JOHN PAULO.
"Good morning!" Bati ko sa mga kaibigan ko pagpasok ng room. Tumango lang sila at kapansin pansin agad ang malalim na pag-iisip nila.
"Anong meron?" Tanong ko nang makaupo ako. Hinarap ko 'yung tatlo pero umiiling lang. Binalewala ko na lang yon at agad lumingon sa pwesto ni Liah.
I was smiling, excited to see her there but wala pa rin. Expected kong naroon na sya pero... wala.
Hindi ba din ba siya ayos?
Isang linggo na mula nang nakita ko sya. Oo, isang linggo na pero hindi pa sya pumapasok. Sa tuwing susubukan kong dumalaw, lagi akong aayain nila Stell. Bina-blackmail pa ako para sumama.
Isang linggo ko nang di nakikita si Alliah at aaminin ko, nami-miss ko na sya.
"Wala pa din si Alliah?" Malungkot na tanong ko pero wala sumagot sa kanila. Napakunot noo na lang ako at bumaling sa upuan ni Rein pero wala rin siya.
I sighed and buried my head on my desk.
***
REIGN.
I'm going to visit Alliah today. Hindi ako pumasok para mapuntahan siya. Gusto kong malaman kung ayos lang ba sya. Kahit pa hindi kami close, I feel guilty. I feel like I'm stealing Pablo's attention from her.
"Reign, saan ka pupunta?" Tanong ni Kuya Rio sa akin. Hindi din sya pumasok ngayon dahil mamaya aalis sya. He's going to London dahil pinapapunta sya ni Daddy don. Urgent daw.
"I'm going to visit someone, Kuya," sagot ko habang inaayos ang buhok ko.
"Bakit di ka pumasok?" Tanong niya at naramdaman ko ang paglapit niya.
"Importante itong pupuntahan ko, Kuya," tipid na sabi ko.
He nodded and pat my shoulder. "Okay. Basta umuwi ka agad. Dahil hindi ka pumasok, ihatid mo ko sa airport," sambit nya saka tumawa.
I chuckled with him amd playfully rolled my eyes. "Oo na. Anong oras ba ang flight mo?"
"3 PM pa," sabi nya. Tumingin naman ako sa orasan at napatango. 8:00 AM pa lang at marami pang oras.
"Okay. Text me," sabi ko saka kinuha ang bag ko. Tinapik ko ang balikat ni Kuya saka lumabas ng bahay. I drive my car papunta sa isang mart. Bibili ako ng fruits for Alliah.
Pagkabili ko, nagpunta na ako sa bahay nila Alliah. I know where she lives dahil minsan kong nadaanan yung bahay nila. Sa tuwing may group activities din sila Kuya na kasama si Ate Roshan at si Kuya Josh, laging sa bahay nila Alliah sila.
Nagdoorbell ako nang makarating sa tapat ng bahay nila. Ilang sandali lang nang lumabas si Ate Roshan.
"Reign?" Tanong nya nang makita ako.
"Magandang umaga po, ate," bati ko.
"Anong sadya mo?"
"Uhh... Si Alliah, pwede ko bang makausap?" Nakita ko ang pag-aalangan niya kaya nagsalita aking muli. "Please, Ate Roshan. I already know about Alliah's disease," sabi ko na kinagulat nya.
"H-how..." she trailed.
I licked my lower lip and sighed. "I saw you two sa CR one week ago. The day na pinuntahan ko si Pablo sa cafe."
Before she could answer, another voice joins in.
"Love, sinong andyan?" Narinig ko ang boses ni Kuya Josh. Ilang sandali pa ay nakita ko na siyang nasa likod ni Ate Roshan.
"Reign? Naparito ka?" Tanong ni Kuya Josh sakin nang makita ako.
Ngumiti ako ng tipid saka sumagot. "I just want to see Alliah. Pwede po ba?"

BINABASA MO ANG
HANAHAKI | SB19 Pablo ✓
FanficHanahaki is a disease where the victim of unrequited or one-sided love begins to vomit or cough up the petals and flowers of a flowering plant growing in their lungs, which will eventually grow large enough to render breathing impossible if left. On...