Chapter 18

22 10 0
                                    

Chapter 18 : Two dead bodies

Lovina's Point of View

"Lagi lang kaming nandito okay? Gagaling din ang ate mo wag ka ng masyadong mag-aala" pag-aalo sa akin ni Elena, niyakap niya din ako ng mahigpit.

Niyakap ko naman din siya pabalik, "Salamat hayss naiiyak tuloy ako sa ginagawa niyo" pagbibiro ko

Tumawa naman sila ng mahina, "Yan smile lang, be positive. Maaga kang tatanda niyan kung lagi kang nakasimangot sige ka" pagbabanta ni Miah sa akin.

Ngumiti naman ako at nilapit ko si Miah sa akin, ngayon magkakayakap na kaming tatlo ngayon sa loob ng Canteen.

"I'm so thankful that I have you guys" sambit ko

"Awww" sabay nilang tugon

Natawa naman ako ng mahina sa ginawa nila, at least na lessen ng onti yung pain na nararamdaman ko. Na lessen ng onti yung bigat na pinapasan ko dahil sa napakadami at sunod sunod na problemang bumungad sa akin sa mundong ito. Ang makilala ang pamilyang iba naman ang pagkilala sa akin, mga kaibigan kong hindi makilala ang iba pa naming kaibigan, pagkasaksak ng Ate Angelica, pagkamatay ng baby niya at panggugulo ng bruhang babaeng yun na kamukhang kamukha ko. Sobrang nakakapanlumo na.

"Bakit hindi mo nalang ako patayin huh!?"

"Kahit gusto ko ay hindi ko din magawa. Hinarangan niya ako. Pinigilan at pinatay para lang sayo, para lang mabuhay ka sa mundong to."

"A-Ano? Sino namang baliw na tao ang gumawa nun!?"

"Bakit hindi mo alamin? Mahal na mahal ko siya pero mahal na mahal ka niya tsk! Hindi ako ang nanggugulo sa buhay mo. Pero sa ayaw at gusto mo lagi mokong makikita sa mundong to."

Napapikit ako ng maalala ang usapan namin ng baliw na babaeng yun. Kung mahal ako ng taong sinasabi niya bakit naman ako pinahihirapan ng ganito? Ganiyan ba siya magmahal, mapanakit masyado? At sino ba siya? Dahil bukod kay Lawrence wala na akong ibang kilala na nagmamahal sa akin ng husto sa mundong ito.

Hindi kaya si Lawrence?


-

Nandito ako sa tapat ng Alice's Eater, 3:50 pm at araw parin ng lunes. Hinihintay ko dito si Lawrence, ang sabi niya kasi sa text ay dito kami magkita. Hindi kalayuan sa school ang eatery na ito, medyo liblib ang lugar dito at napapaligiran ng mga average houses. Antagal naman niya!

"Hey I'm sorry pinaghintay ba kita?" Tanong ng isang lalaki sa likod ko

Napatingin naman ako sa kaniya at sinamaan siya ng tingin, "Bakit ang tagal mo? Akala ko ba 3:30 sharp?"

Nang hindi siya naka sagot agad ay nag cross arms ako ako sa harapan niya at tinaliman pa ang titig sa kaniya, "Hindi ka na nga nagrereply sa mga text at tawag ko! Pati ba naman sa meet up natin paghihintayin mo pa ako?" Dagdag ko, tssss!!

"Sorry----"

"Puro sorry sorry! Lagi nalang sorry! sabay gagawin din naman ulit!" Pagputol ko sa sasabihin niya

Lumungkot naman ang mga mata niya kaya nag-iwas ako ng tingin.

"Ano ba------!"

Lockdown in Artworld (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon