Chapter 17 : Good bye baby
Lovina's Point of View
I was left dumbfounded noong mapagmasdan ko ang picture, it's them! Alam kong sila ito! Kahit malabo at kahit malayo alam kong si Lawrence ito at itong isa naman si Sherwin! But how come!? Bakit naman nila gagawin yun? Bakit naman nila sasaktan si Ate?
Kilala ni Lawrence si Ate! At alam niyang siya ang Ate ko sa mundong ito kaya bakit naman niya yun gagawin!? Ano naman ang dahilan niya para gawin yun!?
"Give me the picture Bianca and go back to your chair now." Puno ng awtoridad na utos ni papa
Bumalik naman ako sa ulirat sa salitang sinambit ni papa at agarang binigay sa kaniya ang pictures, natataranta din akong bumalik sa upuan ko.
No! No! No! It's not them! Paano naman magagawa ni Lawrence yun!? Hindi siya ganun! Hindi niya kayang pumatay ng tao kahit wala pang kasiguraduhang sila nga yun. Hindi nga ba?
"Siyempre hindi." Mahinang pagtanggi ng isang side ng isip ko.
Alam kong pinaglalaruan na naman ako ng babaeng yun but this time hindi niya ako mauututan, alam kong plinano na niya to. At alam kong inosente sila Lawrence dito!
"Baby----baby ko, my babyy"
Lumaki ang mata ko nang marinig kong magsalita si ate, kahit paos paos sobrang nagagalak ang puso ko dahil nakakapagsalita na ulit siya!
"Baby----baby ko, yung baby ko nasan na yung b-baby ko" sambit niya ulit
Masaya naman akong lumapit sa kaniya at marahan siyang niyakap, gising na nga talaga ang Ate ko! Umusog din ng kaunti ang mga pulis na sa kalaunay tumayo na.
"Sir mamaya nalang po ulit" sambit ng isang pulis
Tumingin naman si papa sa mga pulis at nakipagkamay, "Sige, 4 pm later" sambit niya pa
Tuluyan na ngang umalis ang mga pulis kaya tuluyan ko ng nayakap ng husto ang ate ko, hindi ko naman diniinan sapat lang yung yakap ko para malaman niyang na miss ko siya ng husto.
"Ahh!! Y-Yung baby ko, yung baby ko!! Baby ko----baby" sambit niya at nagpupumiglas sa yakap ko
Kumalas ako sa yakap namin at nag-aalala ko naman siyang tinignan, umiiyak na siya ngayon at hinahawakan ng dahan dahan ang tiyan niya.
"Anong masakit Ate----"
"Baby koo---yung baby ko!" Umiiyak at paos paos na sambit niya
Nagkatinginan kami ni papa at bakas sa mukha niya din ang pag-aalala.
"Bianca call your sister's boyfriend, I'll call your mother" sambit ni papa
Nanginginig naman akong kinuha ang phone ko, hinanap ko doon ang number ni kuya Raymond. Ngunit nasapo ko naman ang ulo ko ng mapagtantong hindi nga pala kami nag hingian ng numbers!
Napatingin naman ako sa cellphone ni Ate sa gilid ng table niya, kinuha ko iyon at binuksan kaya lang may lock. Dumiretso nalang ako sa emergency numbers at hinanap sa contact list ni Ate si kuya Raymond.
Gotcha!
Ilang rings pa bago sinagot ni Kuya ang phone niya,
"Hi, Raymond Saliente speaki----"
"Kuya! Emergency pumunta ka sa hospital ngayon na!" Pagputol ko sa sasabihin niya
"B-Bianca? Bakit anong nangyari?" Tanong niya at ramdam kong nagmamadali na siyang mag-asikaso ngayon
BINABASA MO ANG
Lockdown in Artworld (Ongoing)
ФэнтезиLockdown in Artworld : Ongoing Lovina Nicolas is a great artist. She loves to draw so much and she expressed her world through arts. She says that everything is perfect when she's facing her artwork. One day a magical book exist in her life. This b...