Chapter 16 : I am you LOVINA!
Lovina's Point of View
Nandito ako ngayon nakaupo at binabantayan si Ate, 3 hours na siyang tulog at hindi pa din gumigising. Kasama ko si Mama sa pagbabantay habang si Papa naman ay nauna ng umuwi sa bahay at siya naman ang magbabantay bukas. Si Kuya Raymond naman ay susunod mamayang 9 pm dahil magdadala lang siya ng mga gagamitin niya sa overnight sa pagbabantay kay Ate.
Napatingin ako sa orasan, 8:20 pm na hays sana gumising ka na Ate, miss ko na ang kasungitan mo. Isip isip ko habang tinitignan ang maamong mukha ni Ate na natutulog ngayon, sabi ng Doctor within 3-6 hours magigising na ng tuluyan ang Ate kaya hindi na daw kami dapat mag alala pa.
Tumingin ako kay mama na abala sa pag-aayos ng kakainin namin ngayong gabi, ngayon palang kasi kami ginanahan na kumain. Nandito din si Manang Elsie at Ate Mawi, kasama sa pagbabantay kay Ate dito sa Hospital.
"Bianca, anak kumain na muna tayo" pagtawag niya sa akin
Mapait naman akong ngumiti at lumapit sa kaniya, mula sa likod ay niyakap ko siya ng mahigpit. "I love you Mama" malambing na sambit ko at mas hinigpitan pa ang yakap
Naramdaman ko naman ang marahan niyang paghimas sa kamay kong nakayakap sa kaniya, dahan dahan niya din itong kinalas at hinarap ako sa kaniya.
"I love you too sweetie" sambit niya at nilapit niya ako sa kaniya
Naramdaman ko naman ang halik noya sa noo ko kaya napangiti ako, niyakap ko siyang muli at pagkatapos ay kinissan sa pisngi.
"Kain na po tayo" sambit ko
Kumalas na ako sa pagkakayakap at kumain na sa pina grab naming pagkain, kasama na din namin sila Manang Elsie at Ate Mawi na kumain. Nagtira din kami ng isang box para kay kuya Raymond at baka ay gutom ito pagdating dito.
Ilan pang sandali ay natapos na kaming kumain, ako ang nag presinta na mag tapon ng basura dahil gusto ko ding lumabas para mag CR to have some refreshments after this long and tiring day.
Pumunta na ako sa CR dala dala ang mga nabubulok na basurang dala ko, laking pasasalamat ko nalang at may basura para sa nabubulok ang labas ng CR na napuntahan ko. Tinapon ko na yun doon at pinagpag ang dalawa kong kamay.
"Hays" napabuntong hininga akong binuksan ang pintuan ng CR na ito
Agaran akong pumunta sa lababo at naghugas ng kamay, matapos kong mag hugas ng kamay ay binasa ko din ng tubig ang mukha ko. Feeling ko ang lagkit lagkit ko na gusto ko ng maligo kaya lang nakakahiya naman maligo dito. Matapos kong hugasan ang mukha ko ay na moblema naman ako sa ipupunas dito.
"Geez wala pala akong dalang face towel" mahinang sambit ko at kinapa ang buong katawan ko nagbabakasakaling may mahanap na pwedeng ipamunas sa basa kong mukha.
Agad kong nilabas ang panyo na nahawakan ko sa bulsa ng color peach dress ko, hindi ko maiwasang mapangiti nang maalala kung sino ang may-ari ng panyo nato, Ronnie.
"Look who's smiling and enjoying her helly day hahhaha"
Napatingin ako sa likod ko ng marinig ang isang babaeng nagsalita doon pero wala namang tao, may narinig ako kanina eh. Umiling iling nalang ako at binaling ulit sa salaming nasa harap ko ang tingin.
BINABASA MO ANG
Lockdown in Artworld (Ongoing)
FantasiLockdown in Artworld : Ongoing Lovina Nicolas is a great artist. She loves to draw so much and she expressed her world through arts. She says that everything is perfect when she's facing her artwork. One day a magical book exist in her life. This b...