa nang marinig ang boses ng babaeng 'yon. Ngunit wala!
"Lovina."
Tumingin naman ako sa kanan nang doon ko narinig muli ang boses ng babaeng 'yon. Pero bigo akong makita siya.
"Lovina ... "
Tumingin muli ako sa kaliwa ...
"Lovina."
At muli akong tumingin sa kanan ...
"Lovina!"
Napaatras ako sa kinatatayuan ko dahil sa malakas na sigaw ng babae. Ngunit agad din akong nabahala at umabante muli ng magsipagbagsakan ang maliit na bato mula sa bangin na kinatatayuan ko.
"Lovina ..."
Napalunok ako, tinignan ko siyang muli at laking gulat ko ng pagmasdan ang hitsura niya.
Ngumisi siya, "Kanina pa kita hinahanap, pinagod mo'ko"
Hindi ko magawang makapagsalita. Gulantang parin ako sa pangyayari! Hinawakan ko ang mukha ko habang tinitignan siya.
Bakit ... kamukha ko siya?
Ngumisi siyang muli at umiling iling. Pinaglaruan niya sa kamay niya ang kutsilyong hawak niya. "Tapusin na natin to Lovina. Papatayin na kita ngayon para wala ka ng uumpisahan."
Nabahala naman ako nang dahan dahan siyang naglakad papalapit sa akin. Sinulyapan ko ang bangin na nasa likod ko. Dagat.
Tuloy pa rin siya sa paglakad papalapit sa akin na halos ikanginig na ng tuhod ko. "Diyan ka lang! 'Wag mokong lalapitan!" Sigaw ko.
Ngumisi naman siya bago sinunod ang utos ko.
"Sino ka ba? Ano bang kailangan mo sakin? At bakit kamukhang kamukha kita?" Sunod sunod na tanong ko
Ngumisi naman siya. "Still confuse Lovina? Isn't it obvious? You're here again. Bumalik ka and I'm so happy to see you again!" Isang nakakabinging tawa ang pinakawalan niya matapos sabihin 'yon
Kumunot ang noo ko, "Hindi ako nakikipagbiruan! Sino ka ba talaga huh? At nasa'n ba ako!? Sabihin mo!" Sigaw ko
Ngumisi siyang muli at napailing iling. "The creator is confuse of her creation huh? Diba ikaw ang gumawa nito? Bakit hindi mo alam?" Tugon niya
Dahan dahan siyang lumapit muli sa akin na may kakaibang ngisi sa labi, " 'Wag! 'Wag mokong lalapitan! Binabalaan kita!" Hindi siya nakinig sa akin at patuloy lang sa paglakad
Lumakas ang tibok ng puso ko. Pinagpapawisan na din ako ng malamig at nagsisitayuan na ang mga balahibo ko. Ngayon na ang tamang panahon para mamili. Tatalon ba ako o hahayaang patayin ako ng babaeng 'to?
Malamig na hangin ang naramdaman ko habang mabilis na nahuhulog pabagsak sa dagat na ito. At, bago pa man ako mapasailalim ng dagat na'to ay kitang kita ko pa ang ngisi niya sa labi habang tinatanaw ang pagbasak ko.
Nasaan na naman ba ako? Saan lugar na naman ba ako dinala ng imahenasyon ko?
BINABASA MO ANG
Lockdown in Artworld (Ongoing)
FantasyLockdown in Artworld : Ongoing Lovina Nicolas is a great artist. She loves to draw so much and she expressed her world through arts. She says that everything is perfect when she's facing her artwork. One day a magical book exist in her life. This b...