Chapter 14

676 48 0
                                    

JOSH CULLEN.

Kabado akong nagdadrive papuntang ospital. Sobra-sobra ang kaba ko at ilang beses pang nahampas ang manibela dahil sa trapiko.

Hindi ko kakayanin kung may mangyaring masama kay Alliah.

"Reign, anong pinag-usapan nyo ni Alliah?" Dinig kong tanong ni Roshan kay Reign.

Nakita ko sa rear mirror na napayuko si Reign at hindi nakaligtas sa mata ko ang tumulong luha nya.

"S-sinabi nyang may gusto sakin si Pablo... sana daw mahalin ko si Pablo dahil... ako daw ang makakapagpasaya sakanya." Humihikbing sabi ni Reign kaya hindi ko din maiwasang umiyak.

Alliah, sinasaktan mo ang sarili mo!

"Damn," bulong ni Roshan sa tabi ko kaya hinawakan ko ang kamay nya.

Nagmadali akong bumaba nang makarating na kami sa hospital. Binuksan ko ang pintuan nang backseat at binuhat ang kapatid ko. May sumalubong na nurse samin na may dalang stretcher. Nilapag ko dun si Alliah at agad nilang sinugod sa ER.

"Anong nangyari?" Tanong ng doctor. Si Roshan ang sumagot dahil hindi na ako makapagsalita.

"Kuya Josh..." Tawag ni Reign nang nasa labas na kami nang ER. Tumingin lang ako sakanya.

Yumuko siya. "Sorry. I'm sorry kung pumunta pa ako. D-dapat pala hindi na ko nagpunta para kausapin si Alliah. Edi san--" agad akong pinutol ang sasabihin niya.

"Wala kang kasalanan. Walang may kasalanan. Okay? Tama na," sabi ko.

Tumango sya at naupo sa upuan sa labas ng ER. Lumapit naman ako kay Roshan na nakaupo din. Tinabihan ko sya at inakbayan. Pinunasan ko ang luha nya. Alam kong nasasaktan din sya dahil kapatid na ang turing nya sa kapatid ko.

"Love..." Tawag nya.

"Hm?"

"Okay lang si Alliah, diba? Gagaling sya, diba?" Lumuluhang tanong nya kaya niyakap ko na sya. We hug each other as we cry. Both praying that Alliah would be safe. She will be. Naniniwala ako.

"Yes, love. Tiwala ako sa kapatid ko. Gagaling sya. Wala lang 'yang sakit na yan sa kanya. Kayang kaya nya," sabi ko. Pinapalakas ko ang loob niya pati na rin ang sakin dahil sa totoo lang, nanghihina ako ngayon pero magpapakatatag ako.

Hindi pwedeng maging mahina ako lalo ngayong nanghihina si Alliah pati si Roshan.

"T-tawagan mo kaya sila Ken?" Sabi nya sakin.

Kinuha ko ang phone ko at tinawagan sila Ken nang tumayo si Reign at lumapit.

"Kuya, Ate, uuwi muna ako. May importante lang akong gagawin," sabi ni Reign. Tumango na lang ako saka sya umalis na at saktong sinagot naman ni Ken ang tawag.

"Dre, napatawag ka?"

"Si Alliah..." panimula ko.

"Bakit? Anong nangyare?!" Narinig ko ang pagkataranta sa boses niya.

"Pumunta kayo dito sa Hospital malapit sa campus. Please, 'wag nyong isama si Pablo."

"Oo, dre. Umalis din sya. Kakausapin daw si Reign at may sasabihin daw."

Sinabihan ko silang mag-ngat bago ko ibinaba ang tawa. Niyakap ko si Roshan matapos kong tawagan sila Ken.

Lord, kayo nang bahala sa kapatid ko.

***

JOHN PAULO.

"Saan kayo?" Tanong ko nang tumayo sila Ken pagkatayo ko. Pupuntahan ko kasi si Reign sa kanila. She called me ngayon lang at pinapapunta niya ako sa kanila.

"Papasok na," sagot ni Stell kaya tumango na lang ako.

"Sige, dre! Uwi na ko. Pupuntahan ko pa si Reign," sabi ko. Tumango sila na ipinagtaka ko. Usually, aasarin nila ako pero ngayon ay tahimik sila pero hindi bale, baka mga wala sa mood.

Nakasalubong ko sina Daria, Celine at Keicy habang palabas ng campus.

"Uuwi ka?" Tanong ni Daria.

"Oo. Pupuntahan ko si Reign," sabi ko. Nagkatinginan silang tatlo saka tumango.

"Nasasn pala sila Stell?" Tanong ni Celine.

"Nasa cafeteria. Papasok na daw sila," sabi ko saka nagpaalam na at umalis. Lumabas ako ng gate. Buti wala pang guard. Nagbreak din.

Sumakay ako ng tricycle habang tinatawagan si Reign. Mabilis niyang sinagot ang tawag kaya napangiti ako.

"Reign..." panimula ko.

"Pablo, nasaan ka na?" Sumulyap ako sa labas ng tricycle at hinayaang hanginin ang buhok ko.

"Papunta na, hintayin mo ako."

She hummed as an answer. Binaba na rin niya ang tawag. Ilang saglit pa nang makarating na sa tapat ng bahay nila. Nilabas ko ang phone ko para tawagan si Reign at sabihing andito na ko pero nagbukas ang gate bigla.

"Pablo?" Napalingon ako at nakita si Kuya Rio, ang lalaking kapatid ni Reign.

"Kuya Rio, magandang tanghali," sabi ko saka sumilip sa loob. Napansin naman niya iyon kaya agad siyang nagtanong.

"Si Reign ba?" Nalipat ang paningin ko sa kanya bago ako tumango. "Umalis sya, may pinuntahan," sabi nya.

Kumunot naman ang noo ko. "Kakatawag lang niya. Pinapunta nya ko dito," sabi ko saka tumingin sa kalsada.

"Tawagan mo." Sumang ayon ako sa sinabi ni Kuya Rio at tinawagan si Reign.

"Pablo? Pauwi na ko. Sorry, may dinaanan lang ako." Bungad niya.

"Sige, nandito ako sa tapat ng bahay nyo," sagot ko bago sumandal sa kanilang gate.

"Wait for me, malapit na ako."

"Okay, ingat."

"Nasaan daw?" Tanong ni Kuya Rio pagbaba ko ng phone. Nilingon ko naman siya at nginitian.

"Pauwi na raw."

Tumango sya at nagsabing papasok muna. Isang puting kotse ang pumarada sa harap ko at alam ko na kung sino yun. Si Reign ay bumaba mula don.

"Pablo, sorry kung natagalan," sabi nya saka ngumiti pero isang bagay ang napansin ko.

Parang malungkot sya.

"Ano bang pag uusapan natin? May problema ka ba?" Tanong ko.

"No. Uhh... sa kotse na tayo mag usap," sabi niya saka naglakad papunta sa kotse. Sumunod ako at pumasok sa passenger seat habang siya ay sa driver seat.

Akala kong magmamaneho sya pero hindi. Ilang minuto kaming natahimik don.

"Ayos ka lang?" Pambabasag ko sa katahimikan.

"Pablo, what do you feel about Alliah?" Nabigla ako sa tanong nya.

"Bakit mo natanong?" Takang tanong ko.

Bakit tinatanong nila sakin ito?

"Just answer, Pablo. Anong nararamdaman mo para kay Alliah?" Tanong nya saka tumingin sakin.

"Do you love her as bestfriend? Or more than that?"

Why do I feel like there is something wrong?

Why do they keep asking me this?

Did something happened?

-

Edited Version.

HANAHAKI | SB19 Pablo ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon