Chapter 20 : In his arms
Lovina's Point of View
"Elenaaaaa!!Nagdudugo ka----tulong! May nabaril dito---tulong! Hey Elena----wag kang iidlip!! Please wag kang pipikit!" Sigaw muli ni Miah
Mabilis naman akong bumangon at lumapit sa kanila, nanginginig ang kamay ko ngayon pati na rin ang mga binti ko habang papalapit sa kanila. Sinusundan din ako ni Elena ng tingin habang papalapit ako sa kaniya.
"S-Sorry B-Bian-ca masak-kit ba ang t-tulak ko sayo?" Nauutal na sabi niya habang concern na nakatingin sa akin
Bigla naman akong napaluhod paharap sa kaniya dala ng panghihina, bumuhos na din ang mga luha ko ng makita ang kalagayan niya. May tama siya ng bala sa puso ngayon, at kitang kita ang tama ng balang iyon sa puting uniporme niya.
"E-Elena ..." umiiyak na sambit ko habang hinahaplos ang buhok niya
Ngumiti siya sa akin, "S-Sorry na sa p-pagkukulit ko sayo k-kanina na miss l-lang naman k-kita kausap eh" paos paos na pahayag niya
"Elena a-ayos lang yun wag ka ng magsalita ... s-sorry din hindi kita napansin kanina, sorry hindi ko kayo pinansin" tugon ko habang hinahaplos parin ang buhok niya. Sorry hindi ko napansin na maaring isa sa inyo ni Miah yung babae sa drawing!
Napapikit siya ng mariin pero kalaunay ay ngumiti, "M-Mag iingat k-kayo lagi, m-mahal ko kayo" sambit niya pa
Pinanghinaan naman ako ng loob sa sinabi niya, tumigil ang paghaplos ko sa buhok niya at maski si Miah ay lumalakas na din ang pag-iyak.
"Wag ka ngang mag salita ng ganyan! Lumaban ka please----Elenaa!" Humahagugol at nauutal na sambit ni Miah
Ngumiti naman si Elena at hinawakan ang kamay ni Miah ilang sandali pa ay biglang naubo si Elena ng dalawang beses.
"Elenaa---ayos ka lang!?" Natatarantang tanong ko
"Tulong tumawag kayo ng ambulansya please!!" Natataranta namang sigaw ni Miah
"May d-dadating ng Ambulansya!" Rinig kong utal utal na sigaw ng babae mula sa likod ko
Umubo muli si Elena ng dalawang beses at sa pagkakataong ito ay bumubulwak na siya ng dugo.
"Elenaaa!!Hindi---hindi hindi!!" Natatarantang sigaw ko
"Excuse us!" Biglang may tumulak sa aming dalawa ni Miah na tatlong ambulance men at inasikaso si Elena.
-
Mabilis ang takbo ng Ambulance papunta sa Clarkson Genius Hospital, ito lang ang pinakamalapit na Hospital sa school at dito galing ang ambulansiyang nag rescue sa amin. Halos tatlong minuto lang ang tinagal namin sa biyahe at kinalaunan ay binaba na ng two Ambulance men si Elena at sinugod sa ER.
"Hanggang dito nalang po" paghaharang sa amin ng dalawang nurse
"P-Pero kaibigan ko siya" sagot naman ni Miah na nauutal pa
"Sorry Miss pero hanggang dito lang talaga" sagot ng nurse at sinarado na ang pintuan ng ER
"Miah h-hindi tayo pwedeng pumasok diyan" hinawakan ko ang braso ni Miah habang sinasabi ang mga salitang iyon.
Nanginginig siya ngunit wala ng lumalabas na luha sa mga mata niya, bagsak ang balikat niyang tumingin sa akin. Sobrang lungkot ng mga mata niya ngayon, tuyo na din ang mga luhang umagos mula sa mga mata niya kanina.
BINABASA MO ANG
Lockdown in Artworld (Ongoing)
FantasyLockdown in Artworld : Ongoing Lovina Nicolas is a great artist. She loves to draw so much and she expressed her world through arts. She says that everything is perfect when she's facing her artwork. One day a magical book exist in her life. This b...