Chapter 25 : Turning me on!
Lovina's Point of View
It's Saturday and I'm with Rence inside his house now. It's 6:20 pm in the evening at pinapaluto niya ako ng paborito niyang ulam. Adobo, well honestly yun lang ang alam kong lutuin at yun lang naman din daw ang paborito niyang kainin.
After maluto ng ulam ay kumain na kami. We ate so fast, para kaming nangangarerang dalawa sa pabilisan ng pagkain. Until ...
"Oh tubig, dahan dahan lang kasi" sambit niya at nilapagan ako ng isang basong tubig sa lamesa
Hindi ko pinansin ang sinabi niya at ininom nalang ang tubig na binigay niya. Patuloy pa din akong inu-ubo at siya naman ngisi ng ngisi sa harap ko.
"Ano?" Iritado kong tanong
"Ano?" Tanong niya pabalik sa akin
"Tsk."
Ngumisi ulit siya at kumain na muli. " Hinay hinay lang kasi sa pagkain ..."
"Tsk"
Ngumisi muli siya at binalewala ang pag-ismid ko sa harap niya. I miss this.
Nang matapos na kaming kumain ay hinugasan ko na ang mga pinggan. Tinitignan ko siya at sinisilip paminsan minsan, busy siya ngayon hawak hawak ang gitara niyang hindi ko alam kung saan galing. Nang matapos ko na ang paghuhugas ay umupo na ako sa tabi niya.
Napatingin siya sa akin at ngumiti nang mapansing tumabi ako sa kaniya. "Kaninong gitara yan?" Tanong ko habang pinupunasan ng panyo ang basa kong kamay
"Sakin ... binili ko, 800 pesos lang naman, second hand" tugon naman niya
Lumaki naman ang mata ko, "800!? Eh diba 1,500 lang ang sinasahod mo sabay bumili ka na ng ganiyan wala ka pa ngang ipon!" Panenermon ko sa kaniya
Pero ngumiti lang siya, "Ayos lang ako, kaya ko ang sarili ko. Saka binili ko to kasi gusto kitang kantahan tuwing magkikita tayo" tugon naman niya
Binili niya para sa akin, ginawa niya para sa akin, at gumastos siya para sa akin! Puro nalang sa akin, paano naman siya? Paano siya mabubuhay niyan kung napaka gastador niya?
"Pero hindi mo naman na kailangan bumili niyan para kantahan ako, gumastos ka pa tuloy" tugon ko naman, akma kong kukunin ang wallet ko nang pigilan niya ako.
"Yan ang wag mong gagawin Lovi. " may pagbabanta sa boses niya kaya tinignan ko siya, "Ayos lang ako. Wag mo na akong alalahanin." Dag dag niya pa
Napabuntong hininga nalang ako at napairap. Ayaw niya akong pagastusin! Pero gastos siya ng gastos para sa akin! Nag-iwas ako ng tingin sa kaniya at naka cross-arms na sumandal sa ding ding.
Narinig ko ang pag strum niya sa gitara ng isang pamilyar na kanta. Natural na pamilyar sa akin iyon, dahil iyon ang lagi niyang kinakanta sa akin noon.
Nag strum pa siya hanggang sa inumpisahan na niyang kantahin ang kanta. Nanatili lang akong naka-iwas ng tingin sa kaniya. Hindi ko lang kasi matanggap. Para akong walang ambag sa relasyon namin.
BINABASA MO ANG
Lockdown in Artworld (Ongoing)
FantasíaLockdown in Artworld : Ongoing Lovina Nicolas is a great artist. She loves to draw so much and she expressed her world through arts. She says that everything is perfect when she's facing her artwork. One day a magical book exist in her life. This b...