Chapter 9

90 64 44
                                    

Chapter 9 : Flirt!! 

Lovina's Point of View

Lumipas ang mga araw at sobrang bilis ng mga oras, August 2, 2020 Sunday, hays dalawang linggo na pala simula noong mapunta ako dito. Tinignan ko ang hawak hawak ko na paint brush, nasa study room ko kasi ako at nagpipinta, tinatapos ang isang akda na hindi tapos. Hindi ko alam kung sino ang may-ari pero nasa loob ito ng kwarto ko, sa taas ng hagdan na napanaginipan kong may may nahuhulog na paintbrush. Napalunok naman ako at natigilan noong maalala yun, panaginip lang yun Lovi wala lang yun.

Kinulayan ko ito at pinaganda ng husto, "Wow, too beautiful sister" narinig kong sambit ng tao sa likod ko.

Nilingon ko siya at ngumiti, "Salamat ate"

"Naniwala ka naman tsss ..." sambit niya at napairap pa, "I'm here because I am asking a favor ..." natigilan siya.

Napakunot naman ako ng noo, "Tutal ... kaibigan mo naman si Ronnie, pwede pakiusapan mo sana siya na bigyan kami ng idea kung paano gumawa ng Robotic Cube" sambit niya, "Iyon kasi ang naisip namin na product na ibenta dahil mukhang madaming magiging interesado doon" dagdag niya pa.

"Ate ... hindi naman kami gaanong ka close ni Ronnie, minsan ko lang din siya nakakausap" tugon ko

Napabuntong hininga naman siya at napairap, "Tss .. what ever, wag na nga lang" sambit niya pa, "Walang kwenta" narinig kong bulong niya at bumaba na sa hagdan.

"Saglit ..." natigil siya sa paglakad "Try ko" nakita ko naman siyang napangisi at umalis na.

-

"Geeeezzz yiiee!! Nakakahiya hihi" sambit ni Elena

"Tumahimik ka nga" natatawa kong puna sa kaniya, "Uy humanda na kayo, nandiyan na siya"

Agad na tumahimik ang dalawa noong nakita naming papalapit na si Ronnie sa upuan namin, inimbitahan ko kasi siyang sumabay sana sa aming kumain, Monday ngayon at Lunch Time.

Kung ipinagtataka niyo kung paano kami naging close ng dalawang to? Hindi ko din alam pero marahil sa pag kamiss ko din sa tunay kong mga kaibigan, tinuring ko na din sila bilang Ellaine at Merizette

"Geeezzz waahhh ang pogi ni papi Ronnie" mahinang bulong ni Elena umiling iling nalang ako at napangiti

May kasamang isang lalaki si Ronnie at bago lang siya sa paningin ko, hindi ko pa siya nakita kahit kailan ngayon lang.

"Hi girls ..." bati niya kayla Elena at Zerimiah, lumipat ang tingin sa akin ni Ronnie, "Hi Bianca thanks for inviting me to join with you this lunch" umupo silang dalawa sa harap namin, nasa pang 6 persons per table kami nakaupo.

"Welcome, hmm hindi ko nga inaasahan na papayag ka eh" tugon ko naman.

"Huh bakit naman hindi ako papayag?" Tugon niya, "Anytime and anywhere pede ako, as long as I'm free" sambit niya.

Napatingin siya sa katabi niyang lalaki kaya napatingin naman kami sa katabi niya, ang gwapoooo

"Girls meet Joseph, buddy ko" sambit ni Ronnie, ngumiti naman si Joseph

"Hi I'm Elena" sambit ni Elena habang ngumingiti

"And I'm Zerimiah, Miah for short" sambit naman ni Miah

Tumingin naman sa akin si Joseph, "I'm Lov-- Bianca, nice meeting you" sambit ko.

"So what's now? Tara kain na tayo" nakangiting sambit ni Ronnie sa amin kaya hindi ko din maiwasang mahawa sa ngiti niya. "Ano bang o orderin niyo? Kami na bibili" dagdag niya pa.

Lockdown in Artworld (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon